Buong Paniniwala ng Dalaga na Agad Siyang Yayaman Pagtungtong Niya ng Maynila, Ngunit Ibang Landas ang Ibinigay sa Kanya ng Tadhana
Si Mary, 19 na taong gulang ay solong anak ng mag-asawang Mang Cardo at Aling Miding. Pinalaki siya sa isang simple ngunit masayang pamumuhay. Kahit pagsasaka lamang ang kinabubuhay nila ay hindi siya kailanman dumaing ng kahirapan. Si Mary ay isang mabuting anak, kaibigan, at magandang halimbawa sa iba. Siya ay masipag at matulungin. Ito ang natutunan niya sa pagpapalaki sa kanya ng kanyang mga magulang. Kahit palagi siyang nilalait ng mga kaeskuwela niya na mahirap at palaging puro putik ang sapatos ay hindi niya ito pinapansin. Bagkus ay nagpupursigi pa siya sa pag-aaral kaya nakapagtapos siya at natanggap ang mataaas na parangal. At dahil doon ay isa siya sa mga nabigyan ng scholarship sa kanilang paaralan. Matapos makagraduate ng college ay yumao ang kaniyang tatay Cardo sa katandaan, sobra siyang nalungkot at nag-isip kung tutuloy pa ba siya sa Maynila para makahanap ng mas maayos na trabaho para matulungan ang kanyang ina na mag-iisa nalang kapalit ng kanyang pag-alis. Isang araw ay may nakita siyang isang matanda sa bukirin. Pagod na pagod kaya naman binigyan niya ito ng maiinom. “Manong, saan ho ba kayo galing at mukang pagod na pagod kayo?” “Ay naku sa Maynila hija, hinatiran ko ng pagkain ang anak ko dun.” Napakunot ang noo ni Mary, “Po? Bakit kayo pa po ang naghatid ng pagkain?” “Alam ko ang nasa isip mo hija,” ngumiti ang matanda, “Nasa isip kasi nating mga tagabukid na kapag nasa Maynila ang isang tao ay marami ng pera. Hindi totoo yan hija. Karamihan pa nga sa kanila ay mas nahihirapan o walang natitirang pera at nababaon pa sa utang.” “Eh bakit po ayaw pang umuwi ng anak niyo sa inyo?” tanong niya dito. “Nagkapamilya na siya doon eh. Kaya ang tanging magagawa ko nalang para sa kanya ay ang suportahan siya kapag kailangan niya ng tulong. Napangiti si Mary sa lahat ng sinabi ng matanda. Tila ito ang sign na hinihingi niya kagabi pa. Napagdesisyunan niyang hindi na umalis at sa halip ay magtayo nalang ng business gamit ang kanyang kaalaman sa kolehiyo. Sa awa ng Diyos ay lumago naman iyon. Pinaikot niya ang pera at pinalago ang kanyang negosyo. Doon ay lumago ito nang lumago hanggang sa makabili na siya ng sarili nilang lupa sa pagsasaka. Hindi na sila nakikisaka tulad noon. Pinagpahinga niya na rin ang kanyang ina at sa halip ay kumuha nalang siya ng mga tauhan. Hindi pa rin nagbago si Mary. Lalo siyang nakatulong sa kanyang kapwa. Tinulungan at sinuportahan niya rin ang matandang nakausap niya noon. Ang matandang nagbukas sa mga mata niya sa katotohanan tungkol sa lungsod. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.