
Masaklap na Kapalaran
Si Leah ay kilalang simple at mahinhin na dalaga sa kanilang probinsya. Pero taliwas sa balita tungkol sa kanya, ang realidad sa Maynila na kinakaharap ng dalaga.
Sa pagkagat ng dilim, doon palang magsisimula ang araw ni Leah.
Babangon siya mula sa kanyang higaan pagkatapos maliligo. Habang nag-aayos ng buhok, isasabay na niya ang paglalagay ng kolorete sa mukha. Pagkatapos isusuot ang kanyang sobrang iksing bestida.
Handa na siyang pumasok sa kanyang trabaho.
Sasakay ng traysikel papasok sa makipot at tagong iskineta sa Ermita. Paparada sa tapat ng makulay na sign board sa labas.
“Leah! Tara sabay na tayong pumasok,” tawag ng katrabaho niyang si Tess.
“Tess? Bakit nandito ka pa sa labas?” nagtatakang tanong niya sa kasama.
“May napaagang kliyente. Alam mo naman si kapitan!” natatawa pang biro ni Tess sa kanya.
“Nako ikaw talaga, alam mo namang nanunugod yung asawa nun eh.”
“Eh anong magagawa ko, malaki magbayad si Kapitan. Tapos one round lang tulog na! Hahaha!”
Natawa nalang si Leah sa sinabi ng kaibigan. Sadyang maloko lang talaga si Tess.
Sina Leah at Tess ay kapwa entertainer ng isang club sa Ermita. Halos tatlong taon nang ganito ang trabaho ng dalawa. Walang kaalam–alam ang pamilya ni Leah sa totoong trabaho niya.
Pagpasok nila sa loob puno na ng mga parokyano ang club. Tuwang-tuwa pa si Tess kasi paniguradong marami silang kliyente ngayon.
“Wow! Ayos! Mukhang swe–swertihin tayo ngayon!” masayang tugon ni Tess.
Maya–maya may lumapit na waiter kay Leah.
“Leah, pinapatawag ka ni Mother, nasa loob siya.”
“Sige susunod na ako. Salamat.”
Agad siyang pumunta sa back stage kung saan nandoon si Mother, ang tagapamahala sa club na pinagtatrabahuan nila.
“Mother pinatawag niyo daw po ako?” tanong niya.
“Oo, kasi may naghahanap sayo. Kanina pa, nandyan siya sa loob.”
Nagtataka si Leah dahil wala naman siyang inaasahang bisita. Lahat ng kapamilya niya nasa probinsya at tanging si Tess lang ang nakakasama niya dito sa Maynila.
Bago pa makapasok sa mismong loob si Leah para alamin kung sino ang sinasabing bisita, dumating na nagsisisigaw si Tess!
“Leah! Nandito na si Mr. Gonza!” masayang balita nito sa kaibigan.
Si Mr. Gonza ay regular na parokyano ni Leah.
Siya lang ang bukod tanging customer ni Leah. Simula noong unang salta niya sa club, hanggang ngayon na halos tatlong taon na siya.
“Mr. Gonza! Kumusta kayo?” masayang bati ni Mother sa bisita.
“Mabuti naman walang problema. Ikaw Leah kumusta ka na?” tanong nito sa dalaga.
“Okay lang naman po ako.” sagot ni Leah sa matanda.
“Baka pwedeng akin ka ngayon?” diretsahang tanong ng matanda sa kanya.
“Nako pwedeng–pwede yang si Leah!” singit ni Mother sa dalawa.
Isang matamis na ngiti ang naging sagot ni Leah kay Mr. Gonza. Alam niya sa sariling wala siya sa posisyon upang tumanggi sa mga alok sa kanya. Katawan niya ang bumubuhay sa kanya at bumubuhay sa pamilya niya.
Kagaya ng inaasahan, magdamag na magkasama sina Leah at ang parokyano niyang si Mr. Gonza.
Isang araw, may misteryosong parokyano na nagbayad ng malaking halaga upang makasama si Leah.
“Pupuntahan mo ba?” tanong sa kanya ni Tess.
Halata sa mukha ni Leah na nagdadalawang isip siya.
Lahat ng mga nagbakasakaling maging parokyano niya tinanggihan niya.
Pero sa pagkakataong ito, nagdadalawang isip siya dahil sa malaking halagang makukuha niya. Malaking tulong sana ito sa problema niya.
“Leah, pag-isipan mo muna nang mabuti ang magiging desisyon mo. Alam natin pareho na sarili mo na ang nakataya dito,” bilin sa kanya ng kaibigang si Tess.
Sa huli, nagpasya si Lea na tanggapin ang alok sa kanya. Matiyaga siyang nag-antay sa hotel kung saan sila magkikita ng sinasabing parokyano niya.
Laking gulat niya ng tumambad sa kanyang harapan ang isang pamilyar na mukha. Isang taong hindi niya inaasahang makikita niya. Hindi makapaniwala si Leah na kaharap niya ngayon ang kaibigan niya. Hindi ito nagsasalita at nakatingin lang sa kanya.
Si Alvin ang kanyang matalik na kaibigan at kababata sa probinsya.
Lingid sa kaalaman ni Leah na ang sinasabing bisita niya ay ang kanyang kababata. Matagal nang alam ni Alvin ang tungkol sa trabaho ni Leah.
Nagbago na ang tingin niya kay Leah. Hindi niya inasahan na ganitong uri ng trabaho ang pinasok niya.
“Ano bang nangyari sayo Leah?! Sa tingin mo matatakpan ng magagandang kwento ang mga masamang ginagawa mo?! Ano nalang ang sasabihin ng pamilya mo?!”
Hindi sinagot ni Leah ang kaibigan. Walang salitang lumabas sa bibig niya. Bagkus, humiga siya ng kama.
“Nagbago ka na talaga! Hindi ako makapaniwalang naging ganyan ka!”
“Huwag ka nang magsalita ng kung anu–ano, gawin nalang natin ang sadya mo.”
Nakuha ni Alvin nang buo si Leah noong gabing yun. Pagkatapos ng lahat–lahat umalis ang dalagang walang paalam.
Ilang araw matapos ang nangyari sa dalawa. Isang balita ang kumalat sa baryo nila.
Gulat na gulat si Alvin ng malamang bangkay na si Leah. Namatay sa sakit ang dalaga.
Matagal nang may ovarian cyst si Leah. Lumuwas siya sa Maynila, upang magtrabaho at mapagamot ang sakit niya. Dahil hindi sumasapat ang perang kinikita niya, napilitan siyang pasukin ang ganoong trabaho. Dahil sa malalang impeksyon ng sakit niya, bawal siyang galawin ng kahit sinong lalaki.
Maswerte siyang nakilala niya ang mabait na si Mr. Gonza. Sinabi niya ang totoong kondisyon sa ginoo at naintindihan naman siya nito. Matagal na siyang tinutulungan ni Mr. Gonza dahil sa perang ibinibigay sa kanya, kahit na walang nakukuha ang matanda sa dalaga.
Sobrang nagsisisi si Alvin sa nagawa sa taong minamahal.
Matagal na siyang may nararamdaman sa dalaga. Matinding pagmamahal ang nag udyok sa kanya na gawin ang bagay na iyon kay Leah. Sobra ang galit niya noong matuklasan ang lihim na trabaho ni Leah.
Hindi niya mapatawad ang sarili sa kanyang nagawa.