Inday TrendingInday Trending
Kayod-kalabaw ang Isang Ina, Mabilhan Lamang ng Bagong Sapatos ang Kanyang mga Anak, Katuwa-tuwa naman ang Naging Ganti ng mga Ito sa Kanya

Kayod-kalabaw ang Isang Ina, Mabilhan Lamang ng Bagong Sapatos ang Kanyang mga Anak, Katuwa-tuwa naman ang Naging Ganti ng mga Ito sa Kanya

Si Tanya ay isang batang hindi naranasan na buo ang pamilya. Kaakibat ng kanyang limang kapatid ay lumaki silang ang tanging ina lamang nila ang kasama sa buhay. Dahil sa kahirapan, ni minsan ay hindi pa nila naranasang makabili ng bagong sapatos. Dahil lahat ng mga sapatos nila ay galing sa kanilang mga pinsan. Kung minsan pa nga’y nagiging tampulan sila ng tukso dahil dito. Madalas silang pagtawanan ng mga pinsan sa tuwing nakikita silang suot-suot ang mga pinaglumaang sapatos ng mga ito. “Ano ba naman ‘yan? Sapatos namin ‘yang suot niyo ah! Ang dudukha niyo talaga!” madalas na pang-aasar sa kanila ng mga pinsan. “Hayaan niyo anak, kapag nagkatrabaho na ng maganda-ganda si nanay ibibili ko kayo ng bagong sapatos kahit paisa-isa muna kayo,” ani Melba, ang kanilang ina, habang isa-isang sinisintasan ang kanilang sapatos. “Okay lang po ‘yun Nay, naiintindihan po namin kayo. Mahirap po talaga ang sitwasyon niyo, lalo na wala na si tatay,” sagot ni Tanya. Matagal na silang ulila sa ama nang minsang bagyuhin ang kanilang baryo at isa ang kanilang tatay Teryo ang nasawi sa pagkakakuryente dahil sa baha. Buhat doo’y mag-isa na silang binuhay ng ina sa pamamagitan ng pananahi sa isang factory. Sa awa naman ng Diyos ay nairaraos sila ng kanilang dakilang ina. “Mga anak, may sahod na si nanay bukas. Kaso isa palang sa inyo ang maibibili ko ng sapatos, pwede bang si Joaquin muna?” tukoy nito sa bunso nila. Wala namang umalma sa kanilang magkakapatid at sa halip ay pumayag silang lahat sa ideya. Dahil doon ay tuwang-tuwa ang bunso nilang kapatid. “Yehey! Magkakabago na rin akong sapatos!” Halos matagalan bago nabuno ng ina ang bagong sapatos nilang magkakapatid. Dobleng trabaho pa ang pinasok niya mairaos lang ang mga bagong sapatos ng anak. Ngunit masaya rin si Melba dahil ‘ni isa sa mga anak niya ay walang nagreklamo sa tagal ng hinintay ng mga ito. Isang gabi habang natutulog si Melba sa kanilang lumang papag ay bigla siyang nabigla nang gisingin siya ng mga anak sa pagtulog, “Nay! Si Joaquin po!” Balikwas siya ng tayo nang marinig ang pangalan ng kanyang bunso, “Bakit? Anong nangyari sa kapatid niyo?!” Imbes na sagutin ay hinatak lang siya ni Tanya sa kanilang sala. Labis-labis ang kaba niya kasabay ng pagdarasal na sana’y wala namang nangyaring masama sa kanyang anak. “Surprise!” halos atakehin siya sa puso nang magulat sa sigaw ng kanyang limang anak. “Anong ibig sabihin nito?” naluluha siya nang makita ang maliliit na makukulay na papel mula sa mga lumang dyaryo. Tila ito ginawang confetti ng limang bata. “Happy birthday po Nay!” Halos maluha-luha siya nang makita ang maliit na cupcake na may kandila sa gitna. “Pasensya ka na Nay, hindi kami nakabili ng totoong cake. Pero promise po, kapag nagkatrabaho kaming lima, kami naman ang mag-iipon para sa totoong cake mo,” ika ni Tanya sa ina. Niyakap niya ang limang anak, “Salamat mga anak. Salamat kasi kahit mahirap tayo, mahal na mahal niyo pa rin si Nanay.” “Mas mahal ka namin Nay. Kasi hindi niyo kami pinapabayaan kahit hirap na hirap na kayo.” sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement