Inday TrendingInday Trending
May Misteryong Tinatago ang Kumpanyang Ito, Ilang Empleyado na Pala ang Kata-takang Nawawala sa Isang Madalim na Warehouse

May Misteryong Tinatago ang Kumpanyang Ito, Ilang Empleyado na Pala ang Kata-takang Nawawala sa Isang Madalim na Warehouse

“Uy, may namatay na naman daw sa warehouse. Natulog lang dahil night-shift, ayun ‘di na nagising.” Kalat na naman ang balita na may namatay umano sa isang kumpanya matapos matulog nito sa misteryosong warehouse ng Jinju Company. Bali-balita kasi na may ligaw na kaluluwa daw doon at sinumang subukang matulog sa warehouse na ‘yun ay hindi na kailanman nagigising. Kaya naman dala ng kuryosidad, ay nag-apply ang magkakaibigang Vanessa, Clinton at Yuel sa Jinju Company. “Seryoso ba kayo dito? Nakakatakot ‘tong company na ‘to. Sa iba nalang tayo mag-apply,” ika ng duwag na si Clinton. “Hindi, okay lang ‘yan. Tignan lang natin kung totoo talaga ‘yung chismis,” sagot ni Vanessa. “Oo nga, tsaka ‘yun nga yung magiging thrill sa trabaho natin. Sisipagin tayong magtrabaho,” nagtawanan ang tatlo sa sinabi ni Yuel. Isang buwan ang hinintay ng tatlo upang ma-assign sa night shift. Dahil maloko ang tatlo ay nag-isip silang bumili ng sleeping pills upang ipainom sa kasamahan nila. “Testing lang naman eh,” ika ni Vanessa. “Sure kayo? Paano kung mamatay nga si Paolo?” nerbyos na tanong na naman ni Clinton. “Hindi ‘yan nakabantay naman tayo eh,” sabad na naman ni Yuel. Itinuloy ng tatlo ang plano. Pinainom nila ng pampatulog ang kasamahan sa trabaho na si Paolo. Ilang minuto lang ay nakatulog na agad ito. Hinila nila ito papunta sa warehouse. Pagkatapos noon ay nagtungo sila sa isang tabi at pinagmasdan kung anong mangyayari dito. Kinakabahan na si Clinton, tila gusto niyang maihi at gisingin si Paolo pero matigas ang ulo ng dalawa at pinigilan ang kaibigan. Hanggang sa may marinig silang mga kalampag. Saktong umuulan pa ng lamakas nang gabing iyon kaya saktong-sakto para sa magkakaibigan na alamin ang katotohanan. “Saglit, maiihi na talaga ako,” hindi na nagpapigil si Clinton at nagtungo na ng banyo. Sa kanyang pagbabalik ay wala na doon ang dalawang kaibigan. “Vanessa? Yuel?” tawag niya sa mga ito. Talagang kinakabahan na siya. Isang malakas na pagkalampag ang umagaw ng atensyon ng lahat ng empleyadong nasa panggabing shift. Lahat sila ay napatakbo sa madilim na warehouse. Doon ay nakita ni Clinton ang dalawang kaibigang nakahandusay na sa semento at hindi na humihinga. Taranta niyang pinuntahan ang dalawang kaibigan. Agad sinugod sa ospital ang mga ito. Tinanong naman siya ng team leader nila kung anong nangyari kinunuwento niya ang lahat. Ngunit isang kagimbal-gimbal na katotohan ang sumiwalat sa kanya. “Wala kaming empleyadong pinapapunta malapit sa warehouse. Pinagtataka ko kung sino ‘yung sinasabi mong Paolo dahil base sa record ay wala ring Paolo na hired sa company.” Kinikilabutan si Clinton habang nakikinis sa sinasabi ng team leader, maya-maya pa’y isang matandang empleyado ang nagsalita, “Ang alam ko, Paolo daw ‘yung nagmumultp d’yan. Namatay daw ‘yun dahil nabagsakan ng machine ‘yung ulo. Hinid matahimik dahil hindi daw makatarungan ang ginawa ng kumpanya sa pamilya. Hindi na nga sapat ang binayad, binaliktad pa sila sa korte.” Muntik nang himatayin si Clinton sa lahat ng narinig. Yung Paolo na gusto nilang biktimahin ay siya palang bibiktima sa kanila. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba. Para sa mas maraming update, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement