Inday TrendingInday Trending
Nagsisisi Ang Lalaking Ito Dahil Hindi Niya Naalagaan ang Misis Kaya Ito Pumanaw

Nagsisisi Ang Lalaking Ito Dahil Hindi Niya Naalagaan ang Misis Kaya Ito Pumanaw

Mabilis na nag spray ng pabango si Ramir. Katatapos niya lang manigarilyo, kapag naamoy siya ng misis ay lagot na naman siya. Pinagbawalan na siya nitong manigarilyo at uminom ng alak dahil hindi na sila bumabata, nagsisimula na rin siyang makaramdam ng mga sakit sa katawan. Pero dahil sadyang makulit ay tumatakas pa rin siya paminsan minsan para ituloy ang kanyang bisyo. Sa katunayan, sinabi niya ritong may gagawin pa siya sa opisina pero ang totoo ay nakipag inuman siya sa kumpareng si Billy. Kahit kailan naman ay hindi siya lumingon sa ibang babae, mahal niya ang misis at masaya siya sa pag aalaga nito. Kapag umuuwi siya ay handa na ang hapunan, bago naman siya umalis sa umaga ay nakaayos na ang isusuot niya, at almusal niya. Wala na talaga siyang mahihiling pa, lamang ay mahigpit ito at palaging nakabantay pagdating sa kalusugan niya. Pero sabi nga nila, lalong pinipigil,lalong nanggigigil. Kaya heto siya ngayon, pinipilit tanggalin ang amoy ng sigarilyo at alak sa katawan. “Cam, mama mo?” tanong niya sa anak na nanonood ng TV.Kapapasok niya lang sa kanilang bahay. “Nasa kwarto po masakit daw ang ulo,” sagot naman ng dalagita na hindi nililingon ang kanyang ama. Dumiretso si Ramir sa banyo para maghilamos, swerte siya at wala ang misis sa salas. Pagpasok niya sa kwarto ay nakatagilid ang babae, agad niya itong hinawakan sa balikat. “Ma..andito na ko,” nananantya niyang tawag dito pero hindi ito sumasagot,baka galit, sa isip isip niya. “Ma, kain tayo?” tawag niya ulit dito. Walang sagot. “Ma?” niyugyog na niya ito pero hindi pa rin sumasagot ang babae. Nawala na ang kalasingan niya at nagsimula na siyang kabahan. Nakailang tawag pa siya pero hindi talaga sumasagot ang babae. “Camille, dadalhin natin sa ospital ang mama mo tumawag ka ng tricycle!” sigaw niya sa anak. Masyadong mabilis ang mga pangyayari, pagdating nila sa ospital ay pinagkaguluhan na ng mga doktor ang misis niya, napaupo na lang siya at tinitignan ito. Ma, anong nangyayari?Naaawang tanong niya sa isip. Hindi niya alam bakit biglang nagkaganito. Nire-revive na ang misis niya, ganoon ba talaga ka-delikado? Diba kulang siya lagi sa tulog kababasa ng pocketbook, diba iyon lang naman? Lumapit ang doktor makalipas ang ilang oras. “Sir..Sorry po.” malungkot na sagot nito. “Ha? Teka anong sorry bakit ka nagsosorry? Bakit..anong? Sakit lang ng ulo iyan anong sorry?Bakit..hindi pwedeng..” hindi niya malaman kung ano ang unang sasabihin, basta alam niya, ang sakit sakit talaga. “May clotted na ugat po sa utak nya kaya madalas ang pagsakit ng ulo, kung naagapan lang po sana ay nagawan ng paraan pero pumutok na po ang ugat..” paliwanag nito. Hindi matanggap ng sistema niya, sa isang iglap ay nawala ang asawa niya. Kung naagapan lang po sana ay nagawan ng paraan.Paulit ulit iyon sa utak niya. Naging abala ang misis niya sa pag aalaga sa kanyang kalusugan, nakalimutan na nito ang sarili. Malakas ang pag iyak niya dahil alam niyang malaki ang naging pagkukulang niya dito, kung sana naalagaan niya rin ito.Kung sana, inisip niya rin ito. Hindi sana mangyayari ang ganito. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. Ano ang natutunan mo sa kwentong ito? sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement