Tinarayan ng Babae ang Madungis na Matandang Nakabunggo sa Kaniya; Isang Realidad ang sa Kaniya’y Sumampal

Naantala ang tulog ni Emily sa kaniyang maliit at mainit na silid dahil sa pagsisigawan ng kaniyang mga kapatid. Kaya naman dali-dali itong bumangon at pinagmumura ang mga ito.

Ganito lumaki si Emily sa isang squatter’s area sa Quezon City. Puro murahan at sigawan. Napakainit tuwing tag-araw at basang-basa naman sila sa tubig mula sa bubong na walang kisame tuwing tag-ulan.

“P*tan*gina! Hanggang kailan ako magtitiis?! Kung buhay lang sana sina mama at papa,” bulahaw ng dalaga sa kaibigang binabae na si Romina habang sabay na nagyoyosi sa labas ng bahay at umiinom ng mainit na kape.

“‘Di bale ‘te, galingan mo sa interbyu mamaya para mapili ka sa iskolarship,” panghihikayat ni Romina.

Maski mahirap lamang ay nabiyayaan ng talino at ganda si Emily. Sa walong magkakapatid ay siya lamang ang nagtiyagang makapagtapos ng pag-aaral. Namasukan siyang kasambahay sa isang mayamang negosyanteng biyuda na si Donya Rita Suarez.

Ito rin ang tumulong sa kaniya upang makapagtapos ng pag-aaral.

Mababait ang mga anak nito at ‘di mo aakalaing anak mayaman sapagkat simple lamang sila kung umasta.

Si Emily naman ay mataas na ang tingin sa sarili at sa isip niya’y isa na rin siyang Suarez.

Advertisement

Sa sobrang bait ng mga amo niya’y nag-aalala na rin sila sa ugali ni Emily.

Madalas kasi itong nanghihiram ng mamahaling mga gamit gaya ng bag, sapatos, at ultimo mga damit sa anak ni Donya Rita na sina Sarah at Dianne pagkatapos ay ipagyayabang niya ito sa eskuwelahan at sa kanilang lugar.

Dahil nga napakayaman naman ng mga Suarez ay wala lamang sa kanila ang magpahiram ng mga mamahaling gamit. Iba kasi ang ugali nila kumpara sa ibang mayayaman na matapobre at madamot.

“Emily, huwag na huwag kang magyayabang doon sa opisina ni Don Manuel. Hindi siya ordinaryong milyonaryo. Ang pamumuhay niya ay simple lamang ngunit busilak ang kaniyang puso. Napakarami niyang kabataan na naiahon sa hirap. Karamihan ay naipadala na niya sa ibang bansa at ngayon ay may mga sinabi na. Kaya’t huwag na huwag kang magkakamaling magpakita ng kayabangan o anuman,” payo ni Donya Rita sa dalaga.

“Opo, Madam Rita. Nangangako po ako na huhubarin ko ang pagka-iskwater ko sa pagpunta ko doon,” natatawa pang saad ni Emily.

“Ate Emily, hindi lahat ng squatters ay magaspang ang ugali. Don’t generalize,” karagdagang payo ng nag-aaral ng kursong Edukasyon na si Dianne.

“Tama nga naman Ems, huwag kang magsasalita ng alanganin doon,” malambing na wika naman ni Sarah na isa nang ganap na doktor.

“Naku, hija. Kinakabahan ako sa iyo,” nag-aalalang saad ni Donya Rita.

Advertisement

“No worries, madam.. Sarah, Dianne.. Magpapakaayos ako. Sawa na ako sa buhay iskwater. Gagalingan ko para mapili ako ni Don Manuel bilang bago niyang sekretarya,” walang pagaalinlangang tugon ni Emily.

Napakaganda ng damit na binigay ng mag-iina kay Emily. Bagay na bagay ito sa dalaga at aakalain mong anak-mayaman ito.

Kaya naman buong-buo ang loob ni Emily na tumungo sa opisina ni Don Manuel.

Pagbaba ng taxi ay maangas na naglakad si Emily papasok ng building na pagmamay-ari ni Don Manuel.

May hawak pa syang baso ng isang mamahaling kape upang mas maramdaman niyang pang alta de sociedad ang kaniyang galawan.

“Oh! Sh*t!”

