Hindi Raw Pasok sa Banga ang Babae na Makahanap ng Trabaho Online; Gugulatin Niya ang Lahat Nang May Foreigner sa Bahay Niya
“Grabe, Julia, isang buwan ka palang may trabaho pero parang ang yaman-yaman mo na! Iba talaga kapag magagaling, trabaho ang lumalapit,” mangha ni Fina na kapitbahay ng babae nang matanggap ni Julia ang package niya mula sa online shopping.
“Hay naku, sinabi mo pa, nung matanggap ako sa work from home na pinag-aapplyan ko ay naglabas talaga ako ng pera kasi alam mo ‘yun, sayang naman ‘yung talino ko tapos hindi ko nagagamit lalo na ngayong pandemya. Buti na lang talaga ang bilis ko nakakahanap ng trabaho,” malakas na sagot nito at sa labas na rin binuksan ang order niya.
“Ito nga oh, bumili ako ng bagong laptop!” mas malakas pa niyang banat at sabay tawa rin nito.
“Paano ba mag-apply sa mga ganyan, Julia? Pwede mo ba akong matulungan?” mahinang tanong ni Lucy, isa pang kapitbahay ng babae na kanina pa nakatitig sa kanila.
“Naku, Lucy, pasensya ka na pero pakiramdam ko hindi ka pwede sa mga remote job kasi dapat marunong kang mag-English, marunong kang gumamit ng laptop kasi mga foreigner ang kausap mo. Kaya baka masaktan ka lang kasi ‘yung sinasabi nilang para sa lahat naman daw ang online job ay hindi yun ang totoo, hindi talaga! Para lang ‘yun sa mga taong nasa lebel ko,” mabilis na sagot niya rito.
“Hoy, ‘wag mo naman sanang masamain pero marami kasi talaga akong nababasa na sumusubok sa ganito. Nangungutang pa pambili lang ng laptop tapos nag i-enroll sa mga iscam na tutorial pero ang totoo niya ay hindi naman talaga kailangan ng ganoon! Kaya ayon, Lucy, maglaba-laba ka na lang mas sigurado pa ‘yung pera mo sa ganoon,” dagdag pa nito.
“Undergrad naman ako kahit papano, Julie, lumandi lang talaga ako nang maaga,” birong sagot naman muli ng babae at mas namangha pa siya lalo nang makita na ang laptop ng babae.
“Ayun na nga, maraming kang kalaban, mga graduate, mga marami nang experience kaya mahihirapan ka lang,” sagot muli ni Julia sa kaniya at mabilis na kinuhanan ng litraro ang kaniyang bagong laptop.
“Pero baka may hiring kayo, baka pwede kong subukan, Julia, alam mo na, baka matutulungan mo ako,” hindi pa rin sumusukong banat ni Lucy rito.
“Sige, tulungan kita,” natatawang sagot ni Julia at mabilis na itong pumasok sa kaniyang bahay.
Ilang araw pa ang lumipas at paulit-ulit na nanghingi ng tulong si Lucy sa kaniya ngunit wala siyang nakuhang sagot dito kung ‘di maghanap lamang daw ng hiring online.
Hanggang sa makalipas ang limang buwan ay napapansin nilang sunod-sunod ang package na dumarating kay Lucy.
“Julia, mukhang may bago kang jowa! Hulaan ko, foreigner ano? May isang Pinay na naman pong nakaahon sa hirap!” mabilis na pahayag ni Julia sa kaniya at nagtawanan ang ibang kapitbahay na nakatingin lang din sa mga pinipirmahang papeles ng babae.
“Grabe kayo sa akin! Pinagpala lang, may trabaho na rin kasi ako,” nahihiya pang sagot ng babae sa kaniya.
“Work from home? Talaga ba? Anong trabaho? Paano ka na-hire? Magkano rate mo? Anong bansa?” sunod-sunod na tanong ni Julia sa kaniya sabay taas ng kilay.
“A, oo, itong mga ‘to, ‘yung kompyuter ko at lahat ng gamit ko ay bigay sa akin ng boss ko,” ngiting sabi ni Lucy at pumasok na ito.
“Totoo ba ‘yun, Julia? May ganoong mga kliyente? Bakit ikaw, bumili ka? Ibig sabihin ba nun mas maganda ang trabaho ni Julia kaysa sa’yo?” mabilis na tanong ni Fina sa kaniya.
“Naku, maniwala ka roon. Baka kamo naghuhub*d na siya sa camera, hindi ako naniniwalang may trabaho ‘yan na katulad ng sa akin. Inggit lang ‘yan sa aking si Lucy,” balik kaagad ng babae at mabilis na pumasok sa kanilang bahay. Agad-agad niyang hinanap ang profile ng babae ngunit wala naman siyang nakita kaya naman alam niya sa sarili na nagloloko lang ito.
Kaya naman kaagad niyang sinisiraan ito kapag hinahangaan ng ibang kapitbahay nila hanggang sa tumagal ito ng ilang taon pa at tila marami nang napupundar ang babae at mukhang mas marami na rin itong pera sa kaniya.
“Hoy, Julia! Gising! May mga ‘Kano sa bahay ni Lucy!” wika agad ni Fina sa telepono nang sagutin niya ito. Hindi nagsalita ang babae at kaagad na sinilip ang kapitbahay. Kaagad siyang lumabas at hinintay na makita ang mga bisita ni Lucy. Mabilis na ngumiti si Julia nang magtama ang tingin nila ng ‘Kanong bisita ng kapitbahay.
“Hello there, thank you all Filipinas! You are great!” sigaw ng ‘Kano at kumaway sa kaniya at tuluyan na itong umalis.
“Lucy, ano ‘yun? Jowa mo!?” pang aasar na tanong ni Julia sa kanya.
“Hindi, boss ko ‘yun. May meeting sila rito sa ‘Pinas at sinadya niya akong makita para daw malaman niya paano ako nakakapagtrabaho. Kaya ito, binigyan niya ako ng condo unit na pwede ko raw tirahan habang empleyado niya ako. Grabe, ang lakas ko sa Panginoon,” naluluhang siwalat ni Lucy sa kanila.
Doon na napalunok ng laway si Lucy at tuluyang natahimik. Natuklasan na rin niya sekretarya pala si Lucy ng isang magaling na abogado sa ibang bansa at tuwang-tuwa raw ang mga ‘Kano sa pinapakitang trabaho at dedikasyon ng babae kaya naman marami itong bonus.
Nanliit si Julia dahil ang totoo ay napakaliit lang ng sweldo niya ngayon kumpara sa nakukuha ng kapitbahay niya pero napakasimple lang nito. Simula noon ay hindi na niya pinag-initan pa ang kapitbahay dahil alam niya sa sarili na napakalayo pa niya at mas marami siyang yabang sa kaniyang katawan.