Inday TrendingInday Trending
Nagtrabaho sa Bar ang Babae Para Makahanap ng Lalaking Mag Aahon sa Kanya sa Hirap, Pero Lalo Lang Siyang Nalubog sa Natagpuan Niya

Nagtrabaho sa Bar ang Babae Para Makahanap ng Lalaking Mag Aahon sa Kanya sa Hirap, Pero Lalo Lang Siyang Nalubog sa Natagpuan Niya

Pok-pok, makati, malandi, haliparot, bayaran, at kung ano-ano pa ang tawag ng karamihan kay Divina, o mas kilala sa tawag na Vi. Simula nang magtrabaho siya bilang isang entertainer sa bar ay ito na ang pangalan na ginamit niya upang hindi masyadong mahalungkat ang personal niyang buhay.

“Divina! Bumangon ka na riyan at tanghali na. Maglalaba ka pa!” Malakas na sigaw ng nanay ni Vi minsan.

Padabog na bumangon si Vi sa kama at sandaling dumungaw sa bintana. “Balang araw, ay makakaalis din ako sa lugar na ito, makakahanap ako ng mayaman na kostumer at lalayas ako dito.” Bulong niya sa sarili.

Sa Isa’t kalahating taon niyang pagtatrabaho sa bar ay marami na rin siyang mga naging kostumer, may mga drayber ng dyip at taxi, minsan ay construction worker, ang iba ay mga empleyado na nagpapalipas lamang ng oras, mangilan ngilan lamang ang talagang may kaya at nakakapagbigay sa kanya ng malaking tip.

Makailang beses na rin siyang sinugod ng mga asawa ng mga nagiging kostumer, pinagwawalang bahala na lamang niya ito dahil alam niyang parte na iyon ng trabaho niya.

“Uy Star, wala ka bang pwedeng ipakilala sakin na mayamang kostumer? puro pipityugin naman kasi ang nagpupunta rito.” tanong niya sa kaibigan habang nagaayos sila sa silid bihisan.

“Ay nako girl, meron siempre! Ikaw pa ba! Sumama ka sa akin mamaya pagkatapos natin dito may kikitain akong foreigner pero satin lang to ha, wag mo ipagsasabi sa iba.” sagot naman ni Star

“Wow! Foreigner talaga ba? eh di maraming pera yan?”

“Oo naman noh! Sasabihan ko siya na magsama ng kaibigan para tig-isa tayo.”

Nagkangitian silang dalawa na para bang alam na nila ang mga dapat gawin. Sa lahat ng nagtatrabaho sa bar ay silang dalawa ang pinaka malapit sa isat’t isa, noon pa man ay sabay silang gumigiling at sumasayaw sa entablado na halos wala ng saplot sa katawan.

Alas-tres ng madaling araw at dumating na ang foreigner na kanilang kakatagpuin, may dala itong sasakyan at sinundo lamang sila. Tuwang tuwa si Vi dahil ngayon lamang siya makakasakay sa isang magarang kotse.

“Where is your friend?” tanong ni Vi sa foreigner na nakikipaglampungan kay Star.

“He is at the hotel, you will meet him there.” sagot naman nito

Sabik na sabik na si Vi na makilala ito, pakiramdam niya ay unti unti na siyang napapalapit sa kanyang pangarap na yumaman. Pagdating sa hotel ay inayos na ni Vi ang kanyang damit at buhok, inihatid rin siya nina Star sa kwarto ng kaniyang foreigner na kostumer.

“Oh pano Vi, ikaw nang bahala diyan kay Joey ha.” bilin ni Star

Kinindatan siya nito at umalis kasama ang sariling kostumer.

“Come in.” wika ni Joey habang nakatingin sa kaniyang lumuluwang dibdib.

Pinagtimpla siya nito ng juice at nakipagkwentuhan, masaya itong kausap, sa tingin niya ay mabait naman ito kahit mas madalas pa itong nakatingin sa mga hita niya kesa sa muka niya. Madalas din siyang patawanin ni Joey sa mga kwento nito.

Makalipas lamang ang ilang minuto ay tila nahilo si Vi, umikot ang kanyang paligid at hindi na niya magawang tumayo ng tuwid.

“Joey, can you help me, I’m dizzy.” sambit ni Vi habang sinusubukang tumayo.

Pero hindi siya nito pinansin at nagtungo na sa pintuan kung saan tatlong lalaking foreigner pa ang pumasok. Tinabihan siya ng mga ito at unti-unting hinubaran, sinubukan niyang lumaban ngunit wala na siyang lakas. Binuhat siya ni Joey sa kama at doon ay salitan siyang ginahasa ng apat na lalaki.

“Stop please.” pakiusap niya habang umiiyak

Hindi tumigil ang mga ito at lalo pa siyang pinahirapan, tinakpan ang kanyang bibig at paulit ulit na ginahasa buong gabi.

Nagising si Vi na mag-isa sa loob ng kwarto, wala na ang apat na lalaki at wala ring ibang gamit doon maliban sa bag niya, nag iwan lang ang mga ito ng sampung libong piso sa ibabaw ng mesa.

Nanlumo si Vi sa mga nangyari, kung noon ay alam niya na marumi siyang babae, ngayon ay mas masahol pa roon ang tingin niya sa sarili, para siyang aso na pinagpasa-pasahan ng mga estranghero. Tuloy-tuloy ang daloy ng luha niya at hindi na niya mapigilang hindi magwala.

Nagtungo siya sa pulisya upang magsumbong, inilahad niya ang mga nangyari, ngunit limang buwan ang lumipas at hindi na nahanap ang mga ito, malamang ay nakalabas na ng bansa ayon sa mga pulis, maging ang kaibigang si Star ay hindi na niya nahagilap, nagtago na ito matapos malaman ang nangyari sa kaniya, natakot itong madawit sa pambababoy na nangyari kay Vi.

Tumigil si Vi sa pagtatrabaho sa bar, hindi na siya lumalabas ng kaniyang kwarto at wala rin siyang ganang kumain. Sobra ang kaniyang pagsisisi sa mga nangyari. Gusto niyang magbago ang takbo ng kaniyang buhay, gusto niyang maging matagumpay sa buhay. Pero Paano?

Minsang nahulog ang kaniyang suklay at napunta sa ilalim ng kama, sinipat sipat niya ito at doon ay nahawakan niya ang isang maalikabok na kahon, hinila ito ni Vi at binuksan.

Nakita niya roon ang kaniyang mga lumang litrato noong siya ay nagaaral pa, ang kaniyang mga dating kaibigan na kinalimutan na niya, ilang school records at mga spesyal na awards sa eskwela.

Eto na yata ang sagot sa kaniyang katanungan, napagpasiyahan niyang kumuha ng boksayonal na kurso at ginamit niya ang kaunting ipon mula sa pagtatrabaho sa bar upang makapag simula ng panibagong buhay.

Natutunan niyang ang tagumpay ay hindi maaring makamit sa isang gabi at kailangan niyang pagsikapang mabuti ang kaniyang mga pangarap.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement