Natatakot ang Babaeng Ito na Ipapakilala na sa Kanya ang Babaeng Pinakamamahal ng Lalaking Palihim Niyang Iniibig, Ngunit Isang Nakakagulat na Twist ang Naganap
Simula pagkabata ay magbestfriend na si Shari at Jeck, magkasama sila sa lahat ng bagay. Kahit nga noong tulian si Jeck ay kasama pa si Shari, naghihintay sa labas ng klinika at niyakap agad ang umiiyak na bestfriend pagkatapos ng operasyon. Sila rin ang sandalan ng isa’t isa sa unang heartbreak, magkasamang gumraduate ng kolehiyo, at ngayo’y magkalapit lang din ang pinapasukan nilang trabaho.
Palagi silang napagkakamalang magnobyo, na lihim namang ikinakikilig ni Shari, paano naman kasi, noon pa man ay mahal na niya si Jeck. Ito lang naman ang tila bulag na hindi nakakapansin sa nararamdaman niya.
“Di ah, walang talu-talo parang sister ko na si Sha,” kaswal na sagot ni Jeck na masakit syempre para kay Shari. Pero hindi siya pwede mahalata kaya sasagot siya ng,
“Oo nga. Baliw kayo. Tsaka, eww naman diba!” segunda niya para mas kapani- paniwalang wala talaga siyang feelings dito.
Hanggang dumating ang 25th birthday ni Shari, unang unang bumati sa kanya si Jeck.Tinawagan siya nito pagpatak ng mismong alas dose para raw siguradong ito ang unang babati sa kanya.
“Happy birthday taray! Gurang kana.” bungad nito sa telepono.
Umirap naman si Shari ngunit may kasama iyong ngiti.
“Salamat.” sabi niya.
“Dinner tayo after work? Uwi ka muna para magbihis, mahiya ka naman din sa’kin kung bilasa ka na tapos sasama ka saking kumain, syempre ang gwapo ko. Pantayan mo naman sana, mag ayus ayos ka rin! hahaha!” asar nito ulit sa kanya.
Babaan niya kaya ito ng telepono?
“Ayokong masyadong mag ayos, baka dumugin ako ng tao.Alam mo na, ganda lang.” mayabang naman na sagot niya, narinig niyang tumawa ang lalaki sa kabilang linya.
“Ang kapal ng mukha mo te, mag ayos ka kasi, I think it’s about time na makilala mosiya.”seryoso na ang tinig ng lalaki.
Siya.Kinabahan si Shari, sino’ng siya? Kasintahan ni…hindi. Hindi pwede!
“Sino’ng siya?” tanong niya rito.
“Yung..ano. Yung babaeng mahal ko. Ang corny pakinggan! Hahaha! Sige na matulog ka na ulit, baka mukha kang panda sa laki ng eyebags mo mamaya, bye.” iyon lang at ibinaba na nito ang tawag.
Rinig niya ang kaba sa boses ng lalaki na itinatago lang nito sa biro at pagtawa, natatakot ba itong hindi niya magustuhan ang babae? Sino naman kaya, kilala ba niya?
Magdamag siyang hindi nakatulog, pati sa trabaho ay hindi siya masyadong focused. Ang sakit sakit ng puso niya, mawawala na sa kanya ang lalaking mahal.
Sumapit ang gabi, at oras na para sa dinner. Sinundo siya ni Jeck sa bahay nila, kay gwapo talaga nito. Laking pasasalamat niya nang pagsakay ng kotse ay wala roon angbabae na sinasabi nito, baka sa restaurant nalang sila magkikita.
“Happy Birthday Sha.. sana masaya ka, kasi ako masaya ako na parte ako ng buhay mo simula noon hanggang ngayon,” sweet na sweet ang sinasabi ni Jeck pero hindi na siya makapaghintay sababae,tahimik lang tuloy siya kaya itinuloy ng bestfriend ang paglilitanya.
“Pero sana alam mo, na sa gagawin kong to pwedeng masira ang friendship natin dahil, alam mo na, nagmamahal na ako.” ayan na, nagsisimula nang kabahan si Sha sa mga sinasabi nito.
“Nasan na ba kasi siya?” inip na sabi niya.
“Wait.” sabi nito na may kinukuha sa bulsa. Tatawagan ba nito ang babae? Hindi makakarating?
“Sha, pinakikilala ko sayo ang babaeng mahal ko..”sabi ulit ng lalaki.
Naguguluhan si Shari sa pinagsasabi ni Jeck, lalo na nang itapat nito sa mukha niya ang..
Salamin?
“Sha, mahal kita, simula noon, hanggang ngayon. Ayoko nang maging bestfriend mo lang, pwede mo ba akong tanggapin bilang boyfriend mo?”
sa ibaba. Para sa mas maraming updates, I-like lamang ang aming Facebook page.