Inahas ng Binata ang Nobya ng Bestfriend Niya, sa Huli ay Siya Mismo ang Nagsisi at Umiyak
Bata pa lamang ay magkaibigan na sina Jack at Seth, bagong lipat noon sina Jack sa subdivision at wala pa siyang masyadong kaibigan, mabuti na lamang at naroon si Seth. Mula noon ay sila na ang naging magkasangga.
Sabay silang nagpatuli, sabay na napapagalitan pag gumagawa ng kalokohan, sabay sila sa lahat ng bagay. Palibhasa ay parehong nag iisang anak kaya parang naging kapatid na ang turing nila sa isa’t isa. Kahit nga mga lalaki ay hindi sila nahiyang umiyak nang lumipat na ng bahay sina Seth at umalis na sa subdivision.
“Bro, g*go ka mami-miss kita. Wag mokong kakalimutan, wag mokong ipagpapalit kay JR supot,” naluluhang sabi ni Seth habang tinatapik ang balikat ng kaibigan, 3rd year high school pa lamang sila noon.
Tila umaayon naman ang tadhana dahil makalipas ang ilang taon, ay pareho sila ng unibersidad na nais pasukan sa Maynila. Sobra ang tuwa nila dahil parang nagbalik ang panahong magkasama pa silang nagba-bike sa subdivision. Para makatipid ay isang apartment na lamang ang kinuha nila, hati na lamang sila sa upa.
“Brader, si Maxene, girlfriend ko,” pakilala ni Seth sa nobyang kaakbay. Matamis na ngumiti ang babae.
Tinanguan ito ni Jack, Ba..jackpot ang kapatid ko rito ah. Ang ganda! sa isip isip ng binata.
“Kumusta?” sabi ni Jack at inilahad ang kamay niya.
“Okay lang, Information Technology rin pala ang course mo sabi ni Seth?” tanong ng babae.
“Ah oo, ikaw rin ba? Eto lang si Seth eh, kumuha pa ng Computer Science, sana IT nalang rin diba para magkakasama tayong tatlo,” kantsaw niya sa kaibigan.
“Hayaan mo na, sa kabilang building lang naman ako.Tsaka panatag naman ang loob ko dahil nandyan ka, alam kong babantayan mo si Maxene for me, kapatid kita eh!” proud na sabi ng lalaki at tinapik ang balikat niya.
Nagsimula na ang pasukan, sinunod ni Jack ang bilin ng kaibigan na bantayan si Maxene. Siya palagi ang kasama ng babae lalo na at fully loaded ang klase ni Seth. Kaya lang, isang hindi inaasahan ang nangyari- nahulog ang loob niya sa dalaga. Alam niyang ganoon rin ito sa kanya.
Di man ginusto ni Jack ay parang inaahas na niya ang kaibigan. Kahit kasi may oras ito sa nobya ay sila na ng babae ang gumagawa ng paraan para hindi magkita ang mga ito at silang dalawa ang magtagpo. Mahal na mahal na ni Jack si Maxene.
Isang hapon ay dinala niya ang dalaga sa apartment nila, sakaling dumating si Seth magkukunwari nalang silang surprise visit iyon ng nobya pero ang totoo ay siya ang nais na puntahan ng babae.
“Jack, sabihin na kasi natin sa kanya. Aminin na natin na mas mahal kita, I don’t like him na and I don’t see the point of keeping the relationship, simple as that. Gusto ko nang maging malaya,” lambing ng babae na humilig pa sa balikat niya.
“Darating din tayo dyan. H-hindi ko pa kasi alam kung paano ko sisimulan,” alam niya, ang selfish niya- sobra.
“Kailan pa?” sabay silang napalingon at nanlaki ang mga mata nang makita si Seth na nakatayo sa likuran nila. Kanina pa pala ito naroon at nakakuyom ang mga palad habang nakikinig sa kanilang dalawa.
“B-bro-“
“G*go!” sigaw nito at inundayan siya ng suntok. Hindi lumaban si Jack, alam niyang bagay lang sa kanya iyon.Ano naman ang magagawa niya? mahal niya talaga si Maxene.
Pinagsusuntok siya ni Seth hanggang mapagod ito, “Ggo ka ggo g*go! Tinuring kitang kapatid, tang *na mo!” paulit-ulit na sigaw nito. Si Maxene naman sa sobrang takot ay bigla na lamang umalis.
Pagkatapos ng insidenteng iyon ay lumabas ng bahay si Seth bitbit ang ilang gamit, hindi alam ni Jack kung babalik pa ito.
Ilang araw ang nakalipas ay may program sa eskwelahan nila, tahimik lamang na nakaupo si Jack sa isang tabi nang marinig niya ang isang babae na nang agaw ng mic sa host.
“J-jack? I’m calling Jack’s attention,” sabi nito sa unahan, pinagtitinginan ito ng mga estudyante.
“Maxene?” gulat na sabi ni Jack, ilang araw niya na ring iniiwasan ang babae.
“Jack baby, mahal na mahal kita. Wag mo naman sana ako’ng talikuran for Seth. What we have is something beautiful, something na hindi ko naramdaman sa kanya,” litanya nito.
Nagtinginan ang lahat kay Seth na naroon rin pala, namumula ang mukha ng lalaki sa pagkapahiya. Di naman lihim na siya ang nobyo ni Maxene.
Nakita ni Seth na tumayo si Jack at lumapit sa stage, talagang dito pa gumawa ng eksena ang dalawang ito.Ang kakapal ng mukha. Kinuha ng lalaki ang mic at nagsalita.
“Maxene, minahal rin kita,” simula nito. Napuno ng bulung-bulungan ang paligid, napangiting aso naman si Seth.
“Naging masaya naman ako sa’yo. Pero alam mo, hinding hindi magiging kumpleto ang kaligayahan nating dalawa dahil may nasaktan tayo. Diyos ko Maxene, hinding hindi ako magiging masaya dahil nasaktan ko si Seth, kapatid ko yan eh. Kasangga ko yan sa lahat. Tng ina sasalo nga ng bala para sa’kin yan eh pero gnago ko. Di kita sinisisi dito, gusto ko lang makahanap ka ng iba.
Hindi ako para sa’yo Maxene dahil ang true love, hindi kailangang manakit ng iba para makamit lang. Hindi ito true love Maxene, sana naiintindihan mo.” paliwanag nito.
Tumakbo ang dalaga palayo dahil sa pagkapahiya, habang si Seth naman ay gulat na gulat. Aminin niya man o hindi, mas nasaktan siya sa pagta-traydor ni Jack kaysa sa pagtataksil ni Maxene.
“At sa’yo naman. Bro, bestfriend ko, patawarin mo’ko pare. Mahal kita, alam mo yan.Sana hindi pa huli ang lahat,” naluluhang sabi nito.
Patakbong umakyat sa stage si Seth at niyakap ang kaibigan,pabiro niya itong sinuntok sa balikat.
“A-ayos na tayo?” di makapaniwala si Jack.
“G*go gusto mo pakasalan pa kita eh!” biro ni Seth at pinahid na ang luha nito.
Nagpalakpakan ang mga tao. Tuwang tuwa ang lahat dahil isa lamang itong magandang halimbawa ng totoong pagkakaibigan, na nag-aaway pero hindi nag-iiwanan.