Inagaw ng Babaeng Ito ang Mister ng Kaniyang Matalik na Kaibigan; Matinding Pagsisisi pala ang Kaniyang Aabutin kapag Gumanti na ang Karma

Inagaw ng Babaeng Ito ang Mister ng Kaniyang Matalik na Kaibigan; Matinding Pagsisisi pala ang Kaniyang Aabutin kapag Gumanti na ang Karma

HeartbreakingKarmaStories

“Grabe, ano? Nakakainggit talaga ’yang si Veronica. Bukod sa napakaganda na at napakatalino, nakabingwit pa ng guwapo at mayamang asawa! Halos lahat na yata ng swerte sa mundo’y nasa kaniya na!”

“Naku, sinabi mo pa. Hindi kagaya nitong si Chelsea, hanggang ngayon ay wala pa ring boyfriend. Pagkatapos ay hirap na hirap pang makahanap ng trabaho.”

Naipaikot ni Chelsea ang sarili niyang mga mata nang marinig ang tinurang ’yon ng kaibigan. “Wow, thank you, ha?” sagot naman niya na halata ang sarkasmo sa tono.

“Ito naman. No offense! E, nagsasabi lang naman kami ng totoo. Bakit ba kasi hanggang ngayon ay hirap na hirap ka pa rin sa buhay mo, samantalang halos parehas lang naman kayo ng estado ni Veronica? Pareho kayong maganda at matalino. Bakit ba hindi ka tumulad diyan sa best friend mong ’yan?”

Pinili na lamang ni Chelsea na huwag sagutin ang mga tanong na ’yon ng kaibigan. Sa kabilang banda ay lihim siyang napapangisi.

“Hayaan mo lang na laitin ka nila, Chelsea. Wala silang alam sa totoong kwento. Wala silang alam sa totoong nangyayari,”

Maya-maya lamang ay magkikita na sila ng kaniyang nobyong si Geof—na walang iba kundi ang mismong asawa ng matalik niyang kaibigang si Veronica… at mamaya niya rin balak isagawa ang kaniyang planong matagal niya nang pinaghahandaan upang tuluyan na niyang maagaw ang lalaki sa asawa nito.

Magdadalawang taon pa lamang na kasal sina Veronica at Geof, ngunit madaling nakuha ni Chelsea ang gusto niya, na magkaroon sila ng relasyon ni Geof at maging nobyo siya nito sa kabila ng katotohanang asawa ito ng best friend niya. Noon pa mang hindi pa kasal ang mga ito ay inggit na inggit na si Chelsea kay Veronica dahil nagawa nitong paibigin si Geof nang walang kahirap-hirap. Matagal na niyang tinatangi ang lalaki ngunit hindi siya nito pinaglalaanan ng pansin. Nang pakasalan ni Geof si Veronica ay talagang umabot na sa sukdulan ang kaniyang inggit na siyang nagdala sa kaniya upang gawin ang lahat para maakit si Geof. Ngayong nagtagumpay na siya, hindi na niya pakakawalan pa ang oportunidad.

“Buntis ako, Veronica… At si Geof ang ama!”

Magkakaharap na ngayon sina Chelsea, Veronica, at Geof. Isiniwalat na ni Chelsea sa kaniyang best friend ang lahat ng tungkol sa kanila ng asawa nito at katulad ng inaasahan ay galit na galit ito sa kaniya, lalo na sa asawa! Si Geof naman ay gulong-gulo. Nabigla rin ito sa balita at tila hindi nito alam ang gagawin.

Ngunit sa huli ay nagpasya si Geof na piliin pa rin ang asawa. Mahal nito si Veronica at tanging laruan lamang ang turing nito sa kaniya!

Ang totoo ay hindi naman buntis si Chelsea. Sinabi lamang niya ito dahil sa pag-aakalang iyon ang paraan upang tuluyan na niyang makuha si Geof! Ngunit hindi pa rin pala!

Ngunit nang magpasya si Geof na kausapin si Veronica, huli na ang lahat. Umalis na ito at kailan man ay hindi na nagpakita sa kanila.

Sa kabila n’on ay hindi pa rin nagawang piliin ni Geof si Chelsea na lalo pang ikinainis ng dalaga. Nagpanggap siyang nakunan upang makonsensya si Geof at isipin nitong kasalanan niya ang lahat. Tagumpay na naman ang plano ni Chelsea. Muling bumalik sa kaniya si Geof dahil sa matindi niyang pangongonsensya.

Lumipas ang panahon at ang pagsasama nina Chelsea at Geof ay hindi na nagiging maganda. Ibang-iba na si Geof ngayon. Animo wala nang sariling buhay ito at ibinuro na lamang ang sarili sa pagtatrabaho.

Habang kasama ni Veronica si Geof, naging maganda naman ang kaniyang pamumuhay. Nakukuha niya ang lahat ng kaiyang luho ngunit hindi ang inaasam niyang pagmamahal. Hanggang sa magkasakit si Geof… doon ay naranasan ni Chelsea ang lahat ng hirap na maaari niyang maranasan, hanggang sa tuluyan nang mawalan ng buhay ang lalaki.

Noong una ay ikinalungkot iyon ni Chelsea, ngunit nang maalala ang iiwan nitong kayamanan ay muli siyang nabuhayan… ngunit tila nagiba ang lahat ng kaniyang pinagpaguran nang malaman niyang iniwan ni Geof sa kaniyang last will and testament, ang lahat ng pagmamay-ari nitong kayamanan sa kaniyang tunay na asawa at tunay na minamahal… si Veronica.

Sa huli ay naiwan pa ring luhaan si Chelsea. Walang kayamanan, walang nagmamahal, at wala na rin ang nag-iisang kaibigang tunay na nagmamahal at tumatanggap sa kaniya noon. Iyon ang pinakamatinding ganti ng karma para sa kaniyang mga ginawang kasalanan!

More Stories