Inday TrendingInday Trending
Hindi Mapaniwalaan ng Babae ang Katwiran ng Yaya ng Kanyang Anak kung Bakit Lagi Nitong Kinakarga ang Sanggol

Hindi Mapaniwalaan ng Babae ang Katwiran ng Yaya ng Kanyang Anak kung Bakit Lagi Nitong Kinakarga ang Sanggol

Nanganak ng isang healthy baby girl si Sena isang buwan na ang nakalilipas. Kumuha sila ng yaya para may makatulong ang babae sa pag aalaga ng baby habang nag aasikaso sa bahay, bumalik na rin kasi sa trabaho ang mister niya. “Yaya, matutulog lang ako.Pakisilip mo muna si Sabrina.” bilin niya kay Aling Meding, ang matandang babaeng kasambahay. “Sige lang,” sabi naman ng matanda. Mapagkakatiwalaan ito at kitang kita talagang mahal nito ang alaga. May kani kaniya nang pamilya ang mga anak nito sa probinsya at wala na itong kasama sa bahay, kaya nang malaman ng nanay ni Sena na nangangailangan sila ng yaya ay agad nitong inirekomenda ang matanda. Wala naman siyang mairereklamo dito, pag tulog ang anak niya ay may kusa itong maghugas ng pinggan at maglinis linis ng bahay, ang tanging ayaw niya lang ay palagi nitong karga ang kanyang anak. Konting ungot lang ng sanggol ay kukunin nito agad sa higaan at ihehele. “Ya, siguro ay bigyan mo na lang ng dede, kasi baka ma-spoil yan sa karga kapag konting kibot kinukuha mo,” sabi ni Sena kay Aling Meding, isang araw na nag aalmusal sila habang bitbit nanaman nito ang sanggol. “Sige, pasensya ka na.” sagot lang naman nito. Kinagabihan ay nanonood ng TV si Sena habang nasa crib nito ang baby. Marahil ay naingayan sa TV kaya umiyak ito ng kaunti. Hininaan ni Sena ang TV, pero pabaling baling pa rin sa higaan ang baby. Naroon naman si Aling Meding na tila tinitiis lang na huwag kunin ang sanggol dahil na rin sa bilin ng amo kaninang umaga. Maya’t maya ay tumatayo ito at sinisilip sa crib ang bata, akmang kakargahin pero kapag naalala si Sena ay babalik itong muli sa kinauupuan. Muli namang nahimbing ang baby, doon nagkaroon ng pagkakataon si Sena na tanungin ang yaya. “Tuwang tuwa po talaga kayo sa anak ko ano?” nakangiting tanong niya rito. “Oo naman..pero kasi alam mo neng, dati akong nagtrabaho sa bahay ampunan noong kabataan ko. Ang mga sanggol doon pag nagtagal na ng dalawang buwan, hindi na umiiyak.” pagbabahagi ng matanda. Nagtaka naman si Sena, hindi umiiyak ang mga baby? Parang imposible. “Bakit naman po di na umiiyak?” tanong niya sa yaya. “Dahil sanay na naman silang walang kakarga sa kanila.” malungkot na wika nito. Biglang nahabag si Sena at dahan dahang kinarga ang anak para yakapin. Napakaswerte pa pala ng kanyang baby dahil may yaya ito na laging handing yakapin ito. sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement