Sa Pag-aakalang Wala nang Magmamahal sa Pangit Niyang Itsura, Nagpanggap ang Dalaga bilang Isang Magandang Babae sa Facebook, Hindi Niya na Inasahan ang Kapalit ng Kanyang Gagawin
Hi, Miss Beautiful! Pwede ka bang ligawan? Ang ganda mo naman, Miss! Tuwang-tuwa si Melencia, o mas pamilyar sa pangalan Enchay, sa mga nababasa sa bagong account niya sa Facebook. Hindi katulad noon na ang nanay niya lang ang nagme-message sa kanya sa Facebook, ngayon ay napakaraming tao na ang nag-aaksayang magpadala ng mensahe sa kanya. Kinatutuwa niya pang lahat iyon ay papuri. Salamat sa isang litratong nakita niya sa Google. Gandang-ganda siya sa babae at napagdesisyunang isave ang picture. Gumawa siya ng bagong account sa fb at ginamit ang litratong kinuha. Ginamitan nya rin iyon ng panibagong pangalan–Shantelle Iligan. Natuwa si Enchay nang may matanggap na unang mensahe, “Ang gwapo!” Agad niyang nireplyan ang mestisong lalaki nagngangalang Mateo. Sa lahat ng mga nagmemessage sa kanya ay ito lang ang pinagtuunan niya ng pansin. Bukod sa gwapo ito ay naakit rin siya sa trabaho ng lalaki. Isang abogado ito, “Paniguradong malaki kinikita ni pogi.” Ang ilang araw ay inabot ng ilang buwan. Hanggang sa inamin sa kanya ng lalaki na mahal na siya nito. Hindi niya agad tinugon iyon dahil ayaw niya pang pabigyan ang gusto nitong pagkikita nila. “Syempre naman ayaw kong mabisto niya ako,” ika ni Enchay sa kanyang best friend na si Vince. “Alam mo bang mali ‘yang ginagawa mo, Chay? Pinaabot mo na ng ilang buwan ‘yan. Pinapaasa mo lang ‘yung lalaki.” “Pero mahal ko na si Mateo, Vince.” “Pagmamahal ba ang tawag niya? Panloloko ‘yan Chay.” Nagalit si Enchay kay Vince sa sinabi nito. Alam niyang tama naman ito pero ayaw niya lang talagang itigil ang nasimulan na. Hanggang isang araw ay isang galit na mensahe mula kay Mateo. Manloloko ka. Poser! Fake! Idedemanda kita! Kinabahan si Enchay. Ito na ‘ata ang katapusan niya. Agad niyang tinawagan ang kaibigang si Vince pero hindi nito sinasagot ang tawag niya. Iyak ng iyak si Enchay sa kwarto niya hanggang sa may marinig siyang katok sa pinto, napagbuksan niya ang matalik na kaibigan. “Anong ginagawa mo dito, Vince?” Ngumiti ito, “Nahuli ka na niya?” “Alam mo?” Tumango ito, “Nakita ko ‘yung post nung totoong babae sa wall ng fake fb account mo.” Hindi na iyon nakita pa ni Enchay, sa sobrang takot niya kanina ay agad niyang ni-log out ang fb na iyon. “Saan ka galing? Bakit ‘di ka nasagot sa tawag ko kanina?” “Ano pa, edi pinuntahan ko ‘yung tisoy mo.” Nagtaka siya, “Si Mateo? Diba taga-Maynila ‘yun? Ang layo nun dito sa atin sa Bulacan ah.” “Oo, at ang layo pala ng bahay ng tisoy na ‘yun,” pagbibiro pa ng kaibigan. “Anong ginawa mo dun?” “Pinaliwanag ko sa kanya ang lahat kung bakit mo nagawa ‘yun. Nakiusap rin ako na huwag niyang ituloy ang pagdedemanda niya sayo.” “Paano mo naman nalaman na gusto niya akong idemanda?” “Pagkabanggit ko palang nung fake name mo sa fb yun na agad sinabi sa akin eh, kung sino ka man daw, idedemanda ka niya.” “Paano mo naman siya napakiusapan? Huwag mo sabihing pinakita mo ang picture ko!” Tumango ito, “Sorry, Chay. Kailangan niya ring maliwanagan. Lumuhod ako sa kanya para mapatawad ka lang niya. Huwag niya lang ituloy ang kaso.” Naiiyak na si Enchay, “Bakit mo naman ginawa para sa akin ‘yun?” “Hindi pa ba obvious Chay?” pinunasan nito ang luhang tumutulo sa pisngi ng kaibigan. “Mahal kita.” “Sa pangit kong ‘to?” Umiling ito, “Hindi ka pangit Chay. Hindi naman sa panlabas na anyo natin makikita ang tunay na kagandahan eh. Alam kong may mabuti kang puso. Kaya mga bata palang tayo, gusto na kita. Mahal kita Chay.” Hindi na mapigilan ni Enchay ang pagluha. Buong buhay niya, ang akala niya wala ng lalaking tunay na magmamahal sa isang pangit na katulad niya. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.