Laking Pagsisisi ng Dalaga Nang Iwan Siya ng Nobyo Dahil Ayaw Niyang Tigilan ang Pagsasayaw sa Bar
Nagkakilala sa isang birthday party ang magkasintahang si Nikki at Carlos. Unang kita pa lamang ni Carlos sa dalaga ay talaga namang nabighani ito sa alindog ng dalaga. Lubos na kinilala ni Carlos si Nikki pati na rin ang pamilya ng dalaga. Nang malaman niya na pagsasayaw pala sa bar ang hanapbuhay ng dalaga ay pinag-isipan niyang mabuti ang gagawin. Hindi naman niya agad-agad na mababago ang buhay nito sapagkat siya ay maliit na negosyante lamang. Dagdag pa na ang dalaga ang bread winner ng kanilang pamilya. Bagamat mayaman ang magulang ni Carlos ay hindi ito umaasa sa kanila.
Nagkakilala sa isang birthday party ang magkasintahang si Nikki at Carlos. Unang kita pa lamang ni Carlos sa dalaga ay talaga namang nabighani ito sa alindog ng dalaga. Lubos na kinilala ni Carlos si Nikki pati na rin ang pamilya ng dalaga. Nang malaman niya na pagsasayaw pala sa bar ang hanapbuhay ng dalaga ay pinag-isipan niyang mabuti ang gagawin. Hindi naman niya agad agad na mababago ang buhay nito sapagkat siya ay maliit na negosyante lamang. Dagdag pa na ang dalaga ang bumubuhay sa kanilang pamilya. Bagamat mayaman ang magulang ni Carlos ay hindi ito umaasa sa kanila.
Nagdaan ang ilang buwan at naging magulo ang pagsasama ng magkasintahan. May kaunting ipon na si Carlos ngunit ayon kay Nikki, hindi sila bubuhayin nito. Nagkainitan ng pag-uusap ang dalawa sapagkat inamin ni Nikki na siya ay lumalabas din kasama ng ibang lalake. Ika nito, hindi naman siya sumasama sa mga ito kapag hindi niya ito type at kapag hindi mukhang mapagkakatiwalaan ang mga ito. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Carlos sa narinig.
Paano ito nasasabi ng dalaga na tila normal lang ang kaniyang ginagawa? Dagdag pa ni Nikki, wala raw ipagmamalaki si Carlos kung hindi siya aasa sa kaniyang mga magulang. Hindi raw nito kayang tumayo sa sariling mga paa palibhasa’y mama’s boy ang binata. Hindi na nakayanan ng binata ang mga salitang binibitawan ni Nikki kaya ito’y bigla na lamang umalis ng walang paalam.
Umuwing dismayado ang binata at pinag-iisipan na nitong lumapit sa mayamang magulang. Hindi naman napigilan ng ina ni Carlos na magtaka sapagkat kilalang kilala niya ang anak. Kahit kailan ay hindi ito humingi ng pera sa kanilang mag-asawa. Napaamin din ng ina si Carlos. Nagulat ang ina at nalungkot sa sitwasyon ng anak ngunit ayaw niyang makialam dito. Sa edad nitong 35 ay alam na dapat niya ang tama at mali at malaki naman ang tiwala niya sa anak.
Ika ng kaniyang ina, hindi sasang-ayon ang papa nila sa kagustuhan niyang makakuha ng malaking pera na ang dahilan lamang ay isang babae. Hindi nila ugaling mang-hamak ng kapwa anuman ang trabaho nito ngunit tila natutuwa pa si Nikki tuwing sumasama sa ibang lalake at pinagmamalaki niya pa ito kay Carlos.
Samantalang patuloy naman si Nikki sa ginagawa. Kaliwa’t kanan ang nobyo nito at hindi nagpapahuli sa mga usong gadgets palibhasa’y may mayaman itong sponsor. Katwiran niya, isa lang naman ang mahal niya at ito’y walang iba kung hindi si Carlos. Ang iba’y pineperahan lamang niya. Kung tutuusin, marami na dapat itong ipon kung hindi lang ito bulagsak sa pera.
Isang araw ay napagpasyahan ni Carlos na makipag-ayos na sa nobya at magpakumbaba. Nakapag business loan ito sa bangko ng ilang milyon upang mapalaki ang negosyo at excited siyang pumunta sa nobya upang ibalita ito. Nasa malayo pa lamang ay natanaw na niya ang nobya na may kahalikang ibang lalake.
Wala na naman siyang nagawa sapagkat ika nga ng dalaga ay trabaho nya ito. Dali nyang pinuntahan ang dalaga at sinabi ang magandang balita. Tila wala naman narinig ang dalaga at sarkastikong sumagot. Ika nito, bakit siya matutuwa sa utang? Ang utang ay malaking problema. Nasaktan ng husto si Carlos sapagkat tila walang tiwala ang nobya na mapapalago niya ito.
Umuwing walang gana ang binata at tila nag-iisip, dumaan siya sa isang coffee shop dahil nakaramdam siya ng pagkalam ng sikmura at napansin ang isang babaeng kumakain ng chocolate cake. Napaka inosente ng mukha nito at tila napansin nito ang pagtitig niya. Namula ang mga pisngi nito at ngumiti. Tila nag-iba ang pakiramdam ni Carlos. Nilapitan niya ito at nagpakilala.
Napag-alaman niyang Bea ang pangalan nito at ito’y may maliit ding negosyo. Pareho silang artist at hilig nila ang mag pinta. Napag-alaman din niya na single ito. Niyaya niyang lumabas si Bea at lalong nahulog ang loob niya dito. Sa unang pagkakataon, nawala sa isip niya si Nikki at naging napakasaya niya. Inamin naman din niya sa dalaga na siya’y may kasintahan pa at handa naman itong intindihin ang kaniyang sitwasyon.
Pinuntahan ni Carlos ang nobya upang tapusin na ang lahat sa kanila at ipinagtapat din nitong nahulog na ang loob niya sa ibang babae. HIndi ito matanggap ni Nikki at sinabing gagawin niyang kumplikado ang buhay ng nobyo kung hindi nito titigilan ang babae nito.
Doon na nakialam ang pamilya ni Nikki, pinakiusapan ng mga magulang nito ang dalaga na tanggapin na lamang ang nangyari sapagkat hindi rin naman naging maayos ang pagsasama nila ng nobyo. Nawalan ng ganang magtrabaho ang dalaga at paglaon ay nalaman niyang may malubha na pala siyang sakit. Sakit na nakukuha lamang sa pakikipagtalik. Ika ng mga kaibigan ng dalaga, suwerte na rin si Carlos sapagkat kahit ganito ang trabaho ng nobya ay nirespeto niya ito at walang nangyari sa kanila.
Nag-desisyon na si Nikki na palayain ang nobyo nang mapagtantong wala na talaga itong nararamdaman para sa kaniya kundi awa.
Sa piling ni Bea, naging matagumpay ang negosyo ni Carlos. Sila ay nagtulungan at unti-unting napalaki ang kabuhayan. Tuwang tuwa ang mga magulang ng dalawa. Di naglaon ay ikinasal na ang magkasintahan at biniyayaan ng dalawang anak, isang babae at isang lalake.
Napaluha na lamang si Carlos nang mabalitaang binawian na ng buhay dahil sa malubhang sakit si Nikki.
Umibig na rin ba kayo sa maling tao? Paano kayo naka move on sa pangyayaring ito? sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.