Madalas na Tuksuhing Pandak ang Binata, Wala Palang Nakakaalam sa mga Kaklase Ukol sa Nakakaawang Dinaranas Nito
“Ah pandak! Pandak si Yael! Pandak si Yael!” Narinig na naman ng binatang si Yael ang panloloko ng kanyang mga kaklase. Kahit kasi nasa kolehiyo na kasi siya ay mukha pa rin daw siyang elementarya dahil sa maliit niyang height. Noong una’y palagi siyang napipikon sa pang-aasar ng mga ito dahil nasasaktan siya sa mga panloloko ng mga tao sa paligid. Ngunit sa paglipas ng panahon ay tila naging manhid na siya at hindi na naaapektuhan ng kahit na anong naririnig. Imbes na patulan ang mga ito ay nagdesisyon nalang siyang pag-igihan ang pag-aaral. Lumaki kasi siyang tanging ang tiyuhin niya lang at ang mga anak nito ang kasama sa buhay. Bata pa lamang siya nang magkanya-kanyang asawa ang kanyang mga magulang. Kung kaya naman lahat ng mga gawain ng magulang ay ginampanan niya na para sa sarili. At bilang estudyante noon sa elementarya ay napakaraming libro ang pinapadala sa kanila ng guro. Hindi niya pwedeng iwanan sa classroom dahil tiyak na mawawala iyon. Wala rin naman siyang maaasahan na maghatid sundo sa kanya sa eskwela tulad ng mga kaklase niya. Dahil nakikitira lamang siya sa tiyuhin ay lumaki siyang responsable sa buhay. Siya lamang ang nag-aasikaso sa sarili sa pagpasok sa pang-araw araw. Siya lang rin mag-isa ang nagbibitbit ng backpack niya pagkabigat-bigat patungo sa eskwelahan. At dahil doon ay hindi na siya lumaki nang naaayon sa edad. Dahil bukod sa malnutrisyon ay bahagyang nakuba rin ang kanyang likod dahil sa bigat ng dalahin araw-araw papasok ng eskwela. “Hi, may nakaupo na ba dito?” Napatingin siya sa babaeng kumausap sa kanya. Hindi niya alam kung bakit kahit nakangiti ito, tingin niya pa rin ay nakangisi ito. Para bang lahat ng taong kumakausap sa kanya, sa isip niya’y hinuhusgahan siya. “Nandito ka rin ba para lokohin ako?” Halatang nagulat ang babae sa katanungan niya. Kaya naman nagpatuloy siya, “Kung nandito ka lang para asarin ako, umalis ka na. Ang dami pang upuan dun. Hindi mo ako maaasar dahil sanay na ako sa mga ‘yan.” Ngunit siya naman ang nagulat nang humarap sa kanya ang babae at nangalumbaba, “May trauma ka na sa bawat taong gustong makipagkaibigan sayo, ano? Dahil tingin mo lahat kami aasarin at lolokohin ka lang.” Wala sa sariling napatango siya sa sinabi ng babae. Nagulat pa siya lalo ng ngumiti ito at tinapik siya sa balikat, “Huwag kang mag-alala hindi naman lahat ay ganun.” Nalaman niyang Tina ang pangalan ng babae. Ito ‘ata ang kauna-unahang kaibigan niya sa tanang-buhay niya. Ito lang ang tinanggap siya sa kung sino siya at hindi siya hinusgahan dahil sa panlabas niyang anyo. “Hindi na siguro ako tatangkad, Tina. Buong-buhay ko kasi’y hindi lang mabigat na bag ang dalahin ko kundi pati na rin bigat ng problema,” minsa’y sabi niya sa kaibigan habang nagkukwentuhan sila. Muli na naman nitong tinapik ang balikat niya upang iparamdam na nakasuporta ito sa kanya,”Tandaan mo, kahit na anong bigat ng problema ang dalahin natin sa buhay, manalangin lang tayo nang taimtim at tutulungan Niya tayong bitbitin ang mabibigat na dalahin.” Napangiti siya sa babae. Laking-pasalamat niya rin dito dahil mas lalo siyang napalapit sa Diyos dahil sa mga payo ng kaibigan. Sa tuwing nagdarasal siya ay nawawala lahat ng pangamba niya sa buhay. Hindi niya akalain na ang simpleng pagkakaibigan na iyon ay mauuwi sa pagkahulog ng kanyang loob sa dalaga. Ito lamang ang tanging tumanggap ng buo sa pagkatao niya na hindi man lang tiningnan ang kakulangan niya. Hindi nagtagal ay nagtapat siya dito ng pagmamahal. Nakakagulat din naman at iniibig din pala siya nito. “Nang malaman ko ang kwento ng buhay mo ay agad na akong humanga sayo. Alam kong ikaw ang taong masasandalan ko sa hirap at ginhawa dahil pinagtibay ka na ng lahat ng pagsubok na dumaan sa buhay mo.” pagpapahayag ng pagmamahal sa kanya ng dalaga. Napaiyak si Yael. Hindi niya akalaing sa tanang buhay niya ay may taong iba ang magiging pagtingin sa kanya. Nagpapasalamat din siya sa Panginoon dahil napakabuti nito sa kanya. Hindi nito hinayaang mamuhay siya ng mag-isa. Binigyan siya nito ng katuwang. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.