Inday TrendingInday Trending
Hindi Pinahiram ng Kapitan ang Cab ng Barangay sa Pamilya ng Batang Pumanaw, Isang Estranghero ang Nagmagandang Loob na Tumulong

Hindi Pinahiram ng Kapitan ang Cab ng Barangay sa Pamilya ng Batang Pumanaw, Isang Estranghero ang Nagmagandang Loob na Tumulong

“Sige na naman po, Kap. Pagbigyan niyo na po kami. Kailangang-kailangan lang po talaga naming mahiram ang cab ng barangay para sa libing ng anak namin,” umiiyak na pagmamakaawa ni Ernesto. Ililibing na lang kasi ang bunso niyang si Erlyn na pumanaw sa sakit na congenital heart disease, ay problema pa rin nila ang sasakyang magdadala dito patungo sa sementeryo. May kalayuan kasi iyon at hindi kakayanin kung lalakarin lang. Bundok ang tahanan nila at bababa pa ng kabundukan upang marating ang sementeryo. Nagawa nilang paglamayan ang bunsong anak nang walang pribadong serbisyo mula sa mga punerarya. Sa kahirapan kasi ng buhay ay ‘ni kumuha ng serbisyo para sa burol ng anak ay hindi nila magawa. “Hindi talaga pwede Ernesto, huwag kang makulit. Dadating si Mayor mamaya, kailangang gamitin ng barangay iyan,” iritableng sagot ng kapitan ng kanilang barangay. “Mas importante pa po ba ang mayor kaysa sa mamamayan niyong kailangang ilibing?” sagot pa rin niya. Halatang naiinis na ang kapitan sa kakulitan niya. Sa kabila ng pilit na pagtanggi ng kapitan ay hindi pa rin siya tumigil makiusap dito. Hanggang sa dumating sa punto na lumuhod na siya sa pagmamakaawa. “Parang-awa mo na, Kap. Saglit na oras po.” Halos sipain ng kapitan si Ernesto, “Kasalanan ba ng barangay na mahirap ka at kahit punerarya hindi mo maafford para sa namatay mong anak?!” Napaluha nalang si Ernesto sa mga naririnig. Hanggang sa isang panyo ang tumapat sa mukha niya. Inangat niya ang mukha at nakita ang estrangherong lalaki, “Wala nang laman ang jeep ko. Nasaan ba ang labi ng anak mo?” Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng lalaki. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Pakiramdam niya’y guni-guni niya lang ang lahat ng ito. “Seryoso po ba kayo, Sir?” umiiyak niya pa ring tanong sa driver ng jeep. Tumango ito, “Oo, halika na. Para makapagpahinga na ang anak mo.” Agad niyang kinuha ang mga labi ng anak sa kanilang maliit na tahanan. Masayang-masaya ang misis niya nang malaman ang kabutihan ng lalaking nakilala nila sa pangalang Gabriel. Iyak man sila nang iyak nang mailagak sa huling hantukan ang kanilang bunsong anak. Magaan pa rin ang pakiramdam nila dahil sa wakas ay makakapagpahinga na rin mula sa malupit na mundo ang kanilang munting anghel. Hindi akalain ng mag-asawa na makakahanap sila ng tunay na pag-aaruga sa isang taong hindi nila inaasahang tutulong sa kanila. Kung sino pa ang hikahos din sa buhay at wala namang katungkulan sa sambayanan, ito pa ang mga busilak na puso na nagmagandang loob na tumulong sa kanila. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement