Dahil sa Kahirapan ay Napagbintangan ang Batang Ito na Magnanakaw, Sa Sobrang Sama ng Loob ng Ina ng Bata ay Ito ang Kanyang Nagawa
Lumaki nang hindi nakagisnan ang ama ng dalawang magkapatid na sina Flor at Rica. Sa murang edad ay nakaranas na sila ng paghihirap. At dahil doo’y alam na nila kung paano maging matapang sa hamon ng buhay. Hanggang isang araw at napaaway si Rica sa kanyang kaklase. Bilang bata ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Rica at ng mga kaklase niya. Dahil doo’y sinapit niya ang isang trahedya sa buhay. Isang hapon bago ang kanilang uwian ay nagreklamo ang estudyanteng si Genina ukol sa kanyang nawawalang iPad. Hindi naman sinasadyang nakita ng isa nilang kaklase na si Hailey ang iPad sa locker o cabinet na pinagtataguan ng gamit ni Rica. Pareho silang gulat sa nangyari. Ngunit bilang bata ay agad na sumigaw si Hailey at sinumbong ang batang si Rica sa kanilang guro. Dahil doo’y napagalitan ang inosenteng bata. Maski siya ay hindi malaman kung saan nanggaling ang iPad tablet na iyon. Sa kabila ng pagbibintang ng guro at mga kaklase sa kanya ay pilit niya pa ring pinaninindigan na hindi siya ang nagnakaw ng gadget nito. “Wala po akong ninanakaw,” mariin na sabi niya sa lahat, Hanggang sa dumating ang ina niyang pinatawag ng guro. Hindi pa rin siya umiiyak dahil para sa kanya ay hindi niya dapat iyakan ang isang bagay na hindi naman siya ang may kasalanan. “Rica, kinuha mo ba ang iPad ng kaklase mo?” tanong ni Aling Rina na kanyang ina. Umiling ang bata. Doo’y tila lalong nagalit ang ginang at pinagpapalo ang anak, “Sabi ko sayo, may bibig ka para magsalita. Kung hindi mo ginawa, sabihin mo nang maayos! Sabihin mo nang malakas!” Patuloy ang ginang sa pagpalo sa anak. Hindi niya malaman kung nakailang latay na ba ang napala nito sa kanya. Basta ang nasa isip niya lang ay ipagtanggol ng anak ang sarili niya. Iyak na rin nang iyak ang kapatid nitong si Flor na inaawat siya. “Tama na, Aling Rina,” pigil ng guro sa kanya. “Hindi! Gusto ko kung ano ang totoo ay yun ang ipagsigawan ng anak ko,” maluha-luhang ika ng ginang. Para kasi sa kanya, kahit mahirap sila ay dapat nilang ingatan ang kanilang dignidad. Iyak nang iyak si Rica hanggang sa bumwelo siya ng sigaw, “Hindi ako magnanakaw! Wala po akong ninakaw!” Natulala ang lahat. Sa mga mata ng bata nila nalaman ang katotohanan na inosente nga ito. Ilang saglit lang ay napaamin na rin ang kaklase nilang nagpakana ng lahat. Umiiyak na rin itong humingi ng tawad kay Rica, “Sorry Rica, dahil sa akin napalo ka.” Napangiti ang lahat, lalo na nang yakapin ito ng bata. Doon napatunayan ng mga matanda na hindi nga dapat manghusga muna base sa katayuan sa buhay.
Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat.sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.