Inday TrendingInday Trending
Akala ng Babaeng Ito’y Maisasama Niya sa Hukay ang Malaking Pagkakamali sa Asawa Ngunit Aalinsangaw pa rin Pala ang Kanyang Baho

Akala ng Babaeng Ito’y Maisasama Niya sa Hukay ang Malaking Pagkakamali sa Asawa Ngunit Aalinsangaw pa rin Pala ang Kanyang Baho

Halos limang taon nang nagsasama sina Maricar at Lindon bilang mag-asawa.

“Ano, ayaw mo? Bakit? Mas magaling ba sa ‘kin sa kama yung lalaki mo ha!?” tanong ni Lindon sa asawa ng minsang yayain niya itong magtalik ngunit tumanggi si Maricar sa kanya.

“Ito na naman ba tayo, Lindon? Hindi ka lang mapagbigyan uungkatin mo na naman yung naging kasalanan ko? Tatlong taon na yung lumipas, hindi mo pa rin ba ako mapapatawad?” matapang na tanong ni Maricar sa asawa. Siya pa itong galit.

Nasubukan ang pagsasama ng dalawa nang magkaroon si Maricar ng ibang lalaki tatlong taon na ang nakalipas. Katrabaho iyon ng babae at aminado siyang lubos na nahulog ang kaniyang loob kahit pa nga parehas silang pamilyado ng lalaki. Tumagal rin ng halos pitong buwan ang mapusok nilang relasyon.

“Tsaka ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na walang nangyari sa’min ni Danny,” dagdag pa ng misis niya.

Sino nga ba naman ang aamin sa isang kasalanang magiging rason ng isang malaking problema sa pagsasama ng mag-asawa? Parang kahit sino naman ay wala, katulad ng ginawa ni Maricar, nahuli siya ng kaniyang asawang nakikipaghalikan kay Danny noon sa isang kanto bago siya umuwi sa kanilang bahay.

Kahit na nag-away ang dalawa ng matindi, hindi umamin si Maricar na may nangyari at may nangyayari sa kanila ni Danny dahil hindi rin kaya ng babae na masira ang kaniyang pamilya ng dahil sa kanyang pagkakamali, ibabaon na lamang niya sa hukay ang lihim na iyon at titiisin ang galit ng kaniyang asawa.

“So ano? Naghalikan lang kayo? Naghawakan? Ano ako pinanganak kahapon?” galit na saad ni Lindon dito at saka pinatalikod ang babae at pinilit maipasok ang kanyang sarili.

Dumaan pa ang ilang buwan at nagbago ang lahat ng malaman nilang nagdadalang-tao si Maricar na labis na ikinasaya ni Lindon.

33 anyos na rin kasi ang lalaki at sabik na sabik na siyang magkasupling ngunit hindi pa rin maalis sa isipan ng lalaki ang pagtataksil ng kaniyang asawa.

“Akin ba talaga yang batang yan?” tanong ni Lindon sa misis.

“Kahit ipa DNA test mo pa Lindon, wala akong iba. Oo nagkamali ako dati, pero pinagsisihan ko na yun at ito na ang bagong simula natin,” saad ni Maricar dito.

At dininig na nga ang dasal ng babae, naging mas maayos ang pagsasama nila at palaging masaya si Lindon sa kaniyang pagbubuntis, hanggang sa dumating ang pinakahihintay na araw ng lalaki at yun ay ang masilayan ang kanyang munting prinsesa.

“Daddy, congrats po sa inyong 2nd child! Napakaganda po niya,” saad ng doctor na nagpa-anak sa kanyang asawa.

“Dok, mali po yata kayo, unang anak po namin yun, misis ko po si Maricar Yujin,” baling ni Lindon sa doktor.

“Ay ganun po ba? Ayon po kasi sa medical findings namin e pangalawang pagbubuntis na po ito ni misis. Siya sige ho mauna na po muna ako, makikita niyo po ang baby niyo mga ilang oras lang. Nililinis lang po, at ang misis niyo naman ay nasa recovery room,” saad ng doktor.

Nanlamig ang buong katawan ng lalaki, hindi niya alam ang gagawin. Hindi siya makapag-isip ng tama sa nalaman at napa-upo na lamang ito sa sahig.

“Tinago ba ni Maricar sa akin ang lahat ng ito? Niloloko niya ako? Sino ang unang nakabuntis sa kanya? Ako ba? Pinalaglag ba niya ang unang anak namin!? Bakit? Bakit?!” tanong ni Lindon sa sarili ngunit pinigilan niya muna ang kaniyang emosyon at hinintay na makauwi sila ng kaniyang mag-ina.

“Isang beses lang kitang tatanungin Maricar, may ebidensya na akong hawak kaya umamin ka. Kelan ka unang nabuntis?” diretsong tanong ni Lindon sa kanyang misis makalipas ang isang buwan niyang pagtitiis.

Bago pa man nakasagot ang babae ay agad nang bumuhos ang kanyang mga luha.

“Patawarin mo ako, daddy. Patawarin mo ako. Nabuntis ako ni Danny ngunit ipinalaglag ko ito dahil ayokong magbunga ang kasalanan namin at ayokong masira ang pamilya natin,” umiiyak na pahayag ni Maricar sabay luhod nito sa kaniyang asawa.

“Alam mo, mas matatangap ko pang nagkasala ka dito sa akin at sa relasyon natin pero hindi ako makapaniwala na na kaya mong pumatay ng sanggol na walang muwang sa mundo, hindi ko inaakalang mas ginusto mong magkasala sa mata ng Diyos kaysa ang aminin ang totoo at panindigan ito,” matigas na pahayag ni Lindon.

Hindi nag-usap ang dalawa ng halos isang taon kahit na sila ay nagsasama sa iisang bubong, hinintay ni Lindon ang kaniyang sariling matangap ng buong puso ang pagkakamali ng misis.

Hangang sa panahon na rin siguro ang naghilom sa galit ni Lindon at ngayon ay unti-unti na silang nag-uusap, inaayos ang kanilang pagsasama dahil nakikita naman ng lalaki ang pagsisisi ng kaniyang asawa.

Sa kabilang banda naman ay tiniis ni Maricar ang lahat ng sakit sa araw-araw na lumipas na hindi siya kinakausap ng kaniyang asawa. Walang araw na dumaan na hindi niya ipinagdasal na mapatawad siya nito at maging buo pa rin ang kanilang pamilya. Isa na lamang ang hiling niya, nawa’y patawarin ng Panginoon ang pagkakasalang nagawa niya dito sa lupa.

Lumipas ang tatlong taon, nasundan muli ang kanilang anak at sa pagkakataong ito, ang mga sugat ng nakaraan ay tuluyan nang naghilom sa tulong ng pagpapatawad, pagmamahal at pagtitiwala sa isat-isa.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

Advertisement