Nawala ang pagka-feeling rich niya nang mabunggo siya ng isang matandang gusgusin na amoy pinaghalong sibuyas at tabako.

“My Goodness! Napakatanga mo! Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo!?” galit na galit na usad ni Emily habang nagtatakip ng ilong. ‘Di nito malaman ang uunahin. Kung itatakip ba sa ilong ang hawak na panyo o ipapahid sa damit upang punasan ang natapong kape.

Advertisement

“Hija, magandang umaga. Huwag mong hahayaang masira ang araw mo sa simpleng bagay lamang,” kalmadong sagot ng matanda.

“What?! The nerve! So ako pa pala ang dapat mag-adjust!?” nanginginig sa galit na sagot ng dalaga.

“Excuse me, miss?” saway sa kaniya ng isang lalaking nakaitim. Malaki ang katawan nito at mukhang mabango.

“Don Manuel, are you okay? Sabi kasi ni Donya Trining ay huwag na kayong tumulong sa paggawa ng sasakyan ninyo at hayaan niyo na iyan sa mga mekaniko. Naku, ako na naman ang pagagalitan ni madam.”

Napahawak sa bibig si Emily sa narinig.

Ito pala ang dahilan kaya’t walang tigil sa kakabigay ng babala si Donya Rita sa kaniya.

Hiyang-hiya si Emily sa kaniyang inasta at panay hingi nito ng tawad.

Gulat na gulat si Don Manuel at ang lalaking nakaitim sa inasta nito.

Advertisement

“Patawarin ninyo ako, hindi ko kayo dapat binulyawan dahil sa pananamit at hitsura ninyo, Don Manuel,” naglulumuhod pa si Emily habang tumutulo ang luha. Sa isip niya’y sinayang niya ang maganda sanang oportunidad na nag-aabang sa kaniya.

Nagulat siya nang humagalpak ng kakatawa ang lalaki.

“A-ako nga pala si Bricks. A-anak ako ni Don Manuel. Si Daddy ay nasa taas pa. May meeting with foreign clients. You can wait and sit on the lobby,” nakahawak pa sa tiyan ang lalaki habang kinakalabit ang gusgusing matanda.

“Ligo-ligo rin kasi Tatay Jun. Natarayan ka tuloy ni Ms. Sossy,”

“By the way, it’s a prank! A perfect prank I mean,” hagalpak pa rin sa katatawa ang lalaki sabay kindat sa kaniya.

Ngayon pati ang gusgusing lalaking tinawag nitong Tatay Jun ay humahagalpak na rin sa katatawa.

Sa loob-loob niya’y sayang ang lalaking ito. Guwapo sana ngunit antipatiko.

Maya-maya pa’y tinawag na ang kaniyang pangalan upang mainterbyu ni Don Manuel.

Advertisement

Biglang pumasok si Bricks sa opisina habang kinakausap siya ni Don Manuel.

“Dad, share your story to her. That you were living in a slum when you were younger,” sabad nito sa usapan.

“Oh, yes hija. I’m actually proud of it. From rugs to riches. That’s why I have built this Angels from the Ground Foundation because I was hopeless and as poor as a rat when I was young,” nakangiting saad ni Don Manuel.

Alam ng dalaga na tinutuya siya ng lalaki.

At naging epektib iyon. Hiyang-hiya siya sa sarili.

Doon niya napagtanto na hindi mahalaga kung saan ka nagmula. Hindi basehan ang kahirapan upang maging magaspang ang ugali.

Lumipas ang ilang linggo at tinawagan siya ng sekretarya ni Don Manuel at sinabing tanggap na siya bilang bagong sekretarya nito.

Nang lumipas ang panahon ay umayos ang dating pangit na ugali ni Emily dahil sa tulong ni Don Manuel.

Advertisement

Nahulog na rin ang loob niya kay Bricks pati na rin ang binata ngunit nagpasya silang uunahin muna ang karera bago ang pag-ibig.

Handa na siyang tuluyang maalis sa iskwater ang kaniyang buong pamilya.

Matapos iyon ay pag-ibig na ang aatupagin ng maganda at ngayo’y mabait nang dalaga.

Pirme siyang dumadalaw kay Donya Rita at sa mga anak nito. Tuwang-tuwa naman sila sa pagbabago ng dalaga gayundin ang matalik na kaibigan nitong si Romina at kaniyang mga kapatid.