Inday TrendingInday Trending
Nag-Gym ang Matabang Dalaga Para Magpa-Sexy sa Magiging Ka-Date Niya, Pero sa Gym Niya Pala Matatagpuan ang Tunay na Pag Ibig

Nag-Gym ang Matabang Dalaga Para Magpa-Sexy sa Magiging Ka-Date Niya, Pero sa Gym Niya Pala Matatagpuan ang Tunay na Pag Ibig

Bata pa lamang si Mia ay tabain na siya, tanggap niya na sa sarili niya na kailanman ay hindi na siya papayat pa. Ang isang hita niya pa lang ay katumbas na ng isang kaklase niya.

Iyon rin siguro ang dahilan kung bakit kahit sa edad niyang 26 ngayon ay wala pa ring nanliligaw sa kanya. Maganda naman ang dalaga at matalino, pero kadalasan kasi sa mga lalaki ay pisikal na anyo ang tinitignan.

“Anak, kailan mo ba kasi ako bibigyan ng apo?” pangungulit ng Mommy niya, wala siyang pasok sa opisina ngayon kaya narito siya sa probinsya para makasama ang kanyang ina.

“Ma, jowa nga wala ako apo pa kaya. Kung maiko-convert ko lang ang taba sa bata, edi lola ka na sana ngayon,” biro niya sa ina. Abala siyang ngumangasab ng donuts.

“Kagatin mo na kasi yung sinasabi ko sayo, yung anak ng bestfriend ko sa States. Matagal na namin kayong gustong ipag-date, ayaw mo naman. Mabait ang batang iyon at matalino..at gwapo..”

“At may pinag aralan at magalang..” siya na ang nagtuloy sa sasabihin ng kanyang ina, paano, bente anyos palang yata siya ay pinipilit na siya nitong makipagdate sa anak ng kumare.

“Hindi mo ako sineseryoso, wala ka na yatang balak bigyan ako ng apo.. parang sumasakit ang dibdib ko..” umarte pa itong hindi makahinga.

“Oo na! Si mommy naman eh! Pero next month na, magpapapayat muna ako.” pagpayag niya. Bigla namang umayos ang nanay niya.

“Okay anak, take your time di naman ako nagmamadali,” at ang tamis ng ngiti nito.

Ang mommy niya talaga, puro kalokohan. Pero pagbibigyan niya na ito para matapos na ang pamimilit. Chinallenge niya na rin ang sarili niya na magpapayat para di naman mapahiya ang kanyang ina. Pagbalik niya sa Maynila ay agad siyang naghanap ng gym, pero nakakailang buhat palang siya ay tinamad na ang dalaga. Umuwi nalang siya at tinawagan ang bestfriend nya.

“Te! Yung pawis mo na yun wala pa sa kalahati ng cake na kinain mo!” natatawang sabi ni Gianna, ang bestfriend nya.

“Tinamad nga ako anong gagawin ko? Hayaan mo na yung anak ng bestfriend ni Mommy, ito na ako eh,” sabi nya at kuntento na sa sarili.

“May alam ako. Why don’t you try kickboxing? May kalaban ka doon kaya di ka mabo-bore parang boxing rin, tapos di mo namamalayan pinapawisan kana.” sabi nito.

Napaisip naman si Mia, may point ito. Kinabukasan ay agad siyang naghanap ng pinakamalapit na gym kung saan may nagtuturo ng kickboxing. Buti nalang, may bagong bukas malapit sa kanya.

Nagbayad lang siya ng membership tapos ay naghintay na sa lobby, sabi ng babaeng nakausap sa kanya ay hintayin niya lamang ang coach, mamaya lang raw ay darating na.

Ilang sandali pa ay tumunog ang windchime sa pinto. Napalingon si Mia sa lalaking pumasok, parang Greek God ito sa ganda ng katawan. Matangkad ito at nakalugay ang hanggang balikat na buhok. Kahit naman long hair ito ay matigas ang panga at lalaking lalaki.

“Kanin nalang ang kulang..may ulam na..” bulong niya, di niya namalayang tumulo na ang laway niya. Nakangisi pa ang lalaki nang sulyapan siya.

Saglit nitong nilapitan ang babaeng kausap niya kanina at itinuro siya nito, maya maya ay naglalakad na ito papunta sa direksyon niya. “Ready?”

“H-ha?”

Anak ng pitong kabayo, ito pala ang coach niya!

“Daniel Lagdameo, black belt sa Aikido, but I also teach kick boxing,” matamis ang ngiti nito na kinamayan siya.

