Hindi Siya Nakuntento sa Kanyang Mukha, Kaya Naman Disgrasya ang Kanyang Napala sa Pagpaparetoke ng Mukha
“Nakakainis! Wala man lang may gustong manligaw sa akin! Ang pangit-pangit ko kasi!” inis na turan ng dalagang si Felice habang kausap ang kaibigang si Anjie. Napapailing na lamang ang kaibigan niya sa halos araw-araw niyang pagmamaktol, “Hayaan mo na friend, one day may makaka-appreciate rin ng beauty mo inside and out.” Napasimangot ang dalaga. Hindi na siya naniniwala sa mga sinasabi nito. Ilang beses na kasi siyang nagpapadala sa mabubulaklak na payo nito. Ngunit hanggang ngayon ay sawi pa rin siya sa pag-ibig. Kaya naman lingid sa kaalaman ng matalik niyang kaibigan ay nag-iipon na siya ng pamparetoke. Napapanuod niya kasi sa mga online videos na halos lahat ng magagandang babaeng napapanuod niya sa telebisyon ay dumaan sa pagpaparetoke. Kaya naman buo na ang loob niya na pagandahin ang mukha. “Halos tatlong taon na akong nag-iipon, kulang pa din,” pagmamaktol niya sa sarili nang bilangin ang kanyang ipon. Hanggang ngayon kasi’y kulang pa rin ito. Kaya naman nagpatuloy nalang siya sa pagsesearch sa internet upang masolusyonan ang kanyang problema. Hanggang sa biglang manlaki ang mga mata niya nang mabasa ang “sale” o malaking discount sa pagpaparetoke ng buong mukha. Agad niyang kinontak ang numero online. Nang makumpirma na totoo ang discount nila ay agad siyang nagpa-schedule ng pagpaparetoke. Kinabukasan ay excited siyang nagtungo sa clinic na tinuro sa kanya ng kausap na sekretarya ng doktor kahapon. Wala siyang pinagsabihan ‘ni isa sa pamilya at mga kaibigan niya sa binabalak niyang gawin ngayon. Ang tanging nasa isip niya ay surpresahin nalang ang mga ito sa magandang pagbabago niya. Matagal ang naging proseso ng pagreretoke sa kanya. Kinagabihan na nang magising siya mula sa mahabang operasyon. Tila ang sakit ng mukha niya pagkagising. “You need to take a rest for a while before you could see the result,” nakangiting payo ng doktor. Kaya naman nangupahan siya sa isang hotel ng simpleng kwarto at doon nagpalipas ng mga araw upang magpahinga. Ngunit habang tumatagal ay tila napapansin niyang kumikirot ang kanyang mukha at tila baliko ang bagong lagay niyang ilong. Lumipas ang isang buwan at sising-sisi si Felice sa naging resulta ng kanyang operasyon. Namaga kasi ang buong mukha niya. Sinubukan niyang kontakin at puntahan ang doktor na nag-opera sa kanya ngunit sarado na ang clinic nito. Hindi rin niya magawang magpakita sa pamilya’t mga kaibigan dahil sa sinapit niya. Ngayon ay hindi niya alam kung saan siya patungo. Ang tanging nasa isip niya lang ay ang labis na pagsisisi sa hindi niya pagiging kuntento sa sarili. “I love you, sweetheart!” Napalingon siya sa gilid. Lalo siyang napaluha nang makitang sinurpresa ng isang gwapong lalaki ang hindi kagandahang babae. Doon napagtanto niyang tama nga ang lahat ng payo sa kanya ng kaibigan. Kung natuto lang sana siyang maghintay, ‘di sana’y hindi pa nadisgrasya ang kanyang mukha. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.