Nahuli ng Misis ang Asawang Nagbibigay ng Sustento sa Ibang Babae; Napahalakhak pa ang Mister Nang Komprontahin Niya Ito

Nahuli ng Misis ang Asawang Nagbibigay ng Sustento sa Ibang Babae; Napahalakhak pa ang Mister Nang Komprontahin Niya Ito

InspiringLoveStoriesSuccess

Masipag sa trabaho ang mag-asawang sila Nancy at Greg. Mula nang sabay na magtapos sa kolehiyo bilang parehong Cum Laude sa UP ay sabay rin silang nagsimulang magtrabaho sa iisang kumpanya. Dahil sa husay ni Greg sa trabaho ay agad itong napromote. Kinailangan niyang magpabalik-balik ng Pilipinas at Canada dahil siya na ang tumatayong manager ng kanilang kumpanya.

Si Nancy naman ay hindi rin nagpapahuli. Nilipat siya sa main branch ng kanilang presidente upang maging head trainer. Siya ang nangangasiwa sa pagtuturo sa mga bagong pasok na empleyado sa kanilang kumpanya.

“Man, tingnan mo oh! Chicks!”

Napukaw ang atensyon ni Nancy nang marinig ang mga katrabahong naghaharutan sa kaniyang tabi.

“Hoy, Carlo! May nobya ka na! Umayos ka kung ayaw mong isumbong kita kay Farrah!” pagbabanta ni Nancy sa kaibigan.

“Ikaw talaga, ma’am! Nobya pa nga lang e! Sino ba naman ang hindi mapapatingin sa ganyang kagandang babae!” wika ni Carlo habang umaakto pang nagpupunas ng laway.

“Yan ang babae, ma’am! Magandang manamit, bigatin ang mga gamit. Tingnan mo yong bag oh! Pak! Ang alam ko dalawang milyon ang halaga niyan! Mga artista lang ang may ganyan e,” wika naman ni Tom.

“Sino ba s’ya? Bagong empleyado? Malamang isang buwan lang aalis na naman iyan dito,” pagtataray ni Nancy.

“Nangangamoy insekyora!” banat naman ng kaopisina niyang binabae na si Russell.

“Siya si Kim Infante. Hindi ‘yan bago dito! Mga anim na buwan na siguro iyan. Baka nga nakita na din siya ni Greg. Nasa parehong departamento sila. Dati siyang model pero ngayon ay nagpopokus na raw siya sa IT industry. Graduate din kasi iyan ng UP at Summa Cum Laude pa. Ansabe ng ating Cum Laude!?” pangiinggit pang lalo sa kaniya ni Russell.

Sabay-sabay namang nagtawanan ang magkakaopisina. Palibhasa’y lahat sila’y halos sabay-sabay na nagsimula sa kumpanyang pinapasukan kaya’t ganoon na lamang sila ka-close.

Sa likod ng malakas na halakhak na iyon ni Nancy ay hindi niya maiwasang mainggit at ikumpara ang sarili sa Kim Infante na iyon. Nag-alala din siya sa sinabi ng kaibigang nasa parehong departamento sila ng asawa.

Parehong galing sa mahirap na pamilya ang dalawa kaya naman nagkukumahog silang makapag-ipon.

Malaki man ang kanilang sahod ngunit hindi sila bumibili ng mga magagarbong bagay. Layunin kasi nilang makabili ng bahay at lupa upang hindi na mangupahan pa. Hindi man lamang magawang magpa-salon o gumamit ng mga pampaganda ni Nancy kahit pa ipinagtutulakan siya ni Greg nag magpa-ayos kung gusto niya at bumili ng mga nais niyang gamit.

Walang kamalay-malay si Nancy na uuwi pala ng Pilipinas ang asawa ng araw na iyon.

Grabe ang nadarama niyang pangungulila dito lalo pa’t nalalapit na ang kanilang anibersaryo. Gaya ng nakasanayan, ginugol na lamang niya ang oras sa pagtitingin ng mga mamahaling bag at sapatos na matagal na niyang pinapangarap bilhin. Minsan ay naiinggit siya sa mga kaopisina sapagkat nagagawa ng mga itong bumili ng kahit anong mga bagay na nais nila. Lalo namang umigting ang pagkainsecure niya sa sarili nang makita ang dating modelo.

Dahil na rin sa stress ay medyo lumapad na siya. Akala pa nga ng iba’y may anak na sila ni Greg. Pagod na rin siyang ipaliwanag sa mga kaopisina at mga kakilala na hindi pa sila handang magka-anak sapagkat wala pa silang bahay at malaking ipon.

Napagpasyahan ni Nancy na bisitahin ang kanilang online banking account at icheck kung magkano na ang kanilang ipon upang kahit papaano’y gumaan naman ang kaniyang pakiramdam. Ilang buwan na rin ang lumipas mula nang huli niya itong tignan sapagkat ayaw niyang maisip na may hawak na silang malaking pera upang hindi siya matuksong bumili ng mga bagay na nais niya.

“Hi, ganda! Puwede ka bang ligawan?”

Gulat na gulat si Nancy nang marinig ang boses ng asawa.

“Naku! May mabubuntis next month!” pang-aasar ni Tom.

Dahil sa pagkasabik sa asawa’y agad niyang pinatay ang gamit na kompyuter at nagyayang umuwi na.

“Saglit lang mahal, ha. May kakausapin lang ako,” malambing na pagpapaliwanag ng asawa.

Maya-maya’y pinagpawisan si Nancy sa natanaw mula sa pinto ng kaniyang opisina.

Magkausap si Kim at ang asawa niya. Nagtatawanan pa ito at tila nagbubulungan.

Ang tagal mag-usap ng dalawa at sa pagka-inip ay itinuloy niya ang naantalang gagawin.

Nagulat siya nang makitang naka log-in pala doon ang online banking account ng asawa.

Nang icheck niya ang mga transactions nito’y lalo siyang pinawisan ng malamig.

“Gregorio Santillices sent PHP 50,000 to Kimberly France Infante”

Tatlong sunod-sunod na buwan itong nagpadala sa babae.

Hindi na malaman ni Nancy ang gagawin. Gusto niyang umiyak ng malakas at pagsasampalin ang asawa pati na rin ang babaeng kanina pa ngisi ng ngisi at nakikipaghalakhakan dito. Kung ano-ano na ang pumasok sa kaniyang isipan.

Hindi niya namalayang tinatawag na pala siya ng asawa.

“Mahal?!”

Kinimkim na lamang ni Nancy ang nararamdaman sapagkat iniingatan niya ang kredibilidad nilang mag-asawa sa trabaho.

Ilang araw siyang tulala at walang ganang kumain. Wala siyang ginawa kung hindi halughugin ang cellphone at laptop ng asawa ngunit wala naman siyang makuhang ebidensiya.

Hanggang sa naisipan niyang halughugin ang gamit nito. Sakto at nasa opisina ito habang siya naman ay walang pasok.

Nanglaki ang mga mata niya nang makita ang isang resibo na may nakasulat na P300,000 para sa isang mamahaling bag at P50,000 naman para sa mamahaling sapatos.

Napamura siya nang malakas sa nakita.

[email protected] ina! Parehas pa tayo ng sukat ng paa! Ako na misis ng asawa ko’y hindi niya mabilhan ng kahit isang pirasong lipstik!”

Agad na nagbihis si Nancy upang puntahan ang asawa sa opisina.

Tinatawagan niya ito upang papuntahin sa isang restawran at doon kausapin ngunit hindi ito sumasagot.

Paglabas niya ng kanilang gate ay sumalubong sa kaniya ang nakangiting si Greg. May dala itong dalawang nakabalot na regalo at isang malaking bouquet ng mga pulang rosas.

Napaatras si Nancy sa nakita. Pulang-pula ang mukha niya sa pagkapahiya.