Diyos ko, nagsisimula palang sila ay nako-conscious na talaga si Mia. Hindi kasi siya nagsuot ng sports bra kaya bawat maliksing galaw niya ay gumagalaw ang kanyang dibdib. Napapansin niyang tinitignan iyon ni Daniel pero mabilis rin namang aalisin ang mga mata roon.

“Come on! Hit me here! Isipin mong ako ang ex mo!” sigaw nito.

“Wala akong ex! G*go!” sigaw niya at sinuntok ito.

Natawa naman si Daniel, ang cute talaga ng babae kahit may katabaan ito. Kita rin ang pagkahubog ng katawan nito.

Ilang linggo pa ang nakalipas ay kitang kita na ang pagbabago sa katawan ni Mia, marahil ay inspired kasi siyang magpapayat dahil kay Daniel. Sa huling araw ng training niya, ang araw bago siya umuwi sa probinsya ay niyaya siya ng lalaki na mag-celebrate.

“So you’re telling me, tutuloy ka pa rin bukas?” seryosong tanong nito habang kumakain sila. Infairness kay Daniel, hindi siya nito sinasabihan ng mataba o hinuhusgahan sa mga kinakain niya. Tutok na tutok rin ito sa kanya at palagi siyang sinasamahan kahit pa wala naman silang work out.

“Oo, para lang matahimik na ang mommy,” sabi nya. Ang totoo, gusto nya lang pagselosin ito dahil nahulog na siya sa lalaki. Wala namang masama sa mangarap diba? Kahit pa mukha siyang patatas pag itinabi rito.

“What if magustuhan ka nung lalaki? Just because you lost weight? Ganun ba ang gusto mong pag ibig? yung dahil lang sa pumayat ka na, mahal kana?” sunod sunod na tanong nito.

“What do you mean?” naguguluhan naman si Mia.

“I mean, Mia. Maganda ka kahit chubby ka, ako kasi.. kaya ko lang naman gustong magbawas ka ng timbang ay para sa health mo. Pero kung ganda lang rin, kuntento na akong ganyan ka..” dire diretsong sabi nito kaya napalingon si Mia, sasagot pa sana siya pero hinalikan na siya ni Daniel.

Ewan niya kung anong mahika ang umepekto sa kanya dahil nang akayin siya ni Daniel papunta sa kotse nito ay sumama siya. Doon ay sinibasib siya nito ng halik.

“Sasama ka ba sa akin?Wag mo nang puntahan yung lalaking yun bukas..” halos magsumamo na ito, hahalikan pa sana siya nito nang biglang mag ring ang cellphone nito. Hindi sana nito sasagutin iyon at itutuloy ang kanilang ginagawa pero makulit talaga ang tumatawag.

“Hello, ma? Yes. I’m here in Manila. Bakit? Tonight? Di ba pwedeng bukas na? Sige na.” napabuntong hininga ito at tumingin sa kanya.

“You’re coming with me? Pupunta si mama sa condo ko tonight. Byahe na raw eh, papakilala kita.” sabi nito, gusto pa sanang tumutol ni Mia pero mahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya. Isa pa, kilig na kilig siya!

Nang makarating sila sa condo ay nagulat pa sila dahil naroon na ang nanay nito sa loob, may extrang susi pala ang ginang. Pero hindi lang ang nanay nito ang naroon, katabi nito ang mommy nya na ang laki laki ng ngiti!

“Mom? Ano’ng ginagawa nyo rito?!” gulat na tanong nya.

Kinikilig itong nakatitig sa kamay nila ni Daniel na magkahawak. “Magkakilala na pala kayo, ikaw hija ah! Di ka na naghintay na ipakilala ko sayo ang anak ng bestfriend ko,dadalawin sana namin si Daniel para paalalahanan na bukas ay may ipapakilala kami sa kanya.” ginigigis ito.

Gulat na gulat siya at pagsulyap niya kay Daniel ay kumibit balikat nalang ito. Wala ring alam ang lalaki pero ang laki laki ng ngiti nito ngayon. Binulungan pa siya nito.

“Para sa akin ka pala nagpapapayat baby,” masuyong sabi nito.

Nang gabing iyon ay nagkaaminan ng pag ibig ang dalawa.

Makalipas ang dalawang taon ay nagpakasal sila at ngayon ay masaya nang namumuhay kasama ang dalawa nilang anak.

Sobrang saya ng dalawang matanda, napatunayan rin nila na kahit pala di sila kumilos, tadhana na ang gagawa ng paraan para magkatagpo ang dalawang pusong nakatakda.

Advertisement