Inday TrendingInday Trending
Kinatatakutan ng mga Kapitbahay ang Matandang Usap-usapang Isang Aswang, Pagdating Pala ng Bagyo ay Nakakagulat ang Igaganti Nito sa Kanila

Kinatatakutan ng mga Kapitbahay ang Matandang Usap-usapang Isang Aswang, Pagdating Pala ng Bagyo ay Nakakagulat ang Igaganti Nito sa Kanila

Lumaki si Janna na takot sa kapitbahay nila, si Aling Adelaida. Mas kilala ito sa tawag na Pusang Aswang, paano naman kasi, wala itong ibang kasama sa malaki at nakakatakot na bahay kundi ang mga alagang pusa. Minsan lang din ito lumabas at sa iilang pagkakataong nakasalubong niya ito ay halos manindig ang balahibo ni Janna. Puting puti ang buhok nito, nakakakilabot kung tumitig ang halos abong mga mata na tila ba sinusuyod ang buong pagkatao niya,minsan ay nginitian siya nito at lumabas ang ilang pirasong ngipin. Hindi niya ito nginitian at tumakbo lang siya pabalik sa kanilang bahay. “Nako,kagabi raw ay may narinig na tiktik si Jonna. Bale ba ay kabuwanan na niya.Buti na lang nandun ang mister nya at binantayan siya, siguradong si Pusang Aswang yun salot talaga ang matandang yan eh.” narinig niyang kwento ng isang kaibigan ng mama niya. “Baka naman guni guni lang at tinatakot lang ni Jonna ang sarili niya?” sagot naman ng mama niya. “Hindi, talaga raw parang may nagkukutkot sa bubungan.” sabi nito. Ngayong teenager na si Janna, hindi nabawasan ang takot niya kay Pusang Aswang, lalo na at nabalitang may bagyo raw at tiyak na magba-brown out.Isipin pa lang niyang madilim at kapitbahay nila ang aswang ay kinikilabutan na siya. Kinagabihan ay dumating nga ang bagyo, sa sobrang lakas ay tumaas ang baha hanggang dibdib. Walang taas ang bahay nina Janna kaya sila ng nanay niya ay naghanda na mababad sa baha magdamag, wala rin naman kasi silang ibang pupuntahan. “Len, lika na kayo sa bahay,” nagulat sila nang makita si Pusang Aswang na nakatayo sa pintuan nila. “Hindi na ho te. Nakakahiya naman ho.” sagot ng nanay niya na nililihim ang takot. Tila nahulaan naman iyon ng matanda kaya sinabing “Wag kayong matakot nandoon na sina Aida.” Ang tinutukoy nito ay ang iba pa nilang kapitbahay. Wala nang nagawa ang nanay niya, bahala na ang Diyos, sa isip isip nito. Pagpasok nila sa tahanan nito ay naroon nga ang ilang kapitbahay nila at nagkakape. Binigyan din ito ni Pusang Aswang ng mga kumot at unan. “Dito na muna kayo.. delikado sa labas.” sabi nito habang nakatanaw sa bintana at inaayos ang kurtina. Nagkatinginan naman ang mga tao, tila napapahiya dahil sa kabila ng panghuhusga nila ay kabaitan pa rin ang ipinapakita ng matanda. “B-bakit ho ang dami ninyong alagang pusa? Bakit wala po kayong kasama dito?” hindi napigilang tanong ni Janna , pinandilatan naman siya ng kanyang ina. “Naaksidente ang mag-aama ko noong pauwi sila ng probinsya, maraming taon na ang nakalilipas. Ang naiwan sa akin ay ang mga alaga naming pusa, hindi ko nagawang itapon ang mga anak nila dahil sila na lang ang natira kong pamilya kaya dumami nang dumami. Hindi ako aswang,” nakangiting sabi nito. Napahiya ang mga tao sa tinuran ng matanda. Sinisi nila ng palihim ang mga sarili dahil naging masama sila sa loob ng maraming taon at palaging pinagbibintangan ang matanda. sa ibaba. Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement