Hindi Makapaniwala ang Nurse na Ito sa Nasaksihan Niyang Ginawa ng Batang Babae sa Maliit na Kapatid Habang Nasa Isang Medical Mission
Matagal nang nurse si Casey sa isang pampublikong ospital. Mahilig rin siyang sumama sa mga medical missions, iyong pupunta sila sa pinakamahihirap na lugar dito sa Pilipinas upang magbigay ng kahit papaano’y konting lunas sa karamdaman ng mga kababayan nating mahirap, na walang pera para magpagamot. Kasabay ng gamutan ay nagdadala rin sila ng konting pagkain upang maibsan ang gutom ng mga pasyente. Nasa isang probinsya sila ngayon para ulit sa isang medical mission, naka-hilera ang kanilang mga gamit sa isang covered court, at kitang kita sa paligid na talagang hirap sa buhay ang mga tao rito. Payat na mga bata, dikit dikit na mga barung barong at mga basurang nagkumpulan sa gilid. “Ate, anong oras po ang pagkain?” pumukaw sa atensyon ng nag iisp na si Casey ang tanong na iyon ng isang batang babae, na ang edad ay naglalaro sa 7 hanggang 8. “Mamaya konti,” nakangiting sagot naman ng nurse. Makalipas lang ang ilang sandal ay muling bumalik ang bata. “Ate anong oras po ang pagkain?” tanong ulit nito sa kanya. “Mga 10:30 ng umaga.” sagot niya ulit. Tila nag isip ito dahil parang hindi alam ang 10:30 pero tumango naman ang bata at umalis na. Hanggang dumating ang 10:30 at pinapila na nila ang mga tao. Limitado lang ang dala nilang pagkain kaya piling pili lang ang mabibigyan nito, kaya may pila at first come first served ang mangyayari. Laking pasasalamat naman ni Casey nang makita ang batang kanina pa nagtatanong sa kanya, na nakakuha ng slot. Hinihimas himas pa nito ang tyan at tila natatakam sa tinapay. Hanggang makarating ito sa unahan ay napakalaki ng ngiti nito at titig na titig sa tinapay at juice na iniabot ng nurse. “Magpakabusog ka ha,” nakangiting sabi ni Casey rito. “Thank you po.” sabi lang nito at agad nang tumakbo, tinanaw naman ni Casey kung saan ito pupunta.Laking gulat niya nang nilapitan nito ang isang batang babae na nasa 2 taong gulang, naglalaro ito sa gilid. “Ate papay!” bulol na wika ng mas maliit na batang babae. “Oo nakakuha ng tinapay si ate! Halika susubuan kita.” nakangiting sabi ng batang babae at binitbit ang kapatid sa isang sulok para pakainin. Nabilib si Casey sa laki ng puso ng batang babae, alam niyang gutum na gutom ito pero mas piniling iparaya sa kapatid ang maliit na tinapay na kanina pa nito hinihintay. Ibahagi sa amin ang inyong opinyon sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.