Nadurog ang Puso ng Binata nang Malamang Pinaibig Siya ng Nobya Upang Iganti ang Kapatid Nitong Nasaktan Niya
Wala yatang babaeng hindi mapapatingin sa mala-Adonis na mukha at katawan ni Miguel. Bukod dito, napakaraming talento ng binata kaya naman sikat na sikat siya sa kanilang eskuwelahan. Lahat na yata ng naggagandahang mukha sa campus ay napasagot na ng binata. Hindi naman niya sineseryoso ang mga ito. Para lamang siyang nagpapalit ng damit kung magpalit ng nobya. Minsan nga’y pinagsasabay sabay pa niya ang mga ito.
Napakarami nang babae ang napaiyak ng binata at isa na dito si Myles. Nagiisa lamang si Myles sa Maynila sapagkat sa Cebu naninirahan ang kaniyang buong pamilya. Nagpasiya lamang ang dalaga na sa Maynila mag kolehiyo. Tahasan namang nagsumbong si Myles sa ate niyang si Anne. Palibhasa’y inosente at bunsong pinakamamahal ng lahat, naging napakadali para lokohin ni Miguel ang dalaga. Ayon kay Anne, mabuti na lamang at hindi isinuko ng bunsong kapatid ang kaniyang “bataan” kung hindi ay baka mapatay niya ang walang modong lalakeng iyon.
Kumukuha ng kursong Psychology si Anne sa isang tanyag na paaralan sa Cebu. Bago maka-graduate ay kailangan niyang matapos ang kaniyang thesis at ito na rin ang naisip niyang paraan upang maipaghiganti ang kapatid. Social experiment ang tawag dito. Hindi maikakaila na ang magkapatid na si Myles at Anne ay napakaganda. May kutis na mala porcelana, maliit ang mukha, matangos ang ilong at balingkinitan ang katawan. Ngunit sa eksperimentong gagawin ay titignan lamang kung may lalakeng mapapaibig si Anne kahit siya ay gumamit ng prostethics upang ibahin ang kaniyang anyo. Pinataba din niya ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagsusuot ng makakapal na damit. Kinailangan niyang gawin iyon sapagkat alam nitong ang kahinaan ni Miguel ay mga babaeng napakaganda, napakasexy, at mukhang inosente. Magpapanggap siyang may gusto sa binata at alam naman niyang dahil sa itsura niya ay di sya magugustuhan nito. Pagkatapos siyang tanggihan nito ay ipapamukha niya ang tunay niyang anyo.
Dumating na nga ang araw na lumuwas ng Maynila si Anne. Hindi mapigilan ng bunsong kapatid na matawa sa hitsura ng kaniyang ate. Ika ni Myles, kailangan pa daw ba talaga niyang gawin ito at hindi ba sila mapapahamak sa kanilang gagawin. Nagtagpo na nga si Anne at Miguel. Laking pagtataka ni Anne nang lapitan siya ng binata. Tinanong siya nito kung bakit ngayon lamang siya nakita nito. Nagkunwari si Anne na bagong transfer at galing sa ibang eskuwelahan sa Maynila. Hindi maipaliwanag ni Miguel ang pagka hypnotize niya sa mata ni Anne. Napakaganda ng mata nito at tila nangungusap. Tuwing ngumingiti ang dalaga ay nadadala din siya sa ngiti nito. Sadyang napakarami nilang pagkakapareho. Tila naunawaan naman ni Anne kung bakit napakaraming nahuhulog na kababaihan dito.
Nang makita silang magkasama ng barkada ni Miguel ay nagtawanan ang mga ito. “Wow bago yan pare ah, mahilig ka na pala ngayon sa mataba’t chaka.” Nagpanting ang tainga ni Miguel at kinompronta ang mga kaibigan. Akmang uundayan na ng suntok ni Miguel ang mga kaibigan ngunit inawat ito ni Anne. “Hala teh, ginayuma mo yan no. Ngayon lang namin nakitang ganyan yang kaibigan namin. Sa panget pa.” Hindi na halos makahinga ang mga ito kakatawa. Hindi naman nakapagpigil si Anne at sinapak sa mukha ang isa sa mga kaibigan ni Miguel. Natawa si Miguel sa nangyari at napaisip. Ibang klase talaga ang babaeng ito.
Lumipas ang ilang linggo at araw araw nang inaabangan ni Miguel si Anne sa kanilang campus tuwing uwian. Mukhang tinamaan na yata siya dito. Hindi rin maikaila ni Anne na tila tuluyan syang nagkakagusto sa binata. Binalaan naman siya ng kapatid na si Myles na huwag na huwag mahuhulog ang loob dito. Natatakot na sa posibleng mangyari si Anne kaya’t naiisip niyang tigilan na ang ginagawa.
Bigla namang nag ring ang kaniyang cellphone, tinatawagan siya ni Miguel. Nagyayaya itong makipagkita, may pag-uusapan daw sila. Naisip ni Anne na makipagkita at sabihin na ang totoo kaya’t pumayag siya sa paanyaya ng binata. Nang magtatapat na si Anne ay biglang lumuhod sa kaniyang harapan si Miguel. “Anne, hindi ko maexplain kung ano itong nararamdaman ko. Basta ang sigurado lang ako ay mahal na kita. Ikaw lang ang nakapagparamdam sa akin ng ganito sa dinamirami ng babaeng napa-ibig ko. Wala akong pakialam sa sinasabi ng iba. Anne, puwede ba kitang maging girlfriend?” Nataranta naman si Anne sa pahayag ng binata. At dahil hindi na rin maitago ang nararamdaman ay sinagot nya na ito ng oo. Nagtapat si Anne kay Myles at ipinarating ng bunsong kapatid na usap usapan nga daw sa campus na napatino niya si Miguel. Ibang iba na daw ito ngayon at kahit mga magulang ng binata ay tuwang tuwa sa pagbabago niya.
Patuloy na kinainggitan sa campus si Anne at maraming babae ang nagtataka kung sino ba talaga ang babaeng ito. Gulat na gulat si Miguel nang malaman na hindi naman pala talaga ito transferee. Hindi na rin napigilan ang pagkalat ng tsismis. Hanggang sa may grupo ng mga babaeng estudyante na sumugod kay Anne at sinabunutan at hinubaran ito. Nang hilahin nila ang buhok ng dalaga ay nagtanggalan din ang mga prostethics sa mukha nito. Nakita ni Miguel ang pangyayari at sumaklolo naman kay Anne. Walang nagawa ang dalaga kung hindi ilahad ang buong katotohanan. Hindi pa rin makapaniwala si Miguel sa nangyari at sa kabilang banda’y hindi rin maiwasang mabighani sa ganda ni Anne.
Nang makita ni Myles na seryoso naman si Miguel sa kanyang ate ay pinatawad na niya ito at binilinan na huwag na huwag itong sasaktan.Ika ng binata, tanggap niya kung karma na niya ito at hindi niya mamasamain ang ginawa ng magkapatid dahil siya ay nagkamali rin naman.
Nagpasya munang umuwi sa Cebu si Anne upang magpasa ng thesis. Habang magkalayo ang dalawa ay nanatiling loyal si Miguel. Tila nagbago na talaga ang binata.
Nang makapagtapos ng kolehiyo ang dalawa, nagpasya silang magtrabaho sa iisang kumpanya. Perfect match ang tingin sa kanila ng mga katrabaho. Lumipas ang ilang taon at napatunayan naman ni Miguel ang kaniyang katapatan at pagmamahal kay Anne. Ikinasal sila at nagkaroon ng limang anak. Namuhay sila ng masaya at mapayapa.
Importante ba sa iyo ang panlabas na kaanyuan pagdating sa pagpili ng minamahal? Sa iyong palagay, napipili ba talaga ang taong mamahalin at nadidiktahan ang puso o kusa itong darating at tatamaan ka na lamang? sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.