Inday TrendingInday Trending
Grabe kung Magduda sa Kapwa ang Lalaki, Nagbago ang Lahat Nang Mabutasan ang Gulong ng Kanyang Bisikleta

Grabe kung Magduda sa Kapwa ang Lalaki, Nagbago ang Lahat Nang Mabutasan ang Gulong ng Kanyang Bisikleta

Ipinanganak sa mayamang pamilya si Robi kaya naman lumaki siyang nasusunod ang layaw. Hindi siya exposed sa hirap ng buhay, dahil doon ay maraming naiinis sa lalaki. Ang tingin niya kasi sa ibang tao ay sasamantalahin lang siya at peperahan kaya sa trabaho, wala siyang matatawag na kaibigan. Kahit nga sumabay sa kanyang mag-lunch ay walang may gusto.

Wala namang pakialam si Robi doon, mas gusto niya nga iyon eh. Kaysa utangan siya, sus hindi siya utu-uto ano! Hindi ba ganoon naman lahat ng tao? Kunwari ay makikipagkaibigan pero ang totoo, may motibo pala. May pakay pala kaya mabait.

Tuwing weekend ay nakahiligan na ng binata na mag-bike, sinusubukan niya kung gaano kalayo ang kaya niyang marating. Kumpleto siya sa kasuotan, tubig, cellphone at earphone lang para sa music ay masaya na siya. Umaalis siyang mag isa at di tulad ng iba na grupo-grupo kung mag bike sa mga liblib na lugar.

“Ay bwisit!” napasigaw si Robi nang bigla na lang tumabingi ang andar ng kanyang bisikleta, mahirap itong kontrolin. Saglit siyang huminto, lagot. Nanghina siya nang makita ang gulong sa unahan, napakalambot noon. Kailangang ma-bombahan kung hindi ay baka pumutok, mas malaking problema. Pag sulyap niya sa cellphone para sana ipadala nalang sa kapatid ang kanyang kotse ay walang signal.

Luminga linga siya sa paligid at wala rin siyang matanaw na gasolinahan para mapa-hanginan sana.

Wala siyang nagawa kung hindi akayin na lang ang bisikleta. May mangilan-ngilan siyang nakakasalubong na tricycle driver na nagprisintang tulungan siya at isakay ang kanyang bike pero di kinikibo ni Robi ang mga iyon.

Kunwari pa tutulong, tapos maniningil naman ng malaki. Mga buwaya, mga mukhang pera, bulong ni Robi sa kanyang sarili.

Tila sinuwerte naman siya dahil sa wakas, natanaw niya sa di kalayuan ang isang pipitsuging vulcanizing shop.

“Good morning Sir, ano hong atin?” sabi ng may edad nang bantay roon.

“Hanginan mo ang gulong sa unahan,” diretsong sabi niya rito, ni hindi man lang nagsalita na may ‘paki’. Bakit, sino ba ito para galangin niya?

Saglit na pinindot-pindot ng matanda ang gulong, tapos ay tinitigan ang bandang ilalim.

“Naku, hindi pwedeng hangin lang ito. Sisingaw rin, interior ito sir. Kailangan tapalan,” paliwanag nito sa kanya.

Sabi ko na nga ba! Kung saan kikita ng mas malaki, yun ang sasabihin. Akala ata ng gag*ong ito ay tanga ako, napapailing na sabi ni Robi sa sarili.

Di pa man din siya nakakapagsalita ay sinimulan na ng matanda na kalasin ang kanyang gulong kaya wala na siyang nagawa, binantayan niya rin ang pagtatrabaho nito dahil baka malingat siya eh palitan ang gulong ng bike niya. Mamahalin iyon, ha!

Hirap na hirap ang matanda sa pagtanggal pa lang ng goma, dahil may edad na ay hinihingal pa ito matapos ang buong pwersang paghila sa interior ng gulong ng bisikleta.

Ilang pukpok, tapal, pinainitan ang goma, tapos na! Siguro ay nagtagal iyon ng 45 minutes, na sa tingin ni Robi ay kaya naman ng 25-30 minutes lang pero dahil matanda na ang gumagawa ay nahirapan ito.

Tagaktak ang pawis na nagsalita ang matanda, “Tapos na ho, ayan, ingat kayo!” sabi nito.

Sus, sigurado ako malaki ang sisingilin ng damuhong ito, muling sabi ni Robi sa kanyang sarili.

“O, magkano yan? Mahal siguro ano? Manong, alam ko ang presyuhan dito wag mo kong lolokohin,” sabi niya rito.

“Ay hindi ho, wag na. Libre na iyan sa inyo kasi bago kayo rito,” nakangiting sabi ng matanda at di inintindi ang tanong ni Robi.

Sasagot pa sana si Robi nang may biglang nagsalita sa likod niya.

“Tatay Nick, salamat ho ah! Natagalan ako ang daming bumibili kasi ng ulam kina Carmen, muntik pa akong maubusan ng sinigang,” sabi ng binatilyo. Napasulyap ito sa kanya at tila ba nagtatanong ang mukha kung ano ang kailangan niya.

“Ah, ito pala si Oscar. Siya ang bantay talaga dito sa Vulcanizing, kanya ito, nakikiupo lang ako pag wala akong makausap,” sabi nito sa kanya.

Ibig sabihin, hindi pala ang matanda ang bantay ng vulcanizing pero tinulungan pa rin siya nito. Ayaw pa ngang magpabayad kahit hirap na hirap ito sa tulong na ibinigay sa kanya.

Nagpasalamat ng marami si Robi at napapahiyang lumayo sa lugar na iyon. Pinaalalahanan siya ng Diyos na hindi lahat ay masamang tao, dapat ay matuto siyang magtiwala sa kapwa.

sa ibaba. Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement