Dahil Gahaman sa Pera ay Pinwersa ng Mag-asawang Mag-abroad ang 17-anyos na Anak, Naging Impyerno ang Buhay Nito ng Di Nila Nalalaman
Labag man sa kalooban ay nagsimula nang mag empake si Rosemarie. Bukas na kasi ang flight niya papunta sa Dubai. Siya ay 17 anyos pa lamang pero napilitan nang pumunta sa abroad sa pag uudyok na rin ng mga magulang, dinaya ng mga ito ang edad niya. Pagod na pagod na raw kasi sa hirap ang mga ito kaya panahon na para si Rosemarie naman ang magpatikim sa kanila ng ginhawa. Ipinangutang siya ng kanyang nanay at tatay para makabayad sila sa placement fee, mababait naman ang mga kapitbahay nila sa probinsya kaya nagpautang ang mga ito, hanggang sa makalikom sila ng 36,000. Ang placement fee ay nagkakahalaga ng 28,000, pocket money raw ni Rosemarie ang 2,000 habang ang 6,000 naman ay ginastos nila para sa magarbong pa-despedida. “Para sa napipintong pagyaman ko!” sigaw ni Mang Temyong, ang ama ni Rosemarie na hindi pa man din nakakahawak ng pera ay ubod na ng yabang. Itinaas niya ang baso ng alak at tumagay sila ng mga kasama. Busy naman ang nanay ni Rosemarie sa pag aasikaso sa mga bisita, naroon ang ilang kamag anak nila na ngayon lang sila naalala nang marinig na mag aabroad na siya. Napapailing na lang si Rosemarie sa mga nangyayari. Kinabukasan ay lumipad na siya patungong Dubai subalit dahil nga hindi naman nakapagtapos ng pag aaral ay naloko siya ng kanyang recruiter, illegal pala ang prosesong ginawa para makalipad sila doon kaya ang sahod nila ay maliit lang. Nasa 13000-14000 pesos lang ang matatanggap niya buwan buwan. “Anak, ano ba naman tong binigay mo, 4,500? Eh wala pa to sa kalahati ng nautang natin, ni kulang pa nga pang isang buwan namin dito. Kinukulit na kami ng kapitbahay sa bayad natin.” iritableng sabi ng nanay niya nang unang beses na matawagan niya ito mula sa abroad, ni hindi man lang kinumusta ang kalagayan ng anak. “Pasensya na nanay. Wag muna kamo tayong gipitin at illegal pala ang nagpasok sa amin kaya maliit ang sahod.” paliwanag niya. “Pag may nakita kang ibang trabaho pasukin mo ng pasukin, kaya mo naman siguro yan diba. Tsaka pag maliit ang pa-sahod dyan edi layasan mo. Sabi raw ni kumareng Lydia, mura ang alahas dyan. Ibili mo nga ako ng kwintas, gusto ko yung may pendant ha.” sabi ulit ng kanyang ina. Hindi nila alam na minalas sa amo si Rosemarie, araw araw ng buhay niya ay parang impyerno. “Madam, I have to tell you something.” sabi ni Rosemarie sa kanyang among babae. “What is it?” mataray itong nakatingin sa kanya. “Sir Yusof went to my room last night..h-he tried to rape me-” hindi pa man din natatapos ni Rosemarie ang sasabihin ay agad na siyang sinampal ng among babae. Hinila nito ang buhok niya at ipinasok siya sa kwarto. Iyak ng iyak ang babae doon, makalipas ang isang oras ay bumukas ang pinto. Akala niya ay tapos na ang lahat pero isang mas malaking problema pala dahil nakatayo sa pintuan ang matabang Arabong nagtangka sa kanyang pagkababae kagabi. “You want me to free you? Then let’s do this.” hindi pa nakakasalita si Rosemarie ay nilapitan na siya nito at pinagsamantalahan. Nang matapos ito sa kawalanghiyaan ay umiiyak pa rin ang babae, mga impit na saklolo, piping paghingi ng tulong. “Shut up! My wife will hear!” pasigaw na bulong nito sa kanya. Pero sadyang di mapigilan ng babae ang umiyak, buong pagkatao niya ay masakit, pisikal at emosyonal.Pakiramdam niya ay napakarumi niya. “When I say shut up, shut up shut up shut up!” pinagsusuntok siya ng among lalaki. Sa Pilipinas naman ay mahimbing na natutulog sina Mang Temyong at ang buong pamilya. Masaya ang gising nila kinabukasan dahil ngayon nakatakdang magpadala ng pera si Rosemarie, sana naman laki-lakihan niya para makabili na ng ref. Pero lumipas na ang ilang araw ay hindi pa rin tumatawag ang dalaga. “Kapag nakausap ko ang hay*p na yan mura ang aabutin sa akin niyan,” sabi ng ina ng dalaga. Ilang katok ang narinig nila sa pintuan, nagulat sila nang makitang mga pulis iyon. “Ano hong kailangan nila?” tanong ni Temyong. “Artemio at Delia Gandia?” tanong ng mga pulis. “Oho?” halos sabay namang sagot ng dalawa. “Patay na ho ang anak ninyo, ipinareport lang ng kaibigan niya sa Dubai. Pinatay ng amo matapos gahasain.” sabi ng mga pulis. Nabigla man ay pareho ang iniisip ng mag asawa, Paano na ang utang? Paano na ang pagyaman? Naudlot ang pag iisip nila nang biglang magsalita ang pulis. “At arestado kayong dalawa dahil sinabi rin ng kaibigan ni Rosemarie na pinwersa ninyo siya at pineke ang edad niya.” Walang nagawa ang mag asawang hayok sa salapi nang posasan sila ng mga pulis. Dahil sa pagiging makasarili ay nasawi ang sarili nilang anak at ngayon ay mabubulok sila sa kulungan.
Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?
I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.
Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!