Sinisilipan ng Binatang ito ang Pinapangarap na Kapitbahay, ang Kapatid Niya ang Nagdusa sa Kasalanang ito

Sinisilipan ng Binatang ito ang Pinapangarap na Kapitbahay, ang Kapatid Niya ang Nagdusa sa Kasalanang ito

InspiringKarmaStories

“Hoy, pare, halika na! Mahuhuli na tayo sa laban, eh! Ang tagal tagal mo namang mag-ayos!” sigaw ni Rollan sa kaniyang kaibigan saka agad na binuksan ang pintuan ng kwarto nito, “O, anong sinisilip mo d’yan sa butas niyong ding-ding?” pagtataka niya nang madatnang todo silip sa maliit na butas ang naturang binata. 

“Teka lang, doon ka muna!” taboy ni Rio sa kaniyang kaibigan dahilan upang makita nito kung anong ginagawa niya sa kaniyang hinaharap. 

“Hoy, hoy, hoy! Anong gagawin mo? Bakit hawak-hawak mo ang hinaharap mo? Huwag mong sabihing…” gulat na sambit nito. 

“Doon ka na nga muna kasi! Susunod na lang ako sa court mamaya pagkatapos ko rito!” taboy niya pa rito habang pasilip-silip sa dalagang naliligong tanaw sa itaas ng kanilang bahay. 

“Ano ba kasi ‘yan?” tanong pa ng kaniyang kaibigan saka siya tinabig dahilan upang siya’y mapailing sa sobrang inis, “Ay, Diyos ko, Rio, mali ‘yang ginagawa mo!” sambit nito nang makita ang dalagang naliligo.

“Anong mali rito? Eh, hindi ko naman kasalanan na ang banyo nila’y may butas ang bubong at ang dingding din nami’y may butas din! Saka, hindi ko rin sadyang matuklasan ‘to. Sakto nga, eh, alam mo namang deds na deds ako d’yan kay Alexandra, ayaw nga lang ako pansinin!” sambit niya dahilan upang takpan ng kaniyang kaibigan ang naturang butas. 

“Pare, mali ‘yan! Tigilan mo na bago pa gumanti ang karma,” pangaral nito sa kaniya. 

“Lumabas ka muna, patapos na siya maligo, o, sige na!” pagtataboy niya rito dahilan upang tuluyan itong lumabas ng kaniyang silid, saka siya nagpatuloy sa kaniyang masamang ginagawa. 

Simula pagkabata, walang ibang pinangarap ang binatang si Rio kung hindi ang mapansin ng kababata niyang babae. Lalo pa siyang nahumaling dito nang magdalaga ito at lumabas ang tunay at natural na ganda dahilan upang gawin niya ang lahat para mapansin nito. 

Sa katunayan, dahil sa pagpapapansin niya rito, nagawa niyang alagaan ang kaniyang bunsong kapatid na babae simula noong mabiyuda ang kaniyang ina noong ito’y sanggol pa lamang mapahanggang sa ngayong ito ay apat taong gulang na. Malapit kasi ang hinahangaan niyang dalaga sa mga bata dahilan upang bahagya niya itong makausap tuwing kasama niya ang kaniyang kapatid na ikinatuwa naman ng kaniyang ina at ng bagong asawa nito. 

Ngunit isang gabi, tila naagaw ng isang maliit na butas sa kaniyang silid ang kaniyang atensyon dahilan upang silipin niya ito. At hindi siya lubos makapaniwalang makitang tanaw sa butas na ito ang banyo ng bahay ng naturang babae. Sakto pa’t may malaking butas din ito dahilan upang abangan niya itong maligo kinabukasan. 

Doon na nagtuloy-tuloy ang paninilip niya sa naturang dalaga. Tuwing sasapit ang hapon, agad na siyang aakyat sa silid niya upang masilayan ang magandang katawan ng dalaga na labis namang ikinabahala ng kaniyang kaibigan nang minsan siyang mahuli nito. 

Noong araw na ‘yon, pagkatapos na pagkatapos maligo ng dalaga, agad na siyang nag-ayos para sa laban ng basketball na sasalihan niya. ‘Ika niya, “Sigurado ang panalo namin ngayon! Nasa kondisyon ako!” saka siya tuluyang nagtungo sa court na paglalaruan nila. 

Mag-aalas diyes na ng gabi nang matapos ang kanilang laban, katulad ng inaakala niya, naiuwi ng grupo nila ang panalo at sila’y nag-uwi ng premyo’t nagkaroon ng munting salu-salo. 

Alas dose na ng gabi nang siya’y makauwi sa kanilang bahay ngunit labis niyang pinagtaka ang naririnig niyang iyak mula sa silid ng kaniyang kapatid dahilan upang agad niya itong buksan at nanlamig siya sa kaniyang nasaksihan. 

“Kuya!” sigaw nito dahilan upang mataranta ang amain niyang may ginagawang kababuyan sa kaniyang kapatid. 

“Tarantado ka!” sigaw niya rito saka niya ito pinaulanan ng suntok, “Hindi pa ba sapat sa’yo ang nanay ko? Pati kapatid ko? Pitong taong gulang lang ‘yan! Walang hiya ka! Ipapakulong kita!” sigaw niya habang sila’y nagsusuntukan ng naturang amain dahilan upang magising ang kaniyang ina at isumbong niya ang kaniyang nasaksihan.

Hindi nagdalawang-isip ang kaniyang ina na magpasampa ng kaso rito at palayasin ito sa kanilang bahay. Agad namang rumisponde ang mga pulis at ito’y agad na pinosasan.

Mariin niyang niyakap ang kaniyang kapatid na iyak nang iyak habang ikinuwento sa kaniya kung anong ginawa ng kanilang amain. 

Doon niya napagtantong tila kinarma ang kaniyang kapatid dahil sa kahalayang ginawa niya sa pinapangarap na babae dahilan upang mangako siya sa sariling ititigil na ang gawaing ito alang-alang sa kaniyang kapatid. Sising-sisi siya sa kaniyang ginawa, hindi man niya alam kung paano makakahingi ng tawad sa dalaga, kinontrol na lamang niya ang sarili. 

Tinakpan na niya rin ang butas sa kaniyang silid at naglakas loob na sabihin sa dalagang, “Pwede ko bang ayusin ‘yong butas sa banyo niyo? Pasensiya ka na, nakita kitang maligo roon. Pasensiya na talaga,” dahilan upang bahagya itong magalit, tinanggihan siya nito at tuluyan na siyang hindi kinausap. 

More Stories