Inday TrendingInday Trending
Tinanggihan ng Dalaga ang Pag-Ibig ng Binata; Labis Niya Pala Itong Pagsisisihan sa Paglipas ng Panahon

Tinanggihan ng Dalaga ang Pag-Ibig ng Binata; Labis Niya Pala Itong Pagsisisihan sa Paglipas ng Panahon

“Oy Jezz, nakatingin na naman sayo ‘yung lalaki yun oh,” sabi ng kaibigan at kaklase niya sa kaniya sabay turo sa isang lalaking may hawak na gitara.

Tumingin naman agad si Jezz sa direksyon na itinuro ng kaibigan. Halos mabingi ang dalaga sa lakas ng tibok ng kaniyang puso nang magtama ang kanilang mga mata at ngumiti sa kaniya ang binata.

“Oh my gosh, namumula ka! Does that mean na may gusto ka sa freak na iyon?” maarteng komento at tanong ng isa niya pang kaibigan nang mapansin ang kaniyang mapupula.

Agad naman itong itinanggi ng dalaga, “A-ano? Hindi ah! Mainit lang kaya siguro namumula ako. Alam niyo naman ang mga mestiza.”

Binilisan na lamang ni Jezz ang paglalakad upang makaiwas sa lalaki at sa mga tukso ng mga kaibigan.

Madalas nilang niyang mapansin ang lalaki na nakatingin sa kaniya saka ngingiti. Hanggang sa nilapitan siya nito at nagpakilala. Noong una ay ayaw niya rito. Hindi kasi siya sanay sa ibang tao maliban sa mga kaibigan at kaklase niya.

Pero habang tumatagal ay nahuhulog na rin ang loob niya sa binata dahil sa mapabait, sweet at maalaga ito. Bonus na lamang na may itsura at magaling ding mag gitara. Perfect na sana ang lahat kaso, ang pakiramdam ng dalaga ay may isang malaking pader na nakapagitan sa kanila.

Galing kasi siya sa isang mayamang pamilya. Pati na rin ang kaniyang mga kailbigan.

Pagtatawanan siya ng mga ito sa oras na malaman nila na may gusto siya sa isang mahirap na tao. Alam niya rin na hindi makakapayag ang kaniyang mga magulang na makipagrelasyon siya sa hindi nila kauri.

Mababaw na kung mababaw pero natatakot siyang husgahan ng lahat. Ito ang rason kung bakit inililihim ni Jezz ang kaniyang nararamdaman para kay Adeson.

“Matagal na akong may gusto sa’yo. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na umamin sa’yo kasi baka ito na rin ang huli kong pagkakataon na masabi sa’yo ang nararamdaman ko,” puno ng emosyong pahayag ni Adeson sa dalaga. Halata rin sa boses ng binata na kinakabahan ito.

Hindi alam ng dalaga pero nakipagkita na lamang sa kaniya si Adeson isang araw at biglang umamin sa kaniya. Isa sa mga araw na hindi niya makakalimutan at pagsisisihan sa buong buhay niya.

“Nakakahiya man dahil alam kong napakalayo ng agwat natin sa isa’t isa. Sabi nga sa kanta; langit ka, lupa ako. Alam ko ‘yon pero naglakas loob ako kasi alam ko sa sarili ko na sobra kitang mahal at ayokong may pagsisihan sa huli. Kahit man lang ang masabi sayo ng harap-harapan na mahal kita ay sapat na sa’kin,” madamdaming dugtong pa ni Adeson.

Walang ibang nasabi si Jezz sa binata kundi, “I’m sorry.”

Gusto niyang tanggapin ang pag-ibig nito pero isa siyang duwag. Natatakot siya sa sasabihin ng ibang tao. Mahal niya rin si Adeson pero mas pinili niyang pakawalan ito.

Kinuha ni Jezz ang cellphone niya na kanina pa nagriring sa lamesa at sinagot ito.

“Hello?” sagot niya sa telepono.

“Hello girl? Buksan mo ang TV bilis!” halos tumili na ang kaibigan niya sa sobrang kasabikan nito.

“Ha? Bakit ba?” tanong niya naman dito.

“Basta buksan mo na lang! Bilis!” utos pa nito sa kaniya. Wala naman siyang nagawa kundi buksan ang TV gawa ng utos ng kaibigan niya.

Nanigas siya ng makita kung sino ang nasa TV at kasalukuyang ini-interview.

“Hello? Na buksan mo na ba? Nakita mo na? Hindi ba siya yung freak na may gusto sa’yo dati? OMG ang gwapo niya na! At napaka successful pa!” halos hindi na maintindihan pa ni Jezz ang sinasabi ng kaibigan dahil sa sobrang pagkabigla at lakas ng pintig ng puso niya.

Ilang taon na ang lumipas simula nang huling magka-usap sila ni Adeson. Simula nang araw na umamin ito sa kaniya at tinanggihan niya ay hindi niya uli ito nakita. Wala na rin siyang naging balita pa sa binata.

“Napakabata mo pa pero sobrang successful mo na. Maaari mo bang maikwento sa amin ang sikreto mo at kung paano mo narating ang iyong tagumpay?” nakangiting tanong ng babaeng host ng programa kung nasaan si Adeson ngayon.

Tumawa muna ng mahina ang binata bago nagsimulang magkwento. Nakakuha pala ito ng offer sa abroad kaya ito nawala. Pinagsabay nito ang pag-aaral ng musika at pagtratrabaho. Likas na masipag talaga ang binata kaya naman hindi nakapagtataka na malayo ang narating nito.

Sa murang edad ay nakapagpatayo na ito ng isang record label na siyang nangunguna ngayon sa industriya. Napahanga niya ang lahat sa kaniyang angking talento hindi lang sa musika kundi pati na rin sa pamamahala ng isang kompanya.

Napangiti na lamang siya sa narinig sa dating minamahal. Pinagmasdan niya ang nakangiting mukha nito. Alam niyang wala siyang karapatan pero sobrang proud siya sa narating ng binata.

Matapos niyang tanggihan ang binata ay sobra niya itong pinagsisihan. Labis siyang nalungkot at pinagsisihan na mas pinanaig niya ang takot kaysa sa pag-ibig niya sa binata.

Sinubukan niya itong hanapin upang maitama niya ang kaniyang mali pero nabigo siya dahil hindi niya na uli pa nakita ang binata.

“Honey?” tawag sa kaniya ng lalaking kararating lang. Mabilis niyang isinara ang TV at masayang sinalubong ang asawang kararating lang sa trabaho.

Maya-maya lang ay maririnig ang pagtawag sa kaniya ng bagong gising na anak galing sa silid nito. Agad naman itong pinuntahan ng mag-asawa upang patahin at laruin. Isang larawan ng isang masayang pamilya.

Labis mang pinagsisihan ni Jezz ang naging desisyon na noon; nagawa niya pa ring makahanap muli ng bagong kaligayahan. Ipinangako niyang sa pagkakataong ito ay magiging matapang na siya at gagawin ang lahat upang maprotektahan ay kaligayahang mayroon siya, ang kaniyang bagong pamilya.

Advertisement