Inday TrendingInday Trending
Ginawang Katatawanan sa Inaaplayang Call Center ang Babae Dahil sa Puntong Bisaya Nito; Pahiya Silang Lahat Nang Ito Lamang ang Natanggap sa Sampung Nag-aplay

Ginawang Katatawanan sa Inaaplayang Call Center ang Babae Dahil sa Puntong Bisaya Nito; Pahiya Silang Lahat Nang Ito Lamang ang Natanggap sa Sampung Nag-aplay

Pawis na pawis na nakipagsiksikan si Almira sa MRT upang hindi mahuli sa iskedyul ng kaniyang interbyu sa isang malaking call center sa Ortigas. Dahil hindi niya alam na may pila palang para sa mga babae lamang ay napunta siya sa tren na puno ng mga kalalakihan.

“Ms., dito ka na oh,” wika ng isang lalaki na may kasamang grupo ng mga anim pang mga lalaki at dalawang babaeng kanina pag nagkukuwentuhan.

“Ay, salamat ng marame sa pagpapaopo nyu sa aken ser,” magalang na wika ni Almira.

Nang marinig ang boses niya’y nagsikuhan ang mga ito at halatang nagpipigil tumawa.

Asar na asar si Almira sa nasaksihan. Tama nga ang pinsan niya. Mapanglait ang mga taga Maynila lalo na sa mga kagaya niyang Bisaya. Ngunit hindi siya magpapaapekto sa mga ito. Kilala niya ang sarili niya at alam niya ang kaniyang kakayahan.

“Sana matanggap tayong lahat, ‘no guys? Ang saya siguro kung sama-sama tayo sa training,” usad ng isa pang lalaking kabilang sa grupo ng mga mukhang antipatika at antipatiko.

“Sure ball ‘yan! Lahat naman tayo may experience na. Maning-mani na lang sa atin yan. Kaya kong pumasa diyan ng tulog. Balita ko pa’y sobrang laki ng offer nila. Nasa P80k daw bawas na ang tax at maraming bonus,” mayabang na sagot ng lalaking nagpaupo sa kaniya.

Maya-maya pa’y huminto na ang tren sa istasyon ng Ortigas at agad na tumayo si Almira.

Habang naglalakad tangay ang isang mapa papunta sa opisinang pag-aaplayan, paglingon niya ay tila pinagbubulungan siya ng mga nakasabay sa tren. Nagtatawanan at nagbubulongan na naman ang mga ito.

“Uhm, miss. Are you applying din sa ABC Call Center Inc.?” mataray at maarteng tanong ng babaeng nakamaiksing palda.

“Ay uu, duun nga aku mag-aplay. Baket mu alam, ‘day?” inosenteng sagot ni Almira.

Hindi na napigilan ng mga nakasabay ang kanilang tawa. Lahat ay hagalpakan sa kakatawa at halos maubusan pa ng hangin sa katatawa ang mga ito.

Hindi na hinintay pa ni Almira na sumagot ang kausap at mabilis na lumakad upang maiwan ang mga salbaheng kasabay.

“Good morning, guys! I’m Arlene from HR and I will conduct your interview today. It will be a panel interview meaning all of you here can hear everyone’s answers,” nakangiting bati ng babaeng may maamong mukha.

Inis na inis na naman si Almira sapagkat sa dinami-rami ng makakasabay sa interbyu ay ang mga matapobre pa niyang mga nakasabay sa tren.

“Selfie muna tayo guys bago mahire,” mayabang na saad pa ng isang lalaki.

Batid niya sa mga mukha ng mga ito ang pag-aabang sa mga isasagot niya sa interbyu at halatang handa na namang maghagalpakan sa kakatawa ang mga ito.

“Okay, so I just have one simple question for each of you here since we’re running out of time and we still have a lot of interviewees. Just to let you know, in every ten applicants the average number of applicants who passed is just 1. That’s how high our standards are here at ABC Call Center Inc.,” pagpapaliwanag ng babae.

“Oh, not a problem at all. We are very much aware of all the processes in call center hiring because we’ve been in this industry for such a long time,” sagot ng maarteng babaeng nang-insulto sa kaniya kanina.

Napangiti lamang ang interbyuwer na si Arlene.

Nang bigyan ng pagkakataong sumagot ang mga ito’y mabilis na nakasagot ang lahat. Simple at maiikling sagot lamang ang nilahad ng mga ito.

“You should hire me because I’m good in English and I am smart. Just look at my resume to see how experienced I am,” mayabang na sagot ng isang lalaki.

“You should hire me because I am a graduate of a very prestigious school here in Manila and I can use all the knowledge I gained from my university in this company. Aside from that, I have a long background of experience when it comes to sales and customer service,” sagot ng maarteng babae.

Halos pare-pareho lamang ang sinagot ng magbabarkada. Abang na abang ang lahat sa isasagot ni Almira.

Dahil pinagpawisan sa byahe at hindi sanay sa erkon ay medyo inuubo pa ito bago magsalita.

Agad namang ngumisi ang magbabarkada.

“It’s OK, Almira. Just be yourself,” pagsuporta ng maamong si Arlene sa iniinterbyu.

“Good morning everyone, I know that all of you have a long list of credentials and have worked in different call centers here in Manila. I am a fresh graduate but I’ve been a working student since I was in first year college. I am a sales agent of luxury cars for almost 5 years now. Most of my clients are foreigners and famous personalities in Cebu. I graduated as a Summa Cum Laude at the University of Cebu. I am loyal employee. I do not transfer from one company to another just because the other company offers a higher salary. That’s all,” dere-derecho at walang putol na pahayag ni Almira.

Napanganga sa narinig ang magbabarkada.

“Kaya pala ang ganda niyang manamit. Sablay lang talagang managalog,” di napigilang bulalas ng isa pang babae. Napatakip ito ng bibig at nahiya sa nasabi.

“Everyone, let me just share something. Bisaya din ako at ganiyan din akong magtagalog pagluwas ko sa Maynila. Marami ding nanghusga sa akin. Pinagtatawanan ako ng lahat but look at me now. Honestly I am not from HR, I am the owner of this company. I am just hands on sa pagpili ng mga employees ko because I pick people not just by their skills but with their heart also. Believe it or not, I can read people sa unang kita ko pa lamang,” mahinahon ngunit tumatagos na payo ni Arlene sa mga aplikante.

Matapos ang panel interview ay isa-isa na silang lumabas at tumungo sa lobby. Pahiyang-pahiya ang magbabarkada nang tawagin isa-isa ang mga pangalan nila at sinabing tatawagan na lamang.

Si Almira ang bukod tanging hindi tinawag at sinabihang maghintay upang makapirma ng kontrata.

Ugali rin ba ninyong manghusga ng kapwa batay sa ilang mga mabababaw na sukatan? Hindi pa huli upang magbago!

Advertisement