Inday TrendingInday Trending
Dahil sa Kaka-Selfie ng Babaeng Ito, Isang Aksidente Ang Naganap sa Anak Niya pa Mismo

Dahil sa Kaka-Selfie ng Babaeng Ito, Isang Aksidente Ang Naganap sa Anak Niya pa Mismo

18 anyos lamang si Erica noong nagkakilala sila ni Lenard, nagsama at nagpakasal agad ang dalawa dahil nabuntis ng maaga si Erica. Labag man sa kalooban ng babae ngunit itinuloy niya ang pagbubuntis kahit pa nga ang kapalit nito ay hindi siya makakapagtapos ng kolehiyo.

“Buwiset na buhay to! Kasalanan mo lahat to, Lenard! Kaya ako naghihirap ay dahil sa’yo! BWISET KA! BWISET ‘TONG ANAK MO! BWISET NA PAGBUBUNTIS ITO!” sigaw ni Erica sa asawa habang tinitignan niya ang malaking tiyan sa salamin.

Simula nang mabuntis ang babae ay hindi lumilipas ang araw na hindi nag-aaway ang dalawa ngunit inintindi ito ni Lenard dahil alam niyang hindi biro ang magdalang tao at gustong-gusto na rin talaga niyang magka-anak. Anim na taon ang agwat ng edad ng dalawa kaya’t sa edad na 24 ay handang-handa na itong magpaka-ama.

“Alam ko nahihirapan ka pero huwag mo naman sanang idamay ang batang nasa sinapupunan mo, wala naman siyang muwang. Tayo ang responsable kung bakit siya nabuo,” saad ni Lenard sa asawa.

Nagkakilala ang dalawa sa liga ng basketball noon sa kanilang barangay, nagkapalitan ng numero at nagkatikiman kaya maagang naging mga magulang.

“T*ngina mo kasi! Bobo ka! Hindi ka marunong mag-ingat! Kung alam ko lang na bubuntisin mo ako agad, di sana’y hindi na kita pinatulan! T*nginang bata ‘to, napakalakas ng kapit kahit gusto ko ‘tong ipalaglag eh nandito pa rin! Napakatibay!” pahayag muli ni Erica.

Hindi na lang sumagot si Lenard dahil nasasaktan na siya sa mga sinasabi ng kaniyang asawa, minsan pa nga ay parang gusto na lang niyang iwan ang babae dahil sa masamang ugali nito.

Doon niya napatunayan na kailangan mo munang kilalanin ng husto ang taong gusto mong makasama habangbuhay ngunit kahit ganoon ay mas nananaig kay Lenard ang kagustuhang magkaroon ng buo at maayos na pamilya.

Tamad ang babae sa bahay, ni hindi ito naghuhugas ng pinggan, hindi marunong maglaba o ni magluto ng itlog. Hindi rin ito maayos sa mga gamit at ang tanging importante lang sa kanya ay ang kaniyang mukha at kutis.

Napaka-ayos nito sa sarili at kahit pa nga nasa bahay lamang ang babae ay parati itong nakapostura at hawak ang kaniyang cellphone. Bawat suot, kuha, bago kumain, matulog, habang nanunuod, sobrang lulong nito sa pagseselfie.

Hanggang sa nakapanganak na ang babae at laking tuwa ni Lenard sa anak.

“Lenard, nasaan ang cellphone ko? Nakuhanan mo ba nung nanganak ako? Ano’ng hitsura ko? Nadala mo ba yung make-up bag ko?” sunod-sunod na saad ni Erica sa lalaki nang magkamalay.

“Maganda ka, wag ka munang mag-selfie, magpahinga ka muna,” saad ni Lenard.

“Naku l*tche, kailangan ko ‘yang phone ko akin na, mag-uupdate ako ng status,” baling pa nito.

Walang na namang nagawa si Lenard at ibinigay na lamang ang gusto ng babae kahit pa nga ang ibang nanay doon ay anak ang hawak at siya lamang ang bukod tanging naglilitrato at walang pakialam sa sanggol.

Nagbago naman ito kahit papano noong lumabas ang kanilang anak ngunit sumasakit ang ulo ng lalaki sa sobrang arte nito.

“Lenard, bumili ka ng gatas ng anak mo ha, ayoko nang magpadede! K*ngna losyang na ako! Tsaka ang bata ko pa baka lumawlaw ‘tong dede ko dahil sa kaniya,” saad ni Erica.

“Sabi ng doktor mas maganda daw ang gatas ng nanay, sayang naman e may gatas ka pa oh ayaw mo bang lumaking malusog ang anak natin?” tanong ni Lenard rito.

“Anim na buwan naman na yang si Lerika, di pa ba sapat yun? Tsaka may ngipin na nangangagat na! Ikaw kaya kagatin ko yung sayo tignan natin kung gustuhin mo pa. Bumili ka na ng gatas o kung gusto mo ikaw ang magpasuso! Bahala ka sa buhay mo,” baling ng babae.

Walang nagawa ang lalaki kundi bumili ng formula kahit pa nga hirap na hirap na siya kakatrabaho bilang isang manager ng isang Chinese restaurant. Kung dati ay nakakapagtabi pa siya kahit papaano, ngayon ay nasasaid ang kanyang sweldo at minsan pa nga’y nakakapangutang pa siya matustusan lang ang pangangailangan ng kanyang mag-ina.

“Ano ba yan Erica, yung anak mo iyak ng iyak inuuna mo pa ‘yang make-up mo, rinig na rinig na sa kanto!” galit na galit na pahayag ni Lenard nang dumating ito sa kanilang bahay at tsaka binuhat agad ang kanilang anak.

“Hindi pa naman namatay ‘di ba? Normal namang umiiyak ang mga bata, wag OA. Tsaka pagod na pagod na akong alagaan ‘yan buong araw!” sagot ng babae sabay kuha ng kanyang telepono at umalis ito ng bahay.

Hindi na lang sumagot si Lenard dahil alam niyang mag-aaway lamang sila ulit ng babae. Minsan nga’y naiisip niyang hindi mahal ni Erica ang anak at hindi ito masaya sa buhay nila ngayon, ipinagdarasal na lamang ni Lenard na maging responsableng ina at asawa ang kaniyang misis kahit pa nga hindi na ito maging masipag sa bahay.

Hanggang sa isang araw, day off ni Lenard sa trabaho at nakalagay ang anak sa walker, si Erica naman ay nakababad pa rin sa kanyang cellphone.

“Mahal, tignan mo si Lerika ha, baka kung ano na ang ginagawa at tahimik ‘yong bata, nagluluto lang ako dito,” saad ng lalaki.

“Oo na ho, itay hehe!” nangaasar na sagot ng babae.

“Lerika anak, anong ginagawa mo diyan?” tanong ng babae habang nakatalikod siya sa sa anak at naghahanap ng magandang ilaw at anggulo.

Ngunit laking gulat ng dalawa nang biglang bumulahaw ng iyak ang anak nito.

Napatakbo ang dalawa sa kinaroroonan ng bata. Nanginig si Erica nang makitang duguan ang anak, nagdurugo ang dalawang daliri ng bata dahil ipinasok niya ito sa electric fan.

“P*TANGINA MO, ERICA! MAMAMATAY SA ‘YO ANG ANAK KO!” sabay bato ni Lenard sa telepono ng babae at isinugod sa ospital ang anak.

“Kung ayaw mo sa anak mo, lumayas ka na lang. Hindi yung pinababayaan mo, suko na ako sa ugali mo Erica,” pahayag ni Lenard sa babae habang sila ay nasa ospital.

Hawak ng babae ang telepono niyang duguan at hindi siya makapagsalita sa kanyang kapabayaan.

Mabuti na lang ay nadala agad ang bata at nagamot ang kamay, hindi malaki ang hiwa sa mga daliri nito na labis na ipinagpapasalamat ni Lenard sa Panginoon.

“Teka, maliit lang pala ang sugat ni baby, bakit parang ang daming dugo?” puna ni Lenard.

Habang tila naninigas pa rin si Erica sa isang sulok ay napansin ng mga nars na umaagos ang dugo sa kanang kamay nito.

“Ma’am, sumakay na po kayo dito sa wheelchair. Yung daliri po ninyo,” saad ng nag-aalalang nars.

Doon lamang napagtanto ni Lenard na malaki ang hiwa sa daliri ni Erica. Labas na halos ang buto nito. Doon niya napagtanto na kahit tila pabayang ina ito’y mayroon pa rin itong tinatawag na motherly instinct.

“Malamang po ay ipinasok ni ma’am ang daliri niya upang pigilan ang pag-ikot ng elisi ng bentilador. Mabuti na lamang at ganoon ang nangyari kung hindi’y baka naputulan ng daliri si baby,” paliwanag ng doktor.

Tila hinaplos naman ang puso ng lalaki at matapos magamot ang sugat ng asawa’y niyakap niya ito at humingi ng paumanhin.

Mula noon ay naging malaki ang pagbabago ni Erica, nahimasmasan ito sa mga pinagagagawa niya at namulat ang mga mata sa tunay na kahulugan ng pagiging ina.

Ngayon ay grade 1 na si Lerika at maayos ang pagsasama nila ni Lenard. Pirmeng top 1 ang anak at bidang-bida sa mga contests sa kaniyang paaralan. Labis kasi itong bihisan at ayusan ng ina tuwing may patimpalak gaya ng United Nations. Tutok din si Erica sa pag-rerebyu sa anak tuwing may pagsusulit ito.

Hindi man siya nakabalik pa sa kolehiyo ay ibinuhos niya sa paghuhubog sa anak ang kaniyang determinasyong makapagtapos upang hindi ito magaya sa kaniya. Hindi na rin siya gumamit pa ng magarang telepono imbes ibinigay niya ang buong oras at atensiyon sa kaniyang mag-ama.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Advertisement