Sinilipan ng Lalaki ang Kaeskuwela Gamit ang Kaniyang Cellphone; Digital din Pala ang Karma Niya

Sinilipan ng Lalaki ang Kaeskuwela Gamit ang Kaniyang Cellphone; Digital din Pala ang Karma Niya

InspiringKarmaStories

Napapangisi si Paul habang sinisipat mula sa camera ng kaniyang cellphone ang ilalim ng palda ng isa sa kaniyang mga kaeskuwela. Ginagamit niya ang mirror mode ng kaniyang camera upang makapangboso laloʼt kay iiksi na ng palda ng mga estudyanteng babae ngayon sa kanilang paaralan.

Tuwang-tuwa si Paul. Nakipag-high five pa siya sa mga kaibigang sina Marco at Rendel dahil may panibago na namang madaragdag sa kanilang koleksyon ng mga litrato ng pang-ilalim ng mga babae.

Madalas nila itong gawin sa canteen. Si Paul ang palaging pasimuno, habang taga-tawa lang ang dalawa pa niyang kasama.

“Wow, pare, ang puti!” komento ni Paul nang makita ang namimintog na hita ng na-picture-an nilang dalagita.

“Oo nga. Ligawan mo na agad nang makaisa ka!” kantiyaw naman ng kaibigan niyang si Marco habang tatawa-tawa lamang naman si Rendel.

“Burahin nʼyo ʼyan!” isang tinig ang agad na nakapagpalingon sa tatlong mamboboso. Paglingon nila ay nakita nilang nagpupuyos sa galit ang isa sa kanilang mga kaeskuwela. Si Gian.

“Huwag mo nga kaming pakialaman. Umalis ka rito, pare, kung ayaw mong masaktan,” ngunit imbes ay banta ni Paul sa kaniya.

Tila naman hindi natatakot si Gian sa ginagawang pagbabanta ng kaeskuwela. Mali ang ginagawa ng mga ito kaya nang makita niya iyon kanina ay agad niya silang sinundan.

Nagpambuno ang apat. Tatlo, laban sa isa. Kahit gaano kalakas si Gian ay wala siyang nagawa nang pagtulungan siya ng tatlong kaeskuwelang ‘di hamak mas malalaki sa kaniya. Tatawa-tawa pa ang mga ito nang iwan nila siya sa locker room ng kanilang eskuwelahan.

Ngunit hindi papayag si Gian nang ganoon lang. Ang babae kasing kinuhanan nila ng litrato sa pang-ibaba ay nakababata niyang pinsan, kaya ganoon na lamang ang pagpupuyos ng galit sa dibdib ng binata. Agad siyang dumiretso sa office of the principal upang ipagbigay alam ang ginagawang kalokohan nina Paul, Marco at Rendel tuwing sasapit ang recess sa kanilang schoolʼs canteen. Siksikan kasi roon kaya mahirap mapansin kapag may ginagawang ganito ang ibang estudyante.

“Mabuti na lamang at maganda ang anggulo ng ating CCTV at talagang kitang-kita nito ang ginagawang kalokohan ng mga batang ʼyan!” nangangalit na anang kanilang principal. Pati ang mga nakaaalam na guro at guidance councilor ay napapailing.

“Ang babata pa ng mga ʼyan pero ganiyan na ang utak nila! Paano pa kaya pag sila ay mga nagsipag-edaran na?” Nasapo ng kanilang adviser ang kaniyang noo.

Binalingan naman ng principal nila si Gian. “Tama ang ginawa mo, hijo. Tamang hindi ka nanahimik s mga nakita mo. Proud ako sa ʼyo,” anang kanilang principal sa kaniya.

“Ginawa ko lang po ang tama. Ayaw ko hong maranasan ng kahit sinong babae ang ganoong uri ng kabastusan. Nagkataon ho na pinsan ko iyong huli nilang binobosohan kaya pumalag po kaagad ako,” wika pa ni Gian na tinanguan naman ng kausap.

Matapos iyon ay ipinatawag na sina Paul, Marco at Rendel tungkol sa naturang insidente. Hindi na sila nakatanggi pa nang iharap sila mismo ng prinsipal, sa video na siyang kuha ng CCTV sa canteen. Nakadagdag kahihiyan pa sa kanilang tatlo dahil ipinakita rin ng principal nila ang mga kalokohang ginagawa nila sa kanilang mga magulang.

Bukod pa sa pamboboso ay maparurusahan din sila dahil sa pambubugbog nila kay Gian.

Napagpasiyahan ng eskuwelahan na silaʼy patalsikin na lamang sa paaralang iyon bilang kaparusahan.

Samantala, hindi pa roon nagtatapos ang karma nina Paul, Marco at Rendel, dahil mabilis na kumalat ang balita sa buong eskuwelahan. Naging usap-usapan sila sa kani-kaniya nilang mga lugar pati na rin sa social media, bilang mga mamboboso.

Napakahirap nang bawiin ang nangyaring iyon kaya naman halos hindi na makalabas sa kani-kaniya nilang bahay ang tatlo. Malaki ang pagsisising ginawa nila ang bagay na ʼyon.

Kung tutuusin ay nakarma lamang naman sila sa kanilang ginawa. Digital ang ginawa nilang pamboboso kaya naman digital na rin ang karma nila ngayon. Napakalaking kahihiyan para sa kanilang mga pamilya ang ginawa nilang tatlo.

Samantala, puring-puri naman ng kaniyang mga guro, kapamilya, kaeskuwela at mga kaibigan si Gian. Isa itong tunay na lalaki sa kanilang paningin dahil nagawa nitong hindi magpadaig sa takot kahit pa tatlong malalaki ang kaniyang kalaban. Hindi man siya nagtagumpay sa tangkang pagpigil sa mga ito noong una ay matalino siyang nag-isip ng iba pang paraan. Sana ay dumami pa ang mga katulad ni Gian habang masupil naman ang mga kagaya nina Paul, Marco at Rendel.

More Stories