Inday TrendingInday Trending
Laking Tuwa ng Nurse na Sa Wakas ay May Bumisita sa Matandang Pasyenteng Malapit Nang Bawian ng Buhay, Pero Ikinagulat Niya Nang Malaman ang Totoong Pagkatao Nito

Laking Tuwa ng Nurse na Sa Wakas ay May Bumisita sa Matandang Pasyenteng Malapit Nang Bawian ng Buhay, Pero Ikinagulat Niya Nang Malaman ang Totoong Pagkatao Nito

Matagal nang nurse si Sharmaine sa Veterans hospital at nasanay na siya sa buhay doon. Normal na ang may mamatay para sa kanya. Katulad na lang ng kanyang pasyente ngayon, isang matandang dating sundalo, siguro ay nasa 85-90 years old at inatake sa puso. Walang ibang pamilyang kasama ang matanda at kasambahay lang ang nagsugod dito sa ospital. Sinabi ng kasambahay na ang huling hiling raw ng matanda ay makasama ang nag iisang anak nitong lalaki kaya naman naisip ng mga staff sa ospital na contactin ang lalaki at sabihin ang kalagayan ng ama nito, pero walang sumagot sa telepono, “please leave a message”, nag iwan sila ng mensahe. Makalipas ang ilang oras ay hindi umiigi ang matanda, bilang isang nurse, alam ni Sharmaine na hindi na ito magtatagal, kay raming suwero ang nakakabit sa bibig nito at ni hindi nito maidilat ang mga mata. Habul habol rin nito ang hininga na tila ba anumang sandali ay malalagot. Mabuti na lang at natanaw na niya ang isang lalaki sa hallway ng ospital. “Sir kayo po si Mr. Mendoza? Hindi na po maganda ang lagay ng tatay ninyo at gustong gusto niya raw po kayong makita at makasama , sabi ng kasambahay, galit daw po kayo sa kanya pero sana wag ninyo nang tiisin ang tatay nyo dahil nasasaktan po siya.” dire diretsong sabi ni Sharmaine, nakatingin lang naman sa kanya ang lalaki. Hinawakan niya ang braso nito at ipinasok sa loob. Tumabi ang lalaki sa matanda at hinawakan ang kamay nito. “Kaya ho ninyo yan.. laban lang.” sabi ng lalaki. Dumilat naman ng kaunti ang matanda, tapos ay pumikit na ulit. Magdamag na naroon ang lalaki at tuwing sisilip si Sharmaine para sa check up ay gising ito at nakahawak pa rin ang kamay sa matanda. Kinabukasan ay binawian na ng buhay ang matandang sundalo. “Sir, nakikiramay ho ak-” sabi ni Sharmaine nang putulin ng lalaki ang pagsasalita niya. “Anong pangalan ng matanda?” sabi ng lalaki. “Ho? Bakit hindi ninyo alam ang pangalan ng tatay nyo?” maang na tanong niya. “Hindi ako ang anak niya, katunayan, may dadaanan lang akong mga papeles para sa tatay ko kahapon dito sa ospital.” sabi ng lalaki na ikinagulat naman ni Sharmaine. “Kung ganon, b-bakit hindi mo sinabi sa akin na hindi pala ikaw ang anak niya?” sabi ulit ng nurse. “Dahil nakita ko ang kalagayan niya, at alam kong kailangan niya ang anak niya. Ayokong hanggang sa huling sandali ng buhay nya ay hindi niya maramdaman na may nakahawak sa kamay niya upang magbigay lakas loob, at pagmamahal.” Napabilib si Sharmaine sa gintong puso ng lalaki, sana maraming tao ang ganito. Ano ang napulot mong aral sa kwentong ito? sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement