Labis na Nasaktan ang Babaeng Ito nang Malamang Matapos Makatikim ng Pera ay Nagbago ang Matalik na Kaibigan
Si Vilma ay laking-probinsya. Mula pagkabata ay kaibigan niya na si Lindsay dahil ang pamilya ay parehong magsasaka at matalik na magkaibigan. Simula elementarya hanggang sa tumuntong sila ng high school ay magkaibigan silang matalik. Pero naghiwalay sila nang magsimula silang magkolehiyo. Dahil nag-aral na sa Maynila si Lindsay at naiwan sa probinsya si Vilma para magsaka. Dahil mas maykaya ang pamilya ni Lindsay ay nagawa nitong makapag-aral ng kolehiyo. Ngunit sa kabila noon ay nagsusulatan pa rin ang dalawa nang ilang taon. Pagkalipas ng limang taon ay nakagraduate si Lindsay sa kursong Accounting. Tuwang-tuwa siya para sa kaibigan. Nalungkot nga lang siya nang malamang sa Maynila pa rin maninirahan ito at magtatrabaho. “Ingat ka dito friend, ah. Ganun pa rin tayo tulad ng dati, walang limutan,” bilin nito sa kanya bago umalis. “Oo, friend. Ingat ka rin dun ah.” Isang taon ay ganoon pa rin ang ginawa nila. Pero dahil binili siya ng cellphone ng kaibigan ay hindi na sulatan ang ginagawa nila kundi videocall na sa Facebook. Masayang-masaya siya sa tuwing nakakabalita ng bago sa kaibigan. “Friend, ang ganda dito sobra. Hindi kasi katulad nung nag-aaral ako na school at dorm house lang, ngayon nakakagala na ako sa mga mall. Ang ganda friend!” excited na sabi nito sa kanya. Pero biglang nalungkot ang mukha, “Sayang nga lang hindi kita kasamang gumala.” “Okay lang ‘yan friend nag-iipon din ako para makarating at makapagtrabaho d’yan.” “Talaga friend? Aasahan ko ‘yan ah hihintayin kita!” Lumipas ang panahon na medyo naging busy sa trabaho si Lindsay. Naintindihan niya naman ito dahil mahirap naman talaga ang trabaho bilang Accountant. Hanggang sa tuluyan na silang nawalan ng komunikasyon. Sakto namang may naipon na ring sapat si Vilma para makapunta ng Maynila, “Susurpresahin ko nalang siya.” Napagdesisyunan niyang mag-apply kung saan ito nagtatrabaho. Pero dahil high school graduate lang siya ay Janitress lang ang binigay na trabaho sa kanya. Sa unang araw niya sa trabaho ay nakita niya agad ang kaibigan. “Lindsay!” masayang tawag niya dito habang naglilinis siya sa lobby. Halatang nagulat ito pagkakita sa kanya. Pero mas nagulat siya nang iwasan siya ng tingin nito at tuloy-tuloy na pumasok sa elevator. “Anong problema nun? Hindi niya ba ako nakilala?” pinilit niyang kumbinsihin ang sarili. “Oo tama hindi niya lang ako nakilala. Malabo na mata nun eh.” Ngunit isang linggo ang lumipas ang parating ganoon ang ginagawa sa kanya ng kaibigan kaya naman kinumpronta niya na ito, “Ano ba Lindsay? Nagkakalokohan na tayo dito eh. Ano bang nagawa ko sayong mali. Bakit ginaganito mo ako?” Nataranta ito sa sinabi niya at hinila sa labas ng company, “Vilma makahalata ka naman!” Nagulat siya sa pagbulyaw nito sa kanya. “Hindi kita pinansin ng una sana nagets mo na,” inis na turan nito. “Kunsabagay high school graduate ka nga lang pala kaya mahina ang pick up mo.” “Anong sabi mo!” agad niyang sinampal ang kaibigan. “Sino ba kasi maysabing magtrabaho ka dito? Ano nalang sasabihin ng boyfriend kong direktor ng kumpanya pag nalaman niya ‘to? Na may kaibigan akong probinsyana at janitress, ha?!” Natulala si Vilma sa sinabi ng kaibigan. Hindi niya akalaing sa loob lamang ng maiksing panahon ay ganito na ito babaguhin ng panahon. Tama nga ang sinabi ng mga kabaryo niya na, “Ang tao kapag nakatikim ng salapi’t kapangyarihan, makakalimot na sa pinanggalingan.” Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.