Nagkagusto ang Dalaga sa Lalaking Namamahala sa Inuupahang Apartment; Suntok sa Buwan Pala ang Mahalin Ito

Naghahanap ng matutuluyan si Lexi. Nasunog kasi ang dati niyang inuupahang apartment kaya naghahanap siya ng bagong malilipatan. May nakapagsabi naman sa kaniya na mayroong mga bedspace sa Blumentritt kaya agad siyang nagtungo roon para magtanong.

“Puwede ba’ng magtanong?” sabi niya sa isang lalaking nakatayo sa may poste. Napansin niya agad na guwapo ito at maganda ang tindig.

“Ano ‘yon, miss?” tanong nitong hinahagod siya ng tingin.

“Naghahanap kasi ako ng mauupahan kahit bedspace lang. May nagsabi sa akin na marami rito sa Blumentritt.”

“Sino ba ang titira? Ikaw ba?” tugon ng lalaki habang pinag-aaralan ang itsura niya na parang approved naman dito. “Halika, sumunod ka sa akin,” saad nito.

Isinama siya nito sa isang malaking apartment. Inialok nito ang bakanteng kwarto na katapat ng kwarto ng guwapong lalaki. Doon din pala ito nakatira.

“Ang mama ko ang may-ari ng apartment na ito. Dahil maganda ka at mukhang mabait ay dalawang libo ko na lang ibibigay sa iyo ang kwartong ‘yan. Libre na ang ilaw at tubig,” sabi nito.

Natuwa si Lexi sa alok nitong presyo dahil napakalaki ng matitipid niya. Malapit lang din iyon sa pinapasukan niyang department store.

Advertisement

“Talaga? Ang mura naman! Sige, sige, kukunin ko na. Mahirap na akong makakuha ng ganiyang presyo,” sagot niya.

“Okay. Maaari ka nang lumipat dito anumang oras. Nga pala, ako si Maynard at ako ang namamahala nitong apartment ni mama. Ikaw, ano ang pangalan mo, miss?” nakangiti nitong tanong.

“A-ako si Lexi. S-sige, babalik ako rito bukas para lumipat. Salamat at nakita kita, nakakuha tuloy ako ng murang mauupahan.”

“Basta ikaw, miss beautiful!” nakangising tugon ng lalaki sabay kindat pa sa kaniya.

Hindi malaman ni Lexi kung ano’ng gayuma ang ginawa sa kaniya ng lalaki at hindi na ito maalis sa isip niya. Kinikilig siya kapag naaalala ang guwapo at matipunong pangangatawan nito na parang prinsipe kung umasta.

“Hayy, napakasuwerte ko naman. Nagkaroon na nga ako ng bagong matitirhan, may nakilala pa akong guwapong lalaki. Araw-araw ko na siyang makikita roon,” bulong ni Lexi sa isip.

Sa paglipat niya sa apartment ay tinulungan pa siya nitong mag-ayos ng mga gamit niya at tumulong din ito sa paglilinis ng kwarto. Masayang-masaya ang dalaga sa kabaitang ipinapakita ni Maynard sa kaniya. Mas lalong nagtatalon ang puso niya sa galak nang makita ang lalaki na naka-sando lang na puti at nakasuot ng hapit na shorts. Bakat na bakat ang mga muscles nito sa katawan. Hindi rin nakaligtas kay Lexi ang naka-umbok nito sa harapan na tila nang-aakit sa kaniyang paningin.

Maya-maya ay sinampal niya ang sarili dahil kung anu-ano na ang nai-imagine niya.

Advertisement

“Tumigil ka, Lexi!” pabulong niyang saway sa sarili.

Dahil magkasama sila sa iisang bubong at palaging nagkikita ay ‘di naiwasang nahulog ang loob nila sa isa’t isa. Hindi inaasahan ni Lexi na pag-ibig pala ang matatagpuan niya sa bago niyang nilipatan.

“Talaga ba, mahal mo rin ako?!” gulat na tanong ni Maynard.

“Oo. Mula nang magkakilala tayo ay hindi ka na naalis sa isip ko. Excited pa nga akong tumira rito, eh, dahil palagi na kitang makakasama,” sagot ng dalaga.

“Hindi mo lang alam kung paano mo ako pinasaya, Lexi. Ang akala ko’y ako lamang ang nagmamahal, ‘di ko akalaing may katugon pala ang pag-ibig ko,” sagot ng lalaki.

“Sigurado ka ba na ako lang ang mahal mo, Maynard? Wala ka bang ibang nililigawan o girlfriend? Sa gaya mong guwapo, eh napakahirap maniwala na wala kang karelasyon,” sabi ni Lexi.

“Wala, Lexi. Ikaw pa lang ang kauna-unahang babaeng niligawan ko. Hindi naman kasi ako mahilig manligaw. Ang totoo’y torpe akong lalaki. Sa iyo lamang ako nagkalakas ng loob na manligaw.”

Naging magkasintahan nga ang dalawa. Isinuko rin ni Lexi ang kaniyang pagkababae kay Maynard sa dahilang mahal niya ang lalaki. Nangako naman si Maynard na pananagutan nito ang nangyari sa kanila at handa siya nitong pakasalan.

Advertisement

Isang araw, umalis si Maynard at sinabing baka gabihin na ito nang uwi. Nang biglang may kumatok ng ubod lakas sa pinto ng inuupahan niyang apartment.

Nagmamadali niyang binuksan ang pinto. Naisip niyang baka nagbalik ang kasintahan at may nakalimutan. Wala rin naman siyang inaasahan na ibang bisita.

Maya-maya ay bahagya siyang natigilan nang makita ang isang may-edad na babae na mukhang mamahalin ang bihis. Mamahalin din ang suot nitong mga alahas.

“M-may kailangan po ba kayo?” magalang niyang tanong.

Bahagya namang kumunot ang noo ng matanda nang makita siya. Tinitingan siya nito na parang sinusuri ang kaniyang pagkatao.

“Nariyan ba si Maynard?” tanong nito.

“Wa-wala po siya, umalis po Maynard. May kailangan po ba kayo sa kaniya?

‘Teka, sino ka ba? Ikaw ba ang katulong ni Maynard? Ako ang may-ari nitong apartment?”

Advertisement

“K-kayo po ang mama ni Maynard?!” gulat niyang tanong. “Pasensiya na po, pero hindi po ako katulong. Dito po ako nakatira.”

Lalong kumunot ang noo ng babae. Nagsalubong ang mga kilay. Bahagya pang tumalim ang mga mata.

“Ano, kamo?!”

“Boarder po niya ako.”

“Ano? boarder?! Tumatanggap ng boarder dito ang anak ko at babae pa? Bakit wala akong nalalaman tungkol dito?”

“H-hindi rin po ako basta boarder dito. A-ako rin po ang girlfriend ni Maynard,” tugon niya.

Napaawang ang mga labi ng matandang babae at nanlaki ang mga mata sa pagkabigla sa sinabi niya.

“U-ulitin mo nga ang sinabi mong babae ka!” malakas na utos nito. Biglang nanlisik ang mga mata. Namumula sa galit ang mukha at para ba’ng kakainin siya ng buhay.

Advertisement

“G-girlfriend po ako ni Maynard,” halos magkandabulol na sagot niya. Nakadama siya ng takot habang sinabi iyon sa masungit na ginang.

Bigla siyang dinuro ng babae.

“Paanong nagustuhan ng anak ko ang isang kagaya mo? Hindi ko pinag-aral si Maynard para mapunta lang sa isang tulad mong dukha. ‘Di ba niya sinabi sa iyo na isa siyang heredero? Isa lamang ang apartment na ito sa kaniyang mamanahin sa akin!”

Nagulat si Lexi. Hindi niya alam na mayaman pala ang boyfriend niya. Inilihim iyon sa kaniya ni Maynard.

“H-hindi po niya sinabi sa akin ang tungkol diyan, p-pero mahal ko po si Maynard at mahal din po niya ako,” matatag niyang sagot.

“Nahihibang ka na ba? Hindi ang isang kagaya mo ang papatulan ng anak ko. Para sabihin ko sa iyo, may girlfriend na si Maynard na galing din sa mayamang pamilya. Ginagawa ka lamang niyang parausan, kapag nagsawa siya sa iyo ay iiwan ka na rin niya. Kung inaakala mong tototohanin ka niya ay gumising ka na sa panaginip mo, babaeng haliparot! Ang mabuti pa ay magbalot-balot ka na at lumayas dito dahil sa pagbabalik namin ng anak ko kapag hindi ka pa umaalis ay ipapakaladkad kita sa kaniya palabas. Siguradong ako ang susundin ni Maynard dahil wala siyang mamanahin sa akin kapag sinuway niya ako,” gigil na sambit nito sa kaniya saka nagmamadaling umalis.

Hindi na napigilan ni Lexi ang mga luhang kumawala sa kaniyang mga mata at naglandas sa pisngi niya nang makaalis ang matapobreng ina ni Maynard.

Labis siyang nasaktan sa panghahamak nito sa kaniya, pero mas nasaktan siya nang malamang may girlfriend na pala si Maynard na mayaman din gaya ng mama nito.

Advertisement

‘Di na siya nagtagal pa sa apartment at nag-empake agad siya ng mga gamit niya at umalis. Masamang-masama ang loob niya sa lalaki dahil sa pagsisinungaling nito sa kaniya sa totoong pagkatao nito. Nagpakalayu-layo siya at pumunta sa probinsya para hindi na siya matunton ni Maynard.

Dalawang buwan ang lumipas ngunit masakit pa rin kay Lexi ang ginawa sa kaniya ng mag-ina, pero pilit niyang iniahon ang sarili sa pagkalugmok. Maayos siyang namumuhay sa probinsya sa pagtitinda ng isda matapos niyang mag-resign sa pinapasukang department store. Doon ay tahimik na siya at malayo sa mapagsamantalang lalaking gaya ni Maynard at sa mapang-aping ina nito. Nang sumunod na araw, habang abala siya sa pagbebenta ng isda ay laking gulat niya dahil sumulpot sa kaniyang harapan ang lalaking nagbigay ng malaking sugat sa puso niya.

“M-Maynard? A-ano pang ginagawa mo rito?” tanong niya.

“Matagal na kitang hinahanap, Lexi. Nagtanung-tanong ako sa mga kasama mo sa pinapasukan mong department store. Ang sabi nila ay nag-resign ka na raw at dito ka na sa Batangas nakatira. Bakit ka biglang umalis? Bakit mo ako iniwan?” bungad ng lalaki sa nag-aalalang tono.

“Talagang tinatanong mo pa sa akin ‘yan? Bakit hindi mo itanong sa mama mo?

Dumating siya sa apartment noong araw na umalis ka. Hinamak niya ang buong pagkatao ko nang malaman niyang girlfriend mo ako. Ipinangalandakan din niya sa akin na mayaman kayo at may girlfriend ka na raw na mayaman din gaya niyo. Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoong estado mo sa buhay? Bakit hindi mo sinabing may girlfriend ka na pala? Sana ay hindi mo na ako pinaasa sa wala,” sumbat niya.

Napailing ang lalaki.

“Totoong nagmula ako sa mayamang pamilya. Itinago ko iyon sa iyo dahil natakot ako na baka iwasan mo ako kapag nalaman mo ang tunay kong estado sa buhay, pero hindi totoong may iba akong girlfriend. Nagsinungaling lang sa iyo si mama. Ikaw lang ang babaeng minahal ko at wala ng iba. Nalaman ko na pinuntahan ka niya sa apartment at galit na galit siya sa akin. Hindi raw niya ako pamamanahan kapag hindi kita pinaalis ngunit sinuway ko siya, Lexi…”

Advertisement

“A-ano?”

“Sinuway ko si mama. Sinabi ko sa kaniya na hindi ko kayang mabuhay kung mawawala ka sa akin. Wala na akong pakialam sa mamanahin ko, wala na rin akong pakialam kung itakwil niya ako bilang anak, ang mahalaga sa akin ay ikaw, Lexi. Mahal na mahal kita, kaya hindi ako tumigil hangga’t hindi kita nahahanap. Ngayong nakita na kita ay hindi ko na hahayaan na mawala ka pa sa piling ko,” sagot ng lalaki.

Mahigpit siyang niyakap ni Maynard. Wala itong pakialam kung mayroon mang makakita sa kanila. Napaiyak na siya sa dibdib ng lalaki.

“T-totoo ba ‘yang mga sinabi mo, Maynard? Pinili mo ako?” tanong niya habang humihikbi.

“Oo, mahal ko. Ikaw ang pinipili ko.”

Hinapit siyang muli ni Maynard palapit sa katawan nito. Sa pagkakataong iyon ay naglapat na ang kanilang mga labi para sa isang maalab at mahabang halik.

Nanatili na rin sa probinsya si Maynard kasama ang nag-iisang babaeng nagpatibok sa puso niya. Tinulungan niya sa paghahanapbuhay si Lexi. Habang nagtitinda ito ng isda ay siya naman ang pumupunta sa laot para mangisda. Niyakap ni Maynard ang simpleng buhay at tinalikuran ang karangyaan para sa babaeng pinili niya.

‘Di nagtagal ay pumanaw na rin ang mama niya at iniwan din nito sa kaniya ang lahat ng yaman at ari-arian pati na rin ang apartment nito sa Maynila. Siya lamang kasi ang nag-iisa nitong anak kaya walang ibang pagmamanahan kundi siya lang. Nag-iwan naman ito ng isang sulat bago ito pumanaw, sinabi nitong humihingi ito ng tawad sa ginawang panghuhusga at pagsisinungaling kay Lexi at sa tangkang paghihiwalay nito sa kanilang relasyon. Ibinigay na rin nito sa kanila ang basbas para sa kanilang pagsasama. Nagpakasal din ang dalawa at bumuo ng pamilya sa probinsya.