Inday TrendingInday Trending
Nang Dahil sa Dalawang Matandang Estrangherong Nakilala Niya sa Airport, Nagbago ang Pananaw sa Relasyon ng Isang Lalaking OFW

Nang Dahil sa Dalawang Matandang Estrangherong Nakilala Niya sa Airport, Nagbago ang Pananaw sa Relasyon ng Isang Lalaking OFW

Excited si Jonathan sa kanyang pag-uwi ng Pilipinas. Sa loob ng dalawang taon ay muli niya nang makakasama, makakayakap at makakapiling ang naiwang asawa’t anak sa Pilipinas. Nang sa wakas ay tumuntong ang eroplanong sinasakyan sa bansang sinilangan, ay agad siyang naghanap ng simcard upang matawagan ang kanyang minamahal na asawa. Sa kanyang paglalakad ay nakita niya ang dalawang matandang tila mag-asawa na tuwang-tuwa nang makita ang isa’t isa. “Miss na miss kita!” “Sobra akong nangulila sayo, mahal!” Napangiti siya sa nakikita. Sa isip niya’y gagawin niya rin ito sa asawa kapag nakita. Miss na miss niya na talaga ito. At gusto niya ring humingi ng tawad dito sa kasalanang nagawa sa abroad. Nangaliwa kasi siya at naghanap ng kalinga sa ibang babae. Hindi naman lingid ito sa kaalaman ng asawa. At laking-pasalamat niya dahil tinanggap siyang muli nito at pinatawad. Kaya gusto niyang bumawi dito. Paalis na siya sa tindahan ng simcard nang marinig niya ang tawag ng matanda, “Hijo, nahulog mo ang wallet mo!” Nagpasalamat siya dito pagkatanggap ng pitaka. Doon ay nakatanggap siya ng reply mula sa misis na na-trapik daw ang mga ito at mukhang matatagalan pa. Kaya naman nagdesisyon siyang makipagkwentuhan sa dalawang mag-asawang matanda na mukhang may hinihintay rin. “Ang tagal niyo po sigurong hindi nagkita no? Mukhang miss na miss niyo po ang isa’t isa eh,” tinignan niya ang magkahawak pa ring mga kamay nito. “Hindi po kayo mapaghiwalay.” “Ah oo, 40 taon na kaming mag-asawa at kailanman ay wala kaming naging malaking problema,” ika ng matandang babae. “Talaga po? Ano po bang sikreto ng magandang pagsasama? At saka, ilang taon po ba kayong nagkahiwalay ni Sir,” tukoy niya sa matandang lalaki. “Bakit tila po miss na miss niyo talaga ang isa’t isa?” “Dalawang araw, hijo?” diretsong sagot ng babae. Hindi niya alam kung tama ba ang kanyang narinig, “Dalawang araw po?!” Nangingiting tumango ang dalawa, “Oo, dalawang araw lang at miss na miss ko na agad itong misis ko. Nagkaroon lang ako ng business meeting abroad kaya kinailangan kong umalis ng bansa.” Na-amazed si Jonathan sa nakikitang pagmamahalan ng dalawa, “Sana po ganyan rin kami ng asawa ko.” “Tinanong mo kung anong sikreto ng relasyon namin diba?” Tumango siya sa matandang lalaki. Tinapik naman nito ang balikat niya, “Huwag tayong puro “sana” sa buhay. Kung may gusto ka, pagsumikapan mo at gawin mo.” Tumango ang matandang babae, “Oo, hijo. Lahat ng nangyayari sa buhay natin ay tayo rin ang nagdedesisyon. Kung masasaktan, dahil rin sa atin. At kung sasaya tayo, desisyon rin natin iyon.” Naliwanagan siya sa lahat, “Salamat po. Huwag natin dapat hilingin, dapat gawin natin.” Dahil doon ay agad siyang naghanda ng surpresa para sa asawa. Simula noon ay pinangako niya na sa sarili na kahit magkalayo man silang mag-asawa ay hindi niya ito ipagpapalit kahit kanino. Ika nga ng dalawang matandang nakilala niya sa airport, lahat ng pangyayari sa buhay natin ay parte ng ating desisyon. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement