Avatar - Inday Trending

Inday Trending

Marimar, Ang Seksing Pulubi - Inday Trending

Marimar, Ang Seksing Pulubi

“Pre, tingnan mo! Napakasexy naman ng pulubi na ito! Panigurado ako kapag yan niliguan, napakaganda niyan!” hayok na hayok na ani Vic, habang titig na titig sa pulubing parating.

“Hoy pare, huwag ka naman pumatol sa ganyan! Maghunos dili ka naman! Makakahanap ka rin ng babaeng makakapagpaligaya sayo, huwag yang si Marimar. Ang dumi-dumi niyan!” iritableng ani Dodong.

Kilalang pulubi sa Tondo si Marimar. Ibang klase kasi ang ganda nito, idagdag mo pa ang hubog na hubog na katawan ng babae. Madalas pa na punit punit ang mga damit niya kaya busog na busog ang mga kalalakihang tambay ng Tondo.

“Mga bastos na ito! Wala na nga kong makain dito pinagnanasaan pa ako! Hoy mga itlog, pahinging kanin at ulam!” sigaw ng magandang pulubi.

“Halika punta tayo sa bahay namin. Doon marami kaming tirang pagkain.” nakangiting ani ni Vic. “Samahan mo kami pre!” yakag niya kay Dodong.

Dahil nga sa gutom, sumama naman ang pulubi sa dalawang lalaki. Ngunit napapansin niya na tila lumalayo na sila sa mga kabahayan.

“Teka lang mga itlog! Wala nang bahay dito e, puro dayami na! Saan ba bahay niyo? Anak naman kayo ng tipaklong o, gutom na gutom na ako malayo pa ba?” inis na ani Marimar, ngunit nagulat siya noong bigla siyang hinawakan ni Vic.

“Pasensya kana ha, pero mukhang ikaw ang putahe ngayong gabi.” mahinang bulong nito, at doon sa damuhang iyon binaboy ng dalawang magkaibigan ang pulubing walang laban.

Nagsisisigaw ang dalaga ngunit masyadong malayo ang lugar sa mga kabahayan. Ginawa niya ang lahat para pumiglas sa mahigpit na pagkakakapit ng dalawa. Pero hindi ito sapat, kaya wala na siyang nagawa kundi umiyak.

Milagrong nakatakas siya sa dalawa noong matapos ang isa sa kanya. Agad siyang tumakbo papuntang kabahayan kahit na walang saplot para humingi ng tulong. Ngunit hindi siya inintindi ng mga ito. Tinititigan lang ang kanyang hubad na katawan.

Takbo lamang siya nang takbo habang umiiyak. Nagulat na lamang siya ng may isang kotseng tumigil sa harap niya saka siya binalot sa isang jacket.

“Miss, okay ka lang ba? Bakit wala kang saplot? Saan ang bahay mo? Ihahatid na kita.” alok ng isang lalaki, walang sinagot na isang tanong ang dalaga, iyak lamang ito nang iyak kaya ipinasok muna siya nito sa kotse.

Binigyan niya ng tubig ang pulubi para kumalma ngunit humingi ito ng makakain, binigyan niya ito at noong mabusog ang dalaga, saka ito nagkwento.

“Wala akong bahay, pagala-gala lang ako dito sa Tondo. Nanghihingi ng pagkain kung kani-kanino. Kanina akala ko sa wakas makakakain nako, sabi kasi sakin nung lalaki may pagkain sa bahay nila kaya sumama ako, yun pala ako ang naging putahe nila. Tapos tumakbo ako patungo sa mga kabahayan pero walang naniniwala sakin, akala nila nababaliw na ako! Pero ngayon mukhang mababaliw na talaga ako sa ginawa nila sakin at sa gutom ko!” hagulgol ng dalaga, inis na inis naman ang lalaki sa mga narinig..

“Hayaan mo, isusumbong natin sila sa mga pulis. Natatandaan mo naman ang mga mukha nila diba? Isang pulis ang tatay ko, matutulungan niya tayo. Sa ngayon pumunta muna tayo samin para doon ka maligo, ihihiram rin kita ng damit sa kapatid ko.” anang lalaki, sabay mabilis na pinaandar ang kotse.

Nang makarating sa bahay, agad niyang pinaligo ng binata, hindi niya iniintindi ang mama niyang nagtatatalak dahil sa babaeng hubad na dala niya. Pagkatapos ay agad silang pumunta sa presinto, sakto naman na duty ang kanyang ama.

Doon ipinakwento niya muli sa dalaga ang buong pangyayari, agad namang rumesponde ang mga pulis at hinanap ang mga may sala. Sa kabutihang palad, nadakip ang mga ito. Nagmamakaawa sila sa dalaga na huwag silang ipakulong. Ngunit takot at hindi makaimik sa kanila ang biktima.

Bigla na lang napaiyak si Marimar, niyakap naman siya ng lalaki saka niya naalala, hindi niya nga pala kilala ang lalaking ito.

“Teka, ang dami mon ang naitulong sa akin pero hindi ko pa alam ang pangalan mo.” ika ni Marimar sa yakap niyang lalaki.

“Ako nga pala si Gino, ang lalaking tutulong sayo makamit ang hustisyang malabo mong makuha kung mag-isa ka lang.” nakangiting anito sabay kindat sa dalaga.

Doon nagsimula ang pag iibigan ng dalawa. Binihisan ni Gino si Marimar at pinag aral, laking pasasalamat ng dalaga dahil kahit na napulot siya nito sa putikan ay hindi iyon inalintana ng binata at minahal pa rin siya.

Tunay ngang sa dami ng tao sa mundo na mananakit at susubok sa katatagan natin, may isang nilalang na magpapatunay na may kabutihan pa rin.


Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!


More Stories

Disclaimer: Ang mga kwento ni Inday Trending ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang.

Photos: Ang mga larawang ginamit ay mga stock photos o mga propesyunal na mga larawang binili ng may akda para sa komersyal na layunin. Ang mga ito'y ginamit upang makapagbigay ng mas malinaw na representasyon ng mga karakter at mga pangyayari sa kwento.