Nagtataka ang Dalawang Tsismosang Ginang Kung Ano ang Relasyon sa Isa’t Isa ng Lalaki at Dalawang Babae na Bago Nilang Kapitbahay; Bakit Nawindang Sila sa Kanilang Nalaman?

Nagtataka ang Dalawang Tsismosang Ginang Kung Ano ang Relasyon sa Isa’t Isa ng Lalaki at Dalawang Babae na Bago Nilang Kapitbahay; Bakit Nawindang Sila sa Kanilang Nalaman?

LoveMysteryStories

Humahangos si Aling Tale sa kaniyang kapitbahay na si Aling Zen upang makipagtsismisan. May bago na naman kasi silang pag-uusapan: ang bagong kapitbahay na mag-asawa kasama ang isa pang babae. Subalit ang tanong, sino ba ang misis sa dalawang babae? 

Two Hispanic women walking in park, talking Two Hispanic women talking and walking together in the park, best friends holding hands. They are wearing casual clothing, sweatshirts. The one in blue is a senior woman in her 60s. Her friend is a mature woman in her 50s. two middle aged women talking about rumors stock pictures, royalty-free photos & images

“Masyadong maganda yung babaeng kasama nila para maging kasambahay o yaya. Kaano-ano kaya nila ‘yan?” tanong ni Aling Tale sa kaniyang kapwa tsismosang kapitbahay na si Aling Zen. 

“Ikaw talaga Tale! Hindi ka na nagbago, mapanghusga ka pa rin… pero oo nga no? Hindi naman siya mukhang yaya, baka yung isa ang asawa. O baka naman magkapatid ang isa sa kanila?” nasabi na lamang ni Aling Zen. 

“Hindi naman sila magkakamukha eh. O baka naman magpipinsan, sa palagay mo?” pagpapatuloy ni Aling Tale. 

“Ganito na lang, Tale. Kapag nabigyan tayo ng pagkakataon, tanungin na lang natin sila kung sino ba talaga ang asawa noong lalaki, para hindi rin nakakahiya. Ikaw ang magtanong doon sa asawang babae, ako naman doon sa isang iniisip natin kung ano siya sa buhay nila. Tapos, magkita ulit tayo para mapag-usapan at malaman natin, ” mungkahi ni Aling Zen. 

Dahil wala namang trabaho at umaasa lamang sa ipadadala ng kaniyang mister na nasa ibang bansa bilang OFW, napapayag naman si Tale. Para sa kaniya, isa itong mapagkakaabalahan. Kaya naman, lagi siyang tumitiyempo kung kailan niya makakausap ang unang babae. Subalit hindi naman sila magpang-abot dahil tila abala ito sa trabaho. 

Hanggang isang araw, hindi sinasadyang nagkrus ang mga landas nila sa palengke. Nakita niyang namimili ito ng mga prutas.

Woman's hand holding fruit bags Woman's hand holding fruit bags, plastic bags ,At the fruit shop market in asia stock pictures, royalty-free photos & images

“Uy, kapitbahay! Kumusta ka? Minsan naman magkuwentuhan tayo. Kasi kami rito sa barangay natin, talagang inuusisa namin ang mga bagong salta,” nakangiting sabi ni Aling Tale. 

Kimi namang ngumiti ang babae. 

“Ah oo. Namumukhaan ko po kayo. Kayo po yung laging nakatingin sa bahay namin kapag lumalabas kami,” saad nito. 

“Ay ganoon ba? Napakatalas naman pala ng pakiramdam mo. Bilib na ako sa iyo! Ano pa lang pangalan mo?” usisa ni Aling Tale.

“Andrea po ang pangalan ko,” tugon naman ng babae. 

“Andrea… kay gandang pangalan. Tawagin mo na lang akong Aling Tale. Ilang taon na kayong kasal ng mister mo?” pag-uusisa ni Aling Tale. 

“Live-in partners pa lang po kami, nagsasama pa lang po. Sige po Aling Tale, mauuna na po ako ha, may kailangan pa po kasi akong gawin. Maraming salamat po sa kuwentuhan, nice meeting you po,” tugon ni Andrea at umalis na ito. 

Kinabukan, agad na nagtungo si Aling Tale kay Aling Zen. Nang makita siya nito, tila sabik na sabik din itong makakuwentuhan siya, tila may sasabihing mahalaga. 

“Naku Tale mabuti’t dumating ka! Nakakuwentuhan ko na yung isa sa mga babae. Alam ko na kung sino siya…” sabi ni Aling Zen. 

“Talaga ba? Naku tamang-tama pala, ako rin eh, nakausap ko yung misis niya. Andrea pala ang pangalan niya. Nagkita kami kahapon nang hindi sinasadya sa palengke,” kuwento ni Aling Tale. Napakunot naman ang noo ni Aling Zen.

“Ha? Paanong Andrea ang pangalan ng misis niya? Juliet ang pangalan ng misis niya,” sansala naman ni Aling Zen. Si Aling Tale naman ang napakunot ang noo. 

“Sino ba ang nakausap mo?” tanong ni Aling Tale. 

“Eh ‘di yung sinabi mong kausapin ko… yung pangalawang babae, na inisip natin noong una na siyang katulong o yaya. Juliet daw ang pangalan niya, at siya raw ang misis,” sagot ni Aling Zen. 

“Pero ang sabi naman sa akin ni Andrea, siya raw ang live-in partner ng lalaki. Sino ba talaga ang nagsasabi ng totoo sa kanilang dalawa?”

Napatanga ang dalawang ginang. Hindi sila makapaniwala. 

“Alam ko na, Tale… baka Muslim yung lalaki kaya may dalawa siyang asawa!” saad ni Aling Zen. 

Napahinto naman ang dalawa nang may magsalita sa kanilang likuran. Ang lalaking kanilang pinag-uusapan pala!

“Mawalang-galang na ho, kami po yata ang pinag-uusapan ninyo? Sige po. Para hindi po kayo malito, tatlo po kaming magkakarelasyon. Ang isa po ay misis ko, at ang isa po ay live-in partner ko rin. Mahal po namin ang isa’t isa, at tanggap po nila ang sitwasyon namin. Kami-kami lang po ang nagkakaintindihan. Hindi rin po ako Muslim. Kung naweweirduhan po kayo sa set up namin, wala na po kayong pakialam doon; wala naman po kaming inaagrabyadong tao. At hindi ko po ikinahihiya ang set up namin. Maraming salamat po,” pagkaraan ay umalis na ang lalaki, na kanina pa pala naririnig ang kanilang usapan. 

Lifestyle session Two young Japanese girls are fighting for a boy in one classical love triangle. asian love triangle stock pictures, royalty-free photos & images

Napatunganga na lamang sina Aling Tale at Aling Zen sa kanilang natuklasan. Simula noon, hindi na nila tinangka pang pag-usapan ang komplikadong sitwasyon ng tatlo, dahil mukha naman silang masaya sa kanilang set up, at wala silang karapatang panghimasukan ang mga ito. 

More Stories