Inday TrendingInday Trending
Galit na Galit na Ang Lalaking Ito Dahil Naipit Siya sa Traffic, May Matandang Pulubing Nagbigay ng Mensahe sa Kanya at Nangilabot Siya nang Makilala Ito

Galit na Galit na Ang Lalaking Ito Dahil Naipit Siya sa Traffic, May Matandang Pulubing Nagbigay ng Mensahe sa Kanya at Nangilabot Siya nang Makilala Ito

Parte na ng buhay ng mga Pilipino ang traffic, pinaka apektado rito ang mga empleyado. Inis na inis si Jelbert, akala niya kasi noon, kapag nakabili na siya ng kotse ay wala na ang hassle ng pakikipagsiksikan at pagtayo sa bus, pero eto pa pala, ngayon ay ipit nanaman sa traffic ang sasakyan niya. Minsan ay inaabot siya ng dalawang oras sa EDSA, na dapat sana ay 30 minutes lang pero dahil sa traffic ay iyon ang sinapit niya. Malapit nang sumapit ang Pasko noon kaya grabe ang dami ng mga sasakyan, marami kasi ang nag uuwian sa mga pamilya sa kani kaniyang probinsya. Halos isang oras na ay hindi pa rin umaandar ang sasakyan ni Jelbert. Tinawagan niya ang misis para sabihin ditong gagabihin siya ng uwi. “Hon, nandito pa lang ako sa Magallanes, hindi pa rin umaandar, baka mga 9 na ako makauwi.” sabi niya rito. “Okay lang naman sa akin, siguruhin mo lang na traffic talaga baka naman kung saan saan ka nagpupunta,” umiral na naman ang pagkaselosa nito. Hindi niya naman masisisi ang babae, minsan na rin kasi siyang nagloko. Pero sana naman, ilugar nito iyon. Minsan ay sumosobra na at syempre dahil tao rin lang siya at napupuno rin. “Akala mo naman lagi kang niloloko, ayan hindi mo ba naririnig ang busina ng kalsada,” kalmado niyang paliwanag rito. “Naririnig ko nga pero dati din naman kasi naririnig ko, naniwala akong nasa labas ka nga yun pala at iba na ang minamaneho mo,” makahulugang sabi ng babae na nagpainit ng ulo ni Jelbert. “Bahala ka Abby, tawagan na lang kita mamaya.” at binaba na niya ang tawag, wala siyang oras makipag away sa misis, napagalitan rin siya sa trabaho kaya ang gusto niya lang ngayon ay umuwi at makapagpahinga. Sa inis niya ay hinampas niya ang manibela ng maraming beses. “Bwisit! Bwisit na buhay to!” sigaw niya. Napansin niya na lang na nakatingin sa kanya ang isang matandang pulubi, nakasuot ito ng itim na pantalon at manilaw nilaw na T shirt, may nunal ito sa noo. Malungkot na nakatitig sa kanya ang mga mata nito, nakikita siya nito dahil nakababa ang bintana ng kotse niya. Agad na itinabi ni Jelbert ang cellphone sa takot na snatcher ito, nagsalita ang matanda. “Maswerte ka sa buhay mo.” Iyon lang at naglakad na ito palayo. Hindi na pinansin ni Jelbert ang sinabi ng matanda. Tsismoso, baka baliw. Sa isip isip na lang niya. Makalipas ang ilan pang minuto, hindi na nakatiis si Jelbert. Iba na ang traffic na ito, sobrang tagal na. Bumaba siya at nakiusyoso sa ilang driver. Ni-lock niya ang kotse dahil tiyak nya namang hindi aandar agad ang mga sasakyan. Napansin niyang may komosyon sa di kalayuan. “Ano’ng nangyari ba?” tanong niya sa isang driver na lumabas na rin ng sasakyan. “May nasagasaan yata,” sabi lang nito. Patuloy na naglakad si Jelbert papalapit sa komosyon, tama, may nasagasaan nga at sabi ng mga nakapaligid, patay na raw. Nakisiksik pa sya para makita ang biktima pero nanghilakbot siya nang mamasdan ito. Itim na pantalon, manila nilaw na Tshirt, bahagya lang natatakpan ng dyaryo ang mukha nito kaya kita niya ang nunal sa noo, dilat pa ang matanda na nakatitig sa kanya. Maswerte ka sa buhay mo.. Ipinaalala lang sa kanya ng matanda na dapat niyang pahalagahan ang kanyang buhay gaano man ito kahirap, dahil maiksi lang ang panahon natin sa mundong ito. sa ibaba. Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement