Inday TrendingInday Trending
Ikinagulat ng Buong Barangay ang Lihim ng Isang Matandang Hindi Tinatablan ng Malas

Ikinagulat ng Buong Barangay ang Lihim ng Isang Matandang Hindi Tinatablan ng Malas

Maraming kasabihan sa Brgy.Batong Dalig. Ang ilan ay tila napaka imposible na pero ang paniniwala ni Lyn, isang dalaga na nakatira kasama ang nanay niya at mga kapatid, ay wala namang mawawala kung susundin iyon. Sabi nga nila, wala namang usok kung walang apoy kaya marahil ay may mga patunay na ng pwedeng mangyari kung hindi susunod sa mga paniniwala. Ang kapitbahay nilang si Aling Alice ay sunud sunod ang dagok sa buhay, naaksidente ang anak nito sa abroad kaya kailangang umuwi, at ngayon ay hindi makapag apply dito sa Pilipinas dahil hindi pa magaling ang paa, nalugi rin ang tindahan ni Aling Alice at iniwan siya ng mga kamag anak na dati’y kapit tuko sa kanya noong maigi igi pa ang kanyang buhay. Sabi ng nanay ni Lyn, dahil raw siguro iyon sa pagwawalis nito sa gabi. Metikulosa si Aling Alice at palaging naglilinis ng bahay, siguro raw ay nawalis nito palabas ang swerte. Alas otso ng umaga, Sabado noon nang magising si Lyn dahil sa kanyang ina, excited itong nagbalita sa kanya, “Dumating na yung nakabili ng bahay diyan sa kabila. Matandang babae, ang anak raw ay nasa Amerika.” pagbabalita ng ina, dahil maliit lang ang barangay nila ay tila ba napakasaya ng mga tao rito na makakita ng bago, at isa na ang kanyang ina doon. Tila ba obligasyon na nilang kilalanin ang isa’t isa. Palangiti ang bago nilang kapitbahay, si Aling Belen. Mag isa lang ito dahil nabiyuda ito anim na taon na ang nakararaan, sabi ng mga kabarangay ni Lyn. Bihirang lumabas ang matanda, nawiwili na ito sa loob ng bahay, minsan ay namamataan niyang nagwawalis ng bakuran o kaya naman ay nagdidilig ng halaman. Mahilig rin magvideoke ito, isang hapon habang nagmemeryenda si Lyn at ang kanyang pamilya ay kinilabutan sila. “And now, the end is near, and so I face…the final curtain..” Ang kantang iyon! Hindi ba’t isang killer song? Marami nang nabalita sa TV na namatay matapos kantahin at marinig yon. Tila ba hindi lang sila ng kanyang pamilya ang nagimbal sa nangyari dahil maya maya ay pumunta na ang kapitbahay nilang si Lolit sa kanila. “aling Erli, naririnig nyo ho ba?” nanlalaki ang mata nito. “Oo, hindi yata nanonood ng TV iyang si Belen, delikado ang buhay niya.” Nag antanda pa ng krus ang nanay niya. “Nay, baka naman nagkataon lang iyon?” Bagama’t kinakabahan rin ay napag isip rin ni Lyn na paano naman nakamamatay ang kanta? “Carlinda! Kapag narinig ang kantang yan ay namamatay ang tao. Diyos ko po sana naman ay huwag tayong madamay.” Kabadong sabi ng nanay niya. Ilang araw, tuwing hapon ay palaging kinakanta iyon ni Aling Belen. Naging usap usapan ito sa barangay nila, ngunit walang makapagsabi dahil natatakot na baka sumama ang loob ng kapitbahay, o baka natatakot masisi kung may mangyaring masama rito. Minsan, kung ano ang akala mong kahinaan ay iyon pala ang maituturing mong lakas. Sabi nila, nakakamatay kapag narinig mo ang kantang iyon, totoo man o hindi, may lihim ang matanda na hindi nila alam. Kung paulit ulit mang kantahin ang My Way ay hinding hindi tatablan si Aling Belen ng sumpa nito, dahil… BINGI SIYA. Ibahagi sa amin ang inyong opinion sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, I-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement