Sa Paglalaro ng Patintero ay Nadakma ng Lalaki ang Dibdib ng Babae, Iyon na Pala ang Simula ng Makulay na Kwentong Pag-Ibig
Siyam na taong gulang na ang batang si Joel at kasalukuyan siyang pumapasok na grade 4 sa isang elementaryang malapit sa kanila. Kapag may pasok ay tutok siya sa pag aaral dahil running for honor siya, samantalang kapag Sabado at Linggo naman ay ginugugol niya ang oras sa pakikipaglaro sa labas.
“Kulang pa tayo, kampihan nga eh! Tapos mag isa kalang, kakampi mo ba sarili mo. Tungaw pala to eh!” pang aasar ni Joel sa isa niyang kalaro. Nag uusap usap sila ngayon na mag-patintero.
Napakamot sa ulo ang bata pero nagliwanag din naman ang mukha nang makita ang dalawa pa nilang kapitbahay, “Realyn, Dina!” sigaw nito.
Napalingon si Joel lalo na nang marinig niya ang ikalawang pangalan. Kasunod nood ay isang pilyong ngiti.
“Dina pumuti! Negra! Sali ka!” sabi ni Joel, sinimangutan naman siya ng batang babae.
Totoo naman kasi na maitim ang balat nito at may katabaan, kulot rin ang buhok at tampulan ng pang aasar. Kaya nga walang mag aakala na may lihim na crush sa babae si Joel, kilalang alaskador kasi siya. Ewan ba ng bata, basta kinikilig siya kay Dina. Sa kabila naman kasi ng kaitiman ay maganda ang mukha nito at matalino pa sa eskwela.
Di nagtagal ay nagsimula na silang maglaro, kailangang makatawid ang grupo nina Dina nang hindi nahuhuli nina Joel. Sobrang pasikat ng batang lalaki at ayaw niyang malamangan kaya bigay todo siya kung mangharang.
Ganoon rin naman si Dina, nais niyang manalo kaya ginalingan niya rin talaga ang pagtawid. Nang magtapat na ang dalawa ay nagkatinginan sila sa mata, tila ba naghahamunan.
“Hulihin mo ko,” sabi ni Dina, nakangisi.
“Sige nga, duwag pala to eh. Lapit!” sabi ni Joel.
Mabilis na tumakbo si Dina, mabilis rin itong inabot ni Joel, at..
BOOM. Nahawakan niya ang dibdib nito.
Parang bumagal ang mundo, pulang pula ang mukha ng batang lalaki habang hiyang hiya rin naman si Dina.
“Hala hawak dede gang!” biro ng isang bata.
“Uy, may gusto!” kantsaw ng isa pa.
Sa sobrang hiya ni Joel ay di nya malaman ang sasabihin niya, kung anu ano nalang ang lumabas sa bibig niya. “Yuck! Di no kaitim itim nyan parang pusit na naligo sa tinta, sa kanya nga yata nakuha ng uling na pampahid pag Ash Wednesday!” dire diretsong pang aasar nya.
“Nay nay nay pero hinahawakan nya!” hindi pa rin kumbinsido ang ilang bata.
“Hindi nga kadiri di ko yan magugustuhan kahit kailan ang panget panget nyan no!”
Natauhan lang si Joel nang tumakbo si Dina palayo, umiiyak ang batang babae.
“Huy bro!”
Nagising sa pagkakatulala si Joel dahil sa tawag ng kaibigan nyang si Howard.
“Ano?!” sabi ni Joel.
“Sabi ko sama ako, diba kikitain mo yung ka-chat mo. Uy, chicks.” biro nito.
“Bobo! Date nga yon eh sasama kita,” sabi niya at ipinagpatuloy na ang pag aayos ng buhok.
Minsan naiisip niya, nasaan na kaya si Dina pumuti? Kasi simula nung araw na yon, di na ito nakipaglaro sa kanila. Nabalitaan nalang nila na nakapag Saudi ang tatay kaya lumipat na ng bahay. Ngayon ay 23 anyos na siya, galit pa kaya sa kanya si Dina?
Ah! Bakit ba biglang naisip niya ang negrang iyon, eh may ide-date nga siya ngayon.
Mabilis siyang nakarating sa mall at malayo pa lang ay natanaw niya na ang babae. Eksaktong eksakto sa sinabi nitong suot, morena ito at katamtaman lang ang height. Pero.. pamilyar?
“Joel?”
“Dina?!”
Di makapaniwalang sabi nila sa isa’t isa. Sinimangutan siya nito. akmang tatalikod na pero pinigil ng lalaki. Humingi siya ng tawad sa nasabi niya noong bata pa sila, binawi niya iyon.
“Baliw, nagjo-joke lang ako. Parang pusit naman talaga ako noon!” natatawang sabi ni Dina.
Naibalik nila ang pagkakaibigan nang araw na iyon, na kalaunan ay lumalim pa at nauwi sa pag ibig. Ilang taon pa ang nakalipas ay napagpasyahan na ng dalawa na magpakasal.
“Siguro kung di ako gumanda, di mo ako pakakasalan ano?” nakangusong sabi ni Dina.
Napangiti naman si Joel at inakbayan ang misis niya, kung alam lang nito ang lihim niyang pagtingin noon. Kahit tabachingching ito at kulay itim ay ito lang ang nagpapakilig sa kanya. Ang laki ng pasasalamat niya sa Diyos na muli silang pinagtagpo.
Ngayon ay masaya na ang dalawa na namumuhay kasama ng kanilang anak.
Ang pag ibig talaga ay mapaglaro, tulak ng bibig, kabig ng dibdib.