Habang papasok ng bahay ay hawak ni Greg ang kaniyang kamay.

“Mahal, simula nang walang-wala ako at naghihikahos sa buhay ay ikaw na ang naging inspirasyon ko. Kapag napanghihinaan ako ng loob ay ikaw ang nagpapalakas sa akin. Kapag niyayaya ako ng barkada at napapasobra ng inom at hindi nakakapag-review sa exams ay ikaw ang nagpapaalala sa akin kung ano ba talaga ang gusto kong marating sa buhay. Wala na akong mahihiling pa, mahal kung hindi ang makasama ka habangbuhay at ibigay sa iyo ang lahat ng mga bagay na deserve mo,” maluha-luha pa si Greg nang iabot sa kaniya ang mga regalo nito at ang hawak na bulaklak.

Pagbukas niya ng mga regalo’y tumambad ang mamahaling bag at sapatos.

Hindi siya makapaniwala na sa linis ng intensyon ng mister ay pinag-isipan pa niya ito ng masama. Grabe ang nararamdaman niyang kunsensiya sa sarili.

Maya-maya pa’y may inabot pa itong isang regalo na nasa loob ng maliit na kahon.

Pagbukas niya nito’y napanganga siya sa nakita.

Isang susi na nakakabit sa isang keychain na hugis bahay.

Agad ding inabot ni Greg ang isang papeles na nagpapakitang nakapangalan ang bahay sa kaniya.

“Lahat ng pera na nasa bank account natin ay sa iyo lang, mahal. Bilhin mo ang lahat ng gusto mo. Patawarin mo ako kung hindi ko sinabi sa iyo kaagad. Kinuha akong stockholder ng big boss natin sa ating kumpanya. Isa na tayo sa may-ari nito. Malaking halaga din ang nagsimulang pumasok sa akin mula noong pirmahan ko ang kontrata. Lahat ng pangarap natin ay matutupad na, mahal ko.”

“Greg… Patawarin mo ako… Nagselos ako kay Kim at akala ko’y may relasyon kayo at para sa kaniya ang mamahaling bag at sapatos na binili mo,” lumuluhang tugon ni Nancy.

Napalitan naman ng halakhak ang pagluha ni Greg.

“Ang sakit ng tiyan ko, mahal! Parang bunsong kapatid na ang agwat ng edad namin ni Kim! Sa kaniya ko binili ang bag at sapatos na binigay ko sa iyo dahil direkta iyan sa manufacturer nila sa Amerika! Dapat nga ay sa Canada ako bibili ngunit malaki pa ang babayaran kong tax kaya’t sa kaniya na ako kumuha,” pagpapaliwanag ng asawa.

“Oo, mahal. Na-gets ko naman. I’m so sorry. Huwag kang mag-alala, mahal. Magpapaganda na ako at magpapaseksing muli para hindi ko na ito maramdaman ulit. I love you, Greg. Mula noon, hanggang ngayon… Mas lalo pa kitang minamahal…”

“Huwag mo ngang minamaliit ang sarili mo, Mrs. Nancy Santellices! Kung tutuusin ay mas maganda at mas seksi ka sa kahit sino pang modelo! At ako lang ang puwedeng makakita ng kaseksihan mo kahit kailan ko gusto!” paglalambing pa ng asawa.

Hindi lamang mga pangarap ng mag-asawa ang kanilang natupad kundi pati na rin ng kanilang mga magulang. Sa laki ng kinikita ni Greg ay napagpasyahan nilang mag-resign na si Nancy at magpokus na lamang ito sa pag-aalaga sa asawa.

Hindi maaalis sa buhay mag-asawa ang mga pagseselos at kaunting pagtatalo ngunit ang mahalaga’y magkasama ninyong haharapin ang mga hamon ng buhay at magkasama ring magtatagumpay.

Makalipas ang isang taon ay nagluwal si Nancy ng isang napakaganda at lusog na batang babae.

More Stories