Pagkatapos Mawala ng 5 Taon ay Nagbalik ang Anak na Ito Upang Humingi ng Pera at Family Picture na Ikinagalit ng Ama, Napaiyak ang Ama nang Malaman ang Dahilan Nito
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Jose sa panganay na anak na si John. Pitong-taon kasi itong naglayas, 18 years old lang ito noon at wala man lang paramdam sa kanilang pamilya. Napatingin siya sa lalaki sa likuran nito, “Jacob, anong ibig sabihin nito?” Kasama pala nito ang bunsong kapatid. Half-brothers lang ang dalawa ngunit natutuwa naman siya dahil sobrang close ng mga ito noong mga bata pa. Hindi lang talaga niya malaman ang dahilan ng paglalayas ng panganay niya. “Pa, kain muna po tayo. Nag-uwi po ako ng pansit at manok,” ika ni Jacob. Kahit naiinis ay pinagbigyan niya ang bunso. Tinawag niya rin ang pangalawang anak na si Jake. Ito ang anak niyang nakaalalay sa kanya at ito rin ang tunay na kapatid ni Jacob. Anak niya ang mga ito sa pangalawang asawa samantalang ang suwail na si John ay anak niya sa namatay na unang asawa. Mayaman ang pamilya ni Jose, pinamanahan siya ng mga magulang ng ilang apartment at iba pang naiwang business. Ngunit tanging ang anak niya lang na si Jake ang nakakatulong niya sa pagma-manage ng mga ito. “Anong pumasok sa kukote mo at naisipan mong umuwi, John?” tanong ng ama habang nasa hapag-kainan sila. “Pa, hayaan na muna nating makakain si kuya,” sabad agad ni Jacob. “Bakit mo ipagtatanggol ‘yang kapatid mong nang-iwan sa ama natin?” masungit na tanong ni Jake sa kapatid, “Sa totoo lang ay kapatid lang naman natin siya sa labas.” “Gusto ko kasing maging komportable kayo.” Nagulat ang lahat nang magsalita si John. “Palagi ko kasing nababasa sa mga mata niyo, Jake at Papa, na hindi kayo komportable kapag nandito ako.” Napaismid si Jake, totoo ang sinabi nito. Ayaw niya ngang andito ang panganay na kapatid. Natatakot kasi siyang maagawan sa pamana ng ama. “Kuya…” tinignan ni Jacob ang panganay na kapatid. Nginitian siya nito. “Okay lang Jacob,” Muli siyang tumingin sa ama, “Pa, pwede po bang makahingi ng pera sa inyo?” Nanlisik agad ang mga mata ng ama nila, “Matapos mong hindi magparamdam ng ilang taon, uuwi ka lang dito para manghingi ng pera!” “Tsaka, pwede po ba tayong magpakuha ng family picture?” patuloy nito nang hindi pinapansin ang ama. “Huling family picture po kasi natin ay kung kasama pa natin si Mama.” Doon na nagwala ang ama, ibinato nito ang baso sa sahig. “Pinagloloko mo ba ‘ko, John?” Kitang-kita ng magkakapatid ang galit sa mukha ng ama nila, “Kung uuwi ka dito para lang sabihin lahat ng mga kalokohang ‘yan, huwag mo nang sayangin ang pagkain at lumayas ka na!” Ngumiti nang mapait si John, isang patak ng luha ang pinilit niyang pigilin, ngunit nagpatuloy sa pagbagsak. Wala siyang nagawa kundi umalis muli sa bahay nila. Samantala hindi na napigilan ni Jacob ang iyak pagkaalis ng kuya John niya. Kanina niya pa gustong ilabas ito ngunit ayaw niyang ipakita ito sa panganay na kapatid. “Pa, hindi niyo alam ang ginawa niyo,” umiiyak na sabi nito. Nagtaka ang dalawa sa sinabi niya. “May sakit si kuya, kaya kailangan niya ng pera. Anim na buwan nalang ang tinaning sa kanya ng doktor kaya gusto niyang magpakuha tayo ng family picture.” Gulat ang dalawa sa sinabi niya. Nabasa niya ang sakit at pagsisisi sa mukha ng ama. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.