Inday TrendingInday Trending
Napaluha ang Dalaga Nang Sagutin ng Inang Hindi na Makaalala ang Tanong Niya

Napaluha ang Dalaga Nang Sagutin ng Inang Hindi na Makaalala ang Tanong Niya

“Sinong mahal ni Nanay?” nakangiting tanong ni Aling Madel. “Si Daisy!” masigla namang sagot ng batang si Daisy, tapos ay binigyan niya ng kiss ang kanyang ina sa pisngi nito, at nagyakap silang dalawa. Sariwang sariwa pa sa alaala ni Daisy ang pangyayaring iyon, kahit ngayong 42 taong gulang na siya. Natatandaan niyang kahit dalaga na siya at kaharap ang mga kaibigan, ay hindi pa rin siya nahihiyang sumagot kapag tinatanong siya ng ganoon ng kanyang ina. Ngayon ay may alzheimer’s disease na ang matanda, nagsimula iyon sa pagiging makakalimutin nito sa lahat ng bagay at habang tumatagal ay mas lumala na. Hindi na ito pwedeng maiwanang mag isa dahil baka maligaw ito, hindi na rin nito kilala ang anak. Sa kabila ng lahat ay hindi sumusuko si Daisy, kahit may sarili na siyang asawa ay alaga niya pa rin ang kanyang ina. Nag iisang anak lang kasi siya nito at sa dami ng sakripisyo nito sa kanya ay tama lang na siya naman ang mag alaga dito ngayon. Mayroong dalawang anak si Daisy, isang highschool student at ang isa naman ay graduating na ng elementary. Nasa abroad ang kanyang asawa kaya silang dalawa lang ng matanda ang naiiwan sa bahay araw araw. Isang hapon, tahimik na nanonood ng TV ang mag ina, sinulyapan niya ang kanyang nanay. “Nanay, sino ako?” tanong niya rito. “Sino ka nga ba? Wag mo nga akong kausapin!” masungit na sabi nito at muling itinutok ang mga mata sa telebisyon. Malungkot siyang umayos ng upo, kung sana lang makakakwentuhan niyang muli ang kanyang ina. Masasabi niya rito ang nangyari sa araw niya, mula nang magkasakit ito ay hindi lang naman nanay ang nawala sa kanya, kaibigan, kaaway, kakampi, lahat. Parang isang pitak ng pagkatao niya ang nawala. Naalala niya na naman tuloy ang tanungan nilang mag ina noon. Na-miss niya bigla ang mga masasayang kwentuhan nila. Sa sobrang pagbabalik tanaw ay malakas niyang naibulalas, “Sinong mahal ni Nanay?” biglang tanong niya. “Si Daisy!” nagulat siya nang biglang sumagot ang kanyang ina. Nakalimot ang utak nito, pero hindi ang puso. Niyakap niya ang kanyang nanay habang pinapahid ang luha sa kanyang mga mata. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba. Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement