Inday TrendingInday Trending
Pinanindigan ng Dalaga ang Pagmamahal sa Nobyo Kahit Hikahos ito sa Buhay, Di Niya Alam na Jackpot Pala Siya Dito

Pinanindigan ng Dalaga ang Pagmamahal sa Nobyo Kahit Hikahos ito sa Buhay, Di Niya Alam na Jackpot Pala Siya Dito

Dalawang taon na ang nakalilipas nang magtapos sa kolehiyo si Gianna, kasabay niyang gumraduate ang kanyang nobyong si Samuel. Kahit pa tatlong taon na silang nagmamahalan kailanman ay hindi pa siya nadala ng lalaki sa bahay ng mga ito.

Wala raw kasing tao roon at ayaw ng lalaki na mapag-isipan sila ng di maganda. Nirerespeto niya ang nobya kaya di niya ito iniuuwi sa bahay.

Nasa Middle East ang mga magulang ni Samuel at parehong OFW. Ayon sa lalaki ay napakahirap ng buhay ng mga ito at kaya nakapasok sa pribadong kolehiyo ay dahil sa scholarship at matinding pagbabanat ng buto ng mga magulang nito.

“Ano?! Inalok ka niyang magpakasal?!” pabulyaw na tanong ng ate ni Gianna. Hindi alintana na nasa kusina sila ngayon at nasa salas lang si Samuel kaya siguradong naririnig sila nito.

Nakangiting tumango si Gianna.

“At pumayag ka naman Gia?!” nanlalaki ang matang sabi nito. “Syempre, mahal ko si Sam ate!” masayang tugon niya na nakahawak pa sa dibdib at nagbabalik tanaw sa nangyari kanina nang lumuhod si Samuel sa kanyang harapan at alukin siyang maging misis nito- na buong puso niyang tinanggap.

“Aatakihin ang mommy sayo, Gia. Kaya ka namin hindi pinalalayo sa hampaslupang yan kasi akala namin pinaglalaruan mo lang siya at di ka seryoso. Ni walang kotse ang taong yan!” saway nito.

“Alam mo ate hindi ko maintindihan sa inyo ni Mommy kung bakit nyo sinusukat ang pagkatao ayon sa katayuan sa buhay. Mabuti si Sam, masikap at mahal nya ako.” sabi niya. Bago siya tumalikod ay muling nagsalita ang kapatid.

“Sige, tignan natin kung saan ka pupulutin ng pagmamahal mo. Sabihin mo yan ulit sa akin kapag nalosyang kana at di na niya maibigay ang luho mo. Saan ka ititira niyan, sa squatter’s area? Diba taga dun sila? Kaya mo lang naman naging classmate sa private school yan kasi scholar, diba?” pang uuyam nito na di na niya inintindi.

Dire-diretso siya sa salas at kinuha ang kamay ng nobyo. Gulat ang lalaki pero sumunod lang ito sa kanya. Nakasakay na sila sa jeep nang magsalita ito, nakasandal siya sa balikat nito.

“Baby, saan tayo pupunta?” tanong nito. Di niya alam pero parang nakangiti ito at itinatago lang sa kanya.

“Di ko alam. Kahit saan. Basta sakay lang tayo, may dala naman akong cash.” sabi niya, totoo naman yun. Kahit limang oras silang sumakay ng jeep ay may pambayad siya dahil mayaman sila. Kaya nga ganoon na lang ang reaksyon ng ate niya nang malamang sa isang mahirap niya napiling magpakasal.

Natitigan niya ang nobyo, kahit pa dukha ito ay makinis ang kutis. Napaka-gwapo at di sasabihing naghihirap sa buhay. Sabagay, ganoon naman kasi si Samuel, kaya nitong itago ang mga nararamdaman. Napaka-masikap nito at ma-tyaga.

Mataas ang pangarap para sa kanilang dalawa at ang pinakaimportante sa lahat, mataas ang respeto sa kanya. Di tulad ng ibang lalaki na dahil mayaman ay akala mo kaya nang bilhin ang lahat. Inis na inis siya sa mga ganoon. Nagulat siya nang parahin na ni Samuel ang jeepney sa tapat ng isang exclusive na subdivision. Mas mahal ang mga bahay rito kaysa sa subdivision nila.

“Baby, ano’ng gagawin natin dito?” takang tanong niya.

“Maglalakad-lakad lang,” sabi nito at tinanguan ang guwardyang nakabantay sa entrance ng malaking gate.

“Good evening Ser,” sabi ng guard.

“Kilala ka niya?” takang tanong pa rin ni Gianna.

“Ah, oo. Dito ako… naglalako ng banana cue kapag summer vacation natin.” sabi nito.

Natahimik naman si Gianna, banana cue sa isang exclusive subdivision? Talaga ba?

Maya-maya pa ay tumigil sila sa isang napakalaking bahay at sinalubong ng isang kasambahay.

“Hi Sir Sam, siya po si Ms. Gianna?” sabi nito. Ngumiti naman ang lalaki at inakay na siya sa loob, ano ba ang nangyayari? Di ba’t sa iskwater nakatira sina Sam? Iginiya siya nitong maupo sa salas. Maya-maya pa ay may dalawang may edad na mag-asawa ang lumapit sa kanya, nakakahawig ni Samuel ang mga ito.

“Aba ito pala ang mamanugangin namin, matagal ka nang ikinukwento ni Sam hija, nice meeting you.” hinalikan pa siya sa pisngi ng matandang babae.

Naguguluhang napatingin siya sa nakangiting nobyo, mahihimatay yata siya! Pinagloloko siya ni Sam!

“Pasensya ka na sa anak namin. Ganyan talaga iyan, ayaw niya nang nalalaman ng ibang tao ang estado niya sa buhay dahil doon niya lamang daw masusukat kung sino ang totoo at sino ang hindi.” sabi naman ng matandang lalaki.

“At totoong totoo ang misis ko, ‘ma, ‘pa.” proud na sabi ni Sam at inakbayan pa siya. Lahat ng pagdududa ni Gianna ay napalitan ng kilig. Matalino talaga si Samuel!

Nang gabing iyon ay sa ibang kwarto siya pinatulog ng nobyo, kahit nabulgar na ang pagkatao nito ay isa lang ang natiyak ni Gianna, ang pagiging mahirap lamang nito ang pineke ng lalaki pero ang respeto at pagmamahal sa kanya ay ganoon pa rin. Kinabukasan ay agad na nagpunta sa huwes ang dalawa upang magpakasal.

Makalipas ang tatlong buwan, nagpakasal sila sa simbahan.

Maligaya si Samuel, nakahanap siya ng babaeng busilak ang puso, hindi tumitingin sa katayuan niya sa buhay. Kahit pa ang buong akala nito ay sa papag niya lamang kayang patulugin, hindi siya nito iniwan. Kaya nangako siyang habangbuhay niyang pagsisilbihan at gagawing reyna ang kanyang misis.

Advertisement