Inday TrendingInday Trending
Napahiya ang Madamot na Ginang Matapos Makita ang Ebidensya ng Pagdaramot Niya

Napahiya ang Madamot na Ginang Matapos Makita ang Ebidensya ng Pagdaramot Niya

May kaya ang pamilya ni Aling Eli. Nasa abroad ang mga anak niya at buwan-buwan ay nagpapadala sa kanya. Ang tanging pinagkakaabalahan niya na lang ay manood ng drama sa TV, minsan ay magsimba, at makipagkwentuhan sa mga kumare niya. Sa kabila ng ginhawa sa buhay ay madamot at inggitera pa rin ang matanda.Kay hilig niyang silipin kung ano ang mayroon ang kapitbahay, dapat ay mayroon din siya. Kung nagpagawa ng bakod ng kapitbahay, magpapagawa din siya. Basta dapat, laging MAS siya. “Ate Eli, ang ganda naman ho ng halaman ninyo.” minsang bati sa kanya ng iaang kapitbahay. “Ay oo, binili ko yan sa Baguio noong birthday ko.Alam mo na, nagpadala ang anak ko para magliwaliw naman daw ako.” mayabang na turan niya rito. “Taga roon ho si Aling Lita ah?Bibisita nga raw ho dito iyon, diba magkababata daw kayo?” tanong ulit ng kapitbahay. “Ah oo, si Lita.” nakangiti man ay halos umirap na si Aling Eli. Maalala niya pa lang ang babae ay naiinis na siya.Ito kasi ang katapat niya, nakakaasar mang aminin pero lamang ito sa kanya. Mas mayaman, at mas maraming may gusto kasi mabait daw.Pwe! Bakit ba kasi babalik pa ito sa lugar nila? Di pa manahimik na lang sa Baguio! Si Aling Lita naman ay excited nang makabalik, simula kasi nang kunin siya ng anak sa Baguio ay bibihira na siyang makapasyal dito. Kumusta kaya si Eli, ganoon pa rin kaya siya? Matapos makapagpahinga ay unang una niyang binisita ang bahay ni Aling Eli. Sabik siyang makakwentuhan ang kaibigan.Balita niya kanina ay namigay raw ito ng ube halaya sa mga kapitbahay. “Eli..andyan ka ba?” tawag niya rito habang kumakatok sa bahay nito. “Lita! ikaw na ba yan? kaganda pa rin ng kumare ko ha!” sabi nito sabay beso beso kay Aling Lita. Nakatingin sa kanila ang ilang kapitbahay dahil tanaw sila ng mga ito mula sa labas. “Balita ko ay may ube ka raw na masarap ah, patikimin mo naman ako.” biro niya sa babae. “Nako! naubos agad dahil ang dami kong pinamigay.Ako man ay hindi nakatikim, talaga mare.Sinasabi ko sayo, hindi ako nakatikim rin.” sabi nito na ikinukumpas pa ang mga kamay. Lihim namang natawa si Aling Lita, hindi pa rin nagbabago ang kaibigan.Madamot pa rin ito.Habang nagsasalita kasi ito, ay napansin niyang.. MAY UBE ITO SA NGIPIN. sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement