Alam ng Ina na Nagpapapayat ang Anak Pero Hain Parin Siya ng Hain ng Kanin na Ikinairita ng Nito, May Malalim Pala Siyang Dahilan
“Anak, kanin pa?” tanong ni Aling Betty sa limang-taong anak na si Selena. Ngumiti ito sa ina at tumango. Masayang-masaya ang mag-ina sa hapag-kainan. Isang single mother si Aling Betty na mag-isang tinataguyod ang kanyang nag-iisang anak. Sa bawat araw na dumaraan ay nairaraos ni Aling Betty ang kanyang anak sa pamamagitan ng pagtatrabaho niya sa factory. Kahit marami ang naging pagsubok at suliranin, laking-pasalamat ng ginang na unti-unti niyang napagtatapos sa pag-aaral si Selena. “Anak, kanin pa?” tanong niya dito habang nasa maliit silang salu-salo pagkatapos ng high school graduation nito. “Konti nalang po, Ma.” Bahagyang nalungkot si Aling Betty sa sagot ng anak, “Pero, marami pa itong niluto ko anak. Umiling ang noo’y dalaga nang si Selena, “Busog na po kasi ako Ma.” Nang tumuntong sa kolehiyo si Selena ay nagpaalam ito sa ina na sa Maynila nito gustong mag-aral. Kaunti lang kasi ang unibersidad sa kanilang bayan. Hindi nagtagal ay pumayag naman si Aling Betty kaya simula noon ay nagdorm na rin ang anak at tuwing Sabado’t Linggo niya nalang ito nakikita. Excited siya sa tuwing sasapit ang Biyernes dahil muli na naman niyang makikita ang kanyang unica hija. “Anak kanin pa?” tanong niya dito nang mapansin niyang tapos na agad itong kumain. Sa pagkakataong iyon ay umiling upang tumanggi ang dalaga, “Diet po ako, Ma.” Nalungkot siya sa sagot ng anak, “Sayang naman, anak. Marami itong niluto ko para sayo. Diba paborito mo itong sinigang?” Pinilit niya pa rin lagyan ng pagkain ang plato nito pero nagpumilit na tumanggi ang kanyang anak, “Ma naman! Masisira ang diet ko n’yan sa ginagawa niyo.” Doon tumigil si Aling Betty at saka hinayaan nalang ang anak na muling ibaling ang atensyon sa cellphone nito. May boyfriend na siguro ito, sa isip-isip ng ginang. Ilang taon ang lumipas at malapit na naman ang graduation ni Selena. Dahil doon ay masayang-masaya si Aling Betty dahil sa wakas ay naigapang niya rin ang pag-aaral ng anak. Makakapagpahinga na siya sa pagtatrabaho. “Anak, siguro naman uuwi ka na sa atin ngayong nakagraduate ka ng college?” tanong niya sa anak matapos ang college graduation nito. Ngunit alanganing ngumiti ang dalaga sa ina, “Ma, kasi po may nag-ooffer na sa akin ng magandang trabaho sa Makati. Sayang naman po kung hindi ko kukunin.” “Doon ka pa rin ba mangungupahan?” Tumango ang dalaga na labis na ikinalungkot ni Aling Betty. Ilang buwan pa ang lumipas at unti-unti nang nanghina ang ginang. Kung dati-rati kasi’y dalawang araw sa isang linggo niya nakakapiling ang anak, ngayon ay halos hindi niya na makapiling ito sa isang buwan. Tuwang-tuwa siya nang minsang dalawin ni Selena, kasama ng nobyo nito. Agad siyang nagluto ng paboritong ulam ng anak. “Anak, kanin pa?” Nahiya agad si Selena sa kanyang nobyo, “Ma naman, diba po alam niyo namang diet ako?” “Ay sorry, anak.” Ngunit nagulat silang mag-ina nang ang nobyo niya mismo ang maglagay ng kanin sa plato niya, “Josh!” Ngumiti ang binata at bumulong sa nobya, “Hindi mo ba nahahalata? Kaya ka niya tinatanong kung gusto mo pa ng kanin dahil gusto ka pa niyang makakuwentuhan nang mas mahaba sa hapag. Selena, namimiss ka ng nanay mo.” Bahagyang kumirot ang kanyang puso sa nalaman. Pinagmasdan niya ang ina at doon niya lang napagtanto na napakalaki ng pinayat nito. Halos maluha-luha siyang niyakap ang kanyang mama at humingi ng sorry dito. Pinangako niya ring palagi niya na itong sasamahan, hindi lamang sa pagkain, kundi sa araw-araw na pamumuhay nito. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.