Inday TrendingInday Trending
Isang Sakripisyo ang Kinailangan Gawin ng Nanay na Ito Upang Matanggap ng Iba ang Anak na May Kapansanan

Isang Sakripisyo ang Kinailangan Gawin ng Nanay na Ito Upang Matanggap ng Iba ang Anak na May Kapansanan

Si Dina at ang kanyang tatlong taong gulang na anak na si Donald ay makikitang palaging nakatambay sa park. Gustong-gusto doon ni Donald dahil marami siyang nakikitang mga batang naglalaro sa parke. Sa tuwing dinadala niya ito doon ay tuwang-tuwa ang bata. May down-syndrome ang bata. May edad na sila ng asawa niya nang mabuo nila ang nag-iisang anak. Lubos iyong ikinalungkot ni Dina noon. Sinisisi niya ang sarili sa nangyari kay Donald. Masyado kasi silang naging busy sa trabaho at nahuli na ang plano nilang magkaanak. Kaya naman nang ipanganak si Donald ay ipinangako niya dito at sa sarili na sa anak niya nalang ilalaan ang bawat oras ng kanyang buhay. Ngunit nalulungkot pa rin si Dina dahil magpahanggang ngayon ay walang nagiging kalaro ang anak kundi siya. Sa tuwing sinusubukan nitong makipaglaro sa ibang bata ay nilalayuan ng mga ito ang kanyang anak kapag nakikitang naiiba ito sa kanila. Naaawa siya sa tuwing makikita ang papaiyak na mukha ng kanyang bunso. Kung sana’y makakagawa lamang siya ng milagro ay nabigyan niya ng ng maraming kalaro ang anak. Isang gabi ay hindi siya makatulog sa isipin, “Paano ko kaya mapapasaya ang anak ko bukas?” Birthday na kasi ng kanyang anak at gusto niya namang surpresahin ito at mapasaya nang taos-puso. Alas-tres na nang makatulog si Dina matapos pagplanuhan ang kanyang supresa para sa anak na may down-syndrome. Maaga rin siyang gumising upang magtungo sa shopping mall. Inihabilin niya muna sa asawa ang kanilang anak. Mabuti nalang at day-off rin nito ngayon. “Anong oras ka uuwi, ‘hon?” tanong ng kanyang asawa. “Mga alas-nueve nandito na rin ako.” Natuloy ang plano. Pinagluto niya ng paborito nitong spaghetti si Donald at sabay-sabay silang kumain. Kumain rin sila ng ice cream at cake, “Happy birthday, anak!” Kinahapunan ay nagyaya na agad ang kanilang anak sa park pero ang ama muna nito ang pinasama niya dito. “Maglilinis lang muna si Mama dito, ‘nak.” Nakakaintindi naman itong tumango at yumakap sa kanya, “Thank you, Mama.” Naluha agad siya. Malambot ang puso niya pagdating sa anak. Kahit kasi may kapansanan ito ay napakalambing naman nito sa kanya. Samantala masayang naglaro agad si Donald sa parke. Tumakbo siya sa maraming bata para makisali sa paglalaro ng mga ito. Pero laking-gulat ng ama nito nang bigla itong itulak ng isang bata, “Mongoloid! Pangit!” Hindi pa rin umiyak si Donald, tila nakakaintindi itong tumayo at sumama nalang sa ama. Maya-maya’y nagitla ito sa nakitang mascot sa harapan. Ngunit saglit lang iyon dahil agad na pinagkaguluhan ito at nilapitan ng mga bata. Ngunit pinagtataka nila na kay Donald lang lumalapit ang mascot kaya naman napilitan rin silang lapitan ang bata at kaibiganin ito. “Friends na tayo, Donald!” ika ng batang babae. Tuwang-tuwa ang bata. Doon ay nagawa na ring hubarin ni Dina ang napakainit na suot na mascot. Nirentahan niya ito upang isurpresa ang kanyang anak. Sa wakas ay natupad rin ang kahilingan nitong magkaroon ng mga kaibigan. At sa paraang ito, naghahangad siya na sana makita ng mga bata ang kabutihan ng kanyang anak at hindi ang kapansanan nito. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement