Inday TrendingInday Trending
Inakala ng Babaeng GRO na Wala nang Magmamahal at Tatanggap sa Kanya, Pero Pinag-aral at Sinuportahan Siya ng Isang Seaman

Inakala ng Babaeng GRO na Wala nang Magmamahal at Tatanggap sa Kanya, Pero Pinag-aral at Sinuportahan Siya ng Isang Seaman

Si Edwin ay isang seaman na sa edad na 34 ay nananatili pa ring single. Marami sa mga kaibigan niya ay nagsasabing masyado daw siyang pihikan sa babae. Ibang-iba kasi siya sa mga kasamahan niya na halos lahat ‘ata ng lugar na daungan ay may nakaka-date na babae.

“Brad, masyado ka kasi mapili eh. Hindi ka na bumabata brad ah, tumatanda na tayo.”

Natatawa na lamang ang lalaki sa mga sinasabi ng kasamahan niya. Hindi niya lang maloko ang mga ito na kahit may asawa na ay naghahanap pa rin ng girlfriend. Hindi naman pangit si Edwin, sa katunayan ay marami ngang nagkakagusto sa kanya ngunit hindi niya malaman kung bakit wala talaga makabighani sa puso niya.

Hanggang isang araw ay sinama siya ng kaibigan sa isang club. Noong una ay ayaw niya sana pero pinilit siya nito kaya naman wala na siyang nagawa pa.

“Pare, wala naman akong gagawin dito–” napatigil si Edwin sa pagsasalita nang may nakabunggo siya, “Sorry Miss.”

“Okay lang.”

Napatigil siya sa ganda ng boses ng babae. Tinignan niya ito at ganoon nalang ang pagkagulat niya nang sa ilalim ng malamlam na mga ilaw ay nakita niya kung gaano rin kaganda ang babae.

Lalo pa nitong ikinaganda ang dimples sa magkabilang pisngi. Hindi niya malaman kung bakit bigla siyang nagpakilala sa babae, “Hi, ako nga pala si Edwin.”

Nagpakilala rin ang babae at nalaman niyang Angel ang pangalan nito.

“Kasing-ganda mo ang pangalan mo. Para ka kasing anghel.”

Natawa ang babae sa kakornihan niya. Nalaman niyang nagtatrabaho pala ito sa club bilang GRO. Ngunit ipinagtataka niya sa sariling ‘ni hindi nagbago ang pagtingin niya dito.

Sinimulan niyang ligawan ang babae. Sa kabila ng pambubuska ng mga kaibigan na isang “GRO” lang daw ang nabagsakan niya, ay tinuloy niya pa rin ang panunuyo kay Angel.

Natuwa naman siya dahil pinahirapan siya nitong manligaw na tila isang maria clara rin. Nalaman niyang napakabait rin ni Angel at nagawa lang nitong pumasok sa ganoong trabaho para sa mga kapatid nito. Matagal na pala silang ulila at siya na lang ang tanging inaasahan ng mga ito.

Kaya naman gamit ang naipon niya ay pinatigil niya si Angel sa trabaho at sa halip ay pinagpatuloy niya ito sa pag-aaral habang siya ang sumusuporta sa mga kapatid nito.

Hindi naman siya binigo ng kasintahan dahil bukod sa mapagmahal ito sa kanya ay labis rin ang pagmamahal nito sa mga kapatid. Matalino rin ang babae kaya nakapagtapos ito bilang Magna Cum Laude.

Tuwang-tuwa si Edwin na umakyat sa stage upang sabitan ng medalya ang girlfriend. Isang taon itong nagtrabaho at pinakasalan niya na rin ang babae.

“Salamat, mahal. Hindi mo ako hinusgahan sa nakaraan ko.”

“Mas lalo akong nagpapasalamat sayo. Buong buhay ko, akala ko hindi na ako magmamahal ng ganito.”

Advertisement