Inday TrendingInday Trending
Pinahiya ng Isang Pa-sosyal na Matanda ang Crew ng Isang Fastfood, Tinamaan Siya ng Matinding Karma

Pinahiya ng Isang Pa-sosyal na Matanda ang Crew ng Isang Fastfood, Tinamaan Siya ng Matinding Karma

Isa si Abigail sa mga masisipag na crew ng isang fastfood chain sa Taguig. Dahil sa kasipagan niya ay palagi siyang napaparangalan bilang “Employee of the Month.” “Thanks for coming po! Please come back again!” puno ng enerhiya niyang bati sa mga customers. Isang araw bago pumasok ay may kinaharap na problema si Abigail. May sakit kasi ang bunsong kapatid niya at wala pa rin ang pangalawang kapatid niya para magbantay dito. Isang taon nang ulila ang tatlong magkakapatid na Abigail, Alex at Aireen. Siya ang tumatayong bread-winner ng pamilya. Simula nang mamatay ang mga magulang ay siya na ang naging nanay at tatay ng mga kapatid. Kaya kapag nagkakasakit ang isa sa mga ito ay dala-dala niya ang pag-aalala hanggang sa trabaho. Kakaumpisa palang ng araw ay may mga maling nagawa na si Abigail. Tila nawawala siya sa sarili kakaisip sa bunso nilang maysakit at nag-iisa. Noong araw na ‘yun ay na-assigned siya bilang cashier. Madali lang ang trabahong ito ngunit dahil tila luang siya ay nagkamali siya sa pagkwenta ng sukli sa customer. Agad itong nagalit sa kanya. “Wala ka bang utak, tonta?” “Sorry po,” hinging-paumanhin niya dito. Ngunit tila hindi marunong tumanggap ng isang simpleng pasensya ang mukhang mayaman na matanda. Pinahiya siyang muli nito at sinabihan ng kung anu-anong masasakit na salita. “Wala ka bang pinag-aralan, hija? Simpleng math lang, hindi mo pa magawa nang tama?” Hanggang sa inenglish na siya nito ay hindi puro sorry pa rin ang ginagawa niya. Pinagtitinginan na rin sila ng mga tao. “Ano? Pati ba naman English? Hindi mo pa rin maintindihan? Bobita ka talaga! Paano ka nakapasok dito?” pangungutya pa rin nito sa kanya, “Wala ka sigurong mga magulang, o kung may kapatid ka man pangit siguro ng ugali tulad mo.” Doon na nagpanting ang tenga niya kaya hindi na niya napigilan sumagot. “I used to be an HRM student with honor, but sadly a year before I graduate I had to stop my studies because my parents both died in an accident. I had to be the breadwinner of the family,” natulala ang matanda na tila hindi naintindihan ang sinabi niya. “Ngayon po ay maysakit sa bahay ang 7 taon kong kapatid at kasalukuyang walang kasama. Nagkamali po ako sa pagsukli sa inyo, pero hindi naman po sapat na rason yun para idamay ang pamilya ko dito.” Natameme ang matanda, pina-take out nalang ang order at lumabas ng restaurant. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement