Sa Tagal ng Pagsasama Nila ni Mister, Hindi Man Lang Niya Naamoy ang Tunay na Pagkatao Nito

Katapusan na naman ng buwan kaya heto ngayon si Sanya, abala sa pagkuha ng padala ng kaniyang mister na si Albert na kasalukuyang nagtatrabaho ngayon sa bansang America.

“Ano Sanya, nakuha mo na ba ang padala ko?” Malambing na tanong ni Albert sa kabilang linya.

“Oo Albert, nakuha ko na. Salamat, asawa ko. May allowance na naman ang mga anak natin,” masayang wika ni Sanya.

Isang taon at apat na buwan na rin mula noong huli niyang nakita ang kaniyang asawa. Kaya miss na miss na niya ito. Matagal-tagal pa ulit saka niya mayayakap ang kaniyang mahal na asawa.

“Miss na miss na kita Sanya, pati ang mga bata.” Malungkot na wika ni Albert.

“Ako rin. Hayaan mo na mabilis lang namang lumakad ang panahon. Malay mo bukas, nandito ka naman ulit. Basta lagi kang mag-iingat d’yan asawa ko,” wika ni Sanya bago tuluyang nagpaalam sa asawa.

Sanay na si Sanya sa sitwasyon nila ni Albert na LDR dahil mula noong nag-edad ng tatlong taong ang kaniyang bunsong anak ay na pitesyunan naman si Albert ng kapatid nitong doon na manirahan sa America. Noong una ay nahihirapan siya, dahil sinolo niya ang pag-aalaga sa apat nilang anak. Ngunit hindi naman siya kailanman pinabayaan ni Albert, kahit pa nasa malayo ito.

Isang text message ang natanggap ni Sanya galing sa isang unknown number na labis nagpayanig sa buo niyang pagkatao. Sinasabi sa text na ito ang boyfriend ng asawa niyang si Albert. Kung nagtataka siya dahil bakit boyfriend ang pakilala nito at hindi girlfriend, dahil b*kla daw ang kaniyang asawa.

Advertisement

“B*kla ang asawa ko?” Hindi makapaniwalang sambit ni Sanya matapos basahin ang buong mensahe.

Walang dahilan upang paniwalaan ni Sanya ang akusasyong iyon. Ngunit buong araw siyang ginugulo ng kaniyang isipan. Paanong magiging b*kla ang asawa niya? Imposibleng b*kla si Albert. Magkakaanak ba sila ng apat kung hindi ito tunay na lalaki? Kaysa patuloy na magtalo ang kaniyang puso at isipan, mas minabuti ni Sanya ang tanungin mismo si Albert tungkol sa bagay na iyon.

“Oh! Asawa ko, napatawag ka bigla. Hindi ba’t mahal ang long distance call? Sobrang importante ba ang tawag na ito asawa?” takang tanong ni Albert.

“Oo asawa ko. Kanina pa kasi ako ginugulo ng isipan ko at baka mabaliw na ako sa kakaisip kung paanong nangyari ang ganito. Imposibleng gano’n ka nga. Walang basehan ang mga bagay na gumugulo ngayon sa isipan ko. Kaya mas minabuti kong tawagan ka, upang ikaw mismo ang tatanungin ko,” mahabang wika ni Sanya.

“Ano ba iyon?” Puno ng pag-aalalang tanong ni Albert.

“May unknown number ang nagtext sa’kin kanina asawa ko at sinasabi niyang boyfriend mo siya at isa ka raw binabae,” deretsong sambit ni Sanya. Naramdaman niya ang biglang pananahimik ni Albert sa kabilang linya.

“Asawa ko, makinig kang mabuti sa sasabihin ko ha,” maya-maya ay wika ni Albert. “Oo, inaamin ko. B*kla nga ako. Pero hindi ako kagaya ng mga iisip mo. Nagkakagusto ako sa lalaki, pero kapag naaalala ko kayo ng mga anak natin, naiisip kong hindi ako gagawa ng mali para lamang masira tayo. ‘Yong nagpapakilala bilang boyfriend ko? Siya ang katrabaho kong kagaya ko’y b*kla rin.

Noon pa man ay gustong-gusto niyang magkaroon kami ng relasyon. Ngunit sa taas ng respeto ko sa’yo, lagi ko siyang tinatanggihan at iniiwasan. Malambot lang ang katauhan ko Sanya, pero mahal na mahal ko kayo, dahilan upang makuntento ako,” humihikbing paliwanag ni Albert.

Advertisement

“Salamat kung gano’n nga, asawa ko. Maraming-maraming salamat,” tumatangis na wika ni Sanya. “Hindi ko man napansin agad ang tunay na ikaw, alam kong responsable kang asawa at ama sa mga anak natin dahil kailanman ay hindi mo kami pinabayaan. Sapat na ang bagay na iyon upang magtiwala ako sa’yo, Albert. Hindi naman mahalaga kung malambot ka o lalaking-lalaki ka. Ang mahalaga, para sa’ming pamilya mo ay nagpakalalaki upang matugunan ang pangangailangan namin.”

“Magpapaliwanag ako Sanya, pag-uwi ko ng ‘Pinas. Pangako, ipapaliwanag ko ang lahat. Sana huwag mong pagdudahan ang pagmamahal ko sa’yo asawa ko,” wika ni Albert.

“Hindi asawa ko. Hindi mangyayari iyon,” sagot naman ni Sanya.

May ngiti sa labing ibinaba ni Sanya ang tawag ng kaniyang asawa. Mabuti at hindi siya agad tumalon sa kung ano-anong pag-iisip. Mas maiging nagkausap sila ni Albert at nalinawan siya sa paliwanag nito.

Hindi mahalaga kay Sanya ang taglay na lihim na katauhan ni Albert, dahil mula noon hanggang ngayon ay minahal niya ang lalaki, maging sinuman ito at anuman ito. Hindi iyon kailanman nagbabago kahit sa nakalipas na panahon. Hindi masisira ang tiwala niya dahil lang sa kasarian nito. Hindi man lalaki sa puso si Albert, para sa kaniya ay higit pa sa tunay na lalaki ang pinakita nito sa kanila ng mga anak niya.