Inday TrendingInday Trending
Matindi ang Pagnanasa ng Kumare ng Misis na Ito sa Kanyang Asawa, Naniniwala Silang Ginayuma Nito ang Mister Upang Magkasira Sila

Matindi ang Pagnanasa ng Kumare ng Misis na Ito sa Kanyang Asawa, Naniniwala Silang Ginayuma Nito ang Mister Upang Magkasira Sila

“Crush ko talaga ‘yang si Michael, mare! Simula palang noon siya na talaga ang crush ko kaso nga naunahan ako ni kumareng Helena. Kainis!” Natatawa ang babaeng kausap ni Aling Lydia. Tila hindi nito sineseryoso ang sinasabi ng babae dahil alam naman nitong may asawang tao ang kinukwento nitong crush niya umano. “Wala ka nang pag-asa kay Michael mare, matagal nang nabihag ni Helena ‘yun!” pambubuska naman ng kaibigan nito. Kitang-kita ni Honey ang pagdilim ng mukha ng ginang. Tila hindi ito natuwa sa narinig. Samantalang siya naman ay kanina pa rin nagpipigil na hindi harapin ang ginang dahil sa pinagsasabi nito ukol sa kanyang mga magulang. “Wala akong pakialam! Basta ako, determinado akong mapasaakin si Michael balang-araw,” matigas na tugon ni Aling Lydia. Napailing na lamang siya. Sa isip-isip niya’y imbes na patulan ang ginang ay umuwi na lamang siya sa bahay nila upang makita ang namimiss niya nang pamilya. Sinalubong siya sa bahay ng masayang ngiti ng kanyang mama at papa. Yakap at halik naman ang binigay sa kanya ng bunsong kapatid. Gumaan ang pakiramdam niya nang makita ang pamilya. Para sa kanya ay isa ang pamilya niya sa mga pinakamasayang pamilya sa baranggay nila. Hinding-hindi niya ito ipagpapalit sa kahit na anong yaman sa mundo. Ngunit habang nagpapalit siya ng damit sa kwarto ay napansin niyang nawawala ang kanyang wallet kung kaya naman nagpaalam siya sa kanyang ama na hahanapin lang ito sa labas. Naroon kasi ang mga importanteng ID cards niya. Sa kanyang paghahanap sa labas ay nakasalubong niya sa Aling Lydia at kataka-takang humarap ito sa kanya at hindi umalis habang naghahanap siya. “May hinahanap ka ba, Honey?” tanong nito sa kanya. Napaangat siya ng tingin sa ginang, “Ah opo, Aling Lydia yung wallet ko po kasi nawawala.” Maya-maya’y may inilahad sa kanya ito. Nagulat siya nang makita iyon ang wallet niya, “Ito ba?” “Ay opo! Yan nga po. Salamat po! Saan niyo po nakita?” masayang tanong niya dito. “D’yan lang sa tabi-tabi,” ika nito at saka mabilis na nawala na. Hindi niya na hinanap pa ang ginang sa halip ay dumiretso na rin pauwi ng bahay. Ngunit nang makapasok siya sa kwarto at muling tinignan ang loob ng wallet niya ay doon niya lang napansin na nawawala na ang litrato ng ama sa ilalim ng family picture nila. Agad niya itong hinanap sa paligid sa pag-aakalang baka nahulog na naman iyon. Ngunit bigo siyang mahanap ang litrato ng ama sa halos buong parte ng bahay. Kung kaya naman naisip niya si Aling Lydia. “Basta ako, determinado akong mapasaakin si Michael balang-araw.” Naisip niya rin ang sinabi ng ginang sa kaibigan nito kanina. Hindi niya malaman kung bakit kinabahan siya bigla. Umiling-iling siya, “Ay wala ‘yun! Picture lang ‘yun!” Ngunit isang linggo makalipas ang pangyayaring iyon ay isang trahedya ang sinapit ng kanyang pamilya. Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang madalas na mag-away ang kanyang mga magulang. Dahil doon ay hindi na rin madalas nauwi sa bahay nila ang kanilang padre-de-pamilya. Lungkot na lungkot siya sa mga nangyayari. Pakiramdam niya ay kasalanan niya ang lahat. Kung hindi dahil sa kapabayaan niya ay hindi sana magkakaganito ang kanilang pamilya. Narinig niya kasi sa kaibigan na posible daw pinagamot ni Aling Lydia ang kanyang ama upang mawala ang pagmamahal nito sa kanyang ina. Ngunit totoo man ‘yun o haka-haka lamang, tanging pagdarasal lang ang naging sandata niya upang manumbalik ang dating masayang pagsasama ng kanyang pamilya. Ilang linggo rin ang lumipas nang bigla na lamang umuwi ang kanilang ama sa kanilang tahanan at tila sising-sisi sa nagawang pag-iwan sa kanilang pamilya. Inamin rin ni Aling Lydia na siya ang nagtangkang gumamot sa kanyang ama upang mawala ang pagmamahal sa asawa nito na kanyang ina. Ngunit kahit na nangyari nga iyon ay napatunayan rin ng ginang na hindi niya kailanman mabibihag ang pusong kailanman ay hindi niya pag-aari. Dahil bandang huli ay kusang bumalik ang ama niya sa pamilya nila. Tunay nga kaya ang gayuma? O nagkataon lamang na may pinagdadaanang pagsubok ang relasyon ng kanyang mga magulang? sